Update 46

4.1K 54 4
                                    

Si Jules po ----->

X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X 


Mandy's POV

"Baby, can we start over again?"

Matagal bago ako nakapag-isip ng sagot.

Siguro nga, dapat ko na lang kalimutan kung ano man ang feelings ko kay Yabang.

Si Jules na lang..

Dati naman sobrang mahal ko si Jules diba?

Tumingin ako kay Jules at saka marahang tumango.

Ngumiti ito at hinawakan ang mga kamay ko.

"Thank you. Thank you for this second chance. I'll be a better boyfriend this time. I love you so much, baby. You'll never regret this."

Ngumiti lang ako.

Sana..

* * *

Charles' POV

Nasa bahay lang ako at nanonood ng TV nang dumating si Julius. Nakatira pa rin siya sa kanila pero araw-araw siyang bumibisita dito sa bahay. Minsan, dito pa siya natutulog.

Mukhang masayang-masaya ito.

"Kuya! Good evening." Bati niya sa akin.

"Mukhang masaya ka ah. Anong nangyari?" Tanong ko.

Umupo ito sa tabi ko.

"Kami na ulit ni Mandy." Sabi niya.

Biglang nakaramdam ako na parang tinusok-tusok ang dibdib ko pagkarinig ko sa binalita niya.

I cleared my throat at pinilit kong ngumiti. "A-ah, ganun ba... Congrats." 

"Salamat. Sobrang saya ko dahil binigyan niya ulit ako ng pangalawang pagkakataon. Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko. This time, I will never let her go. I will never ever let her go."

I will never let her go. I will never ever let her go

I will never let her go. I will never ever let her go

Para na akong mabibingi sa mga pinagsasabi niya.

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon