Dedicated kay belle_yoonsuk! Thank you so much for appreciating this story. Love love ♥
OMG! Summer na! Pero hindi ko pa rin maenjoy ang summer vacation dahil may OJT kami. Ugh.
Congrats nga pala sa mga graduates na ng college, or high school, or elementary, or even Kinder. Hahaha. You did it, guys and gals! Even sa mga undergrads. Congrats sa atin! Magpoproceed na naman tayo ng isa pang year level. ^^
By the way, happy 1st anniversary I'm In Love With My Sister's Boyfriend (March 25, 2013). Grabe, isang taon ko na palang ginagawa ito. Dati, ginawa ko lang ito out of boredom pero ngayon kinareer ko na. Charot!
Thank you po sa inyo friends sa pagbasa, pagboboto, at pagrereact sa bawat updates ko mula sa simula up to this date. Pati na rin sa mga itinigil na ang pagbasa nito, thank you na rin. Di ako bitter ah! Hihi.
At dahil first anniversary nito, may bago na naman siyang book cover. Hihi. Taray!
Ang haba ng speech ko. O sige, basa!X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X
Mandy's POV
"Marami." Maya-maya'y malamig na sagot niya.
Nagpatuloy siya. "Ang pride parang panty yan. Walang mangyayari kung di mo ibababa. Mauna na ako. Inaantok na ako. Excuse me." Bigla siyang tumayo para umalis.
Naiwan lang kaming nakatunganga.
Eh? Di ko alam kung matatawa ako o ano. Yun na yun? Marami? Psh. Mukhang lasing na yata siya. Kung ano na ang pinagsasabi. Ang dami na niyang nainom. Pero nakahinga na rin ako ng maluwag dahil di nagkagulo.
Maya-maya, natapos na rin ang laro at isa-isa na rin silang nagsibalikan sa cottage. Naiwan kaming dalawa ni Jules. Niyaya ko na rin siya na bumalik na sa cottage para magpahinga.
"Jules, tara--"
"May alam ka ba?" Biglang tanong niya sa akin habang nakatingin lang sa malayo.
Sa simpleng tanong niyang yun, alam ko na ang ibig niyang sabihin.
Pero sa halip, nagmaang-maangan ako. "Ha? May alam saan?"
BINABASA MO ANG
I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)
Teen Fiction(COMPLETED) Super hate ni Mandy ang boyfriend ng ate niya na si Charles. Naririndi siya kapag nakikita ito o kahit nakakasama lang ng ilang minuto. Ngunit, mababago ang pagtingin niya rito ng umalis ang ate niya patungong Canada at namalagi doon ng...