Update 22

5.6K 79 24
                                    

Dedicated kay Keitelyn! Thank you so much for reading! Love love  ♥

Masaya ako kasi naka-1000 votes na ako all in all. Parang kahapon lang eh 2 or 5 votes lang meron ako pero ngayon 1000 na. Hihi. Thank you po sa inyo!

X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X

Sa isang sulok ng horror house ay may isang lalaking sundalong nag-iisa at may hithit na sigarilyo.

Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ay ang pagpatak ng kanyang mga luha. Naghihinagpis ang kanyang puso. Pakiramdam niya ay pasan niya buong mundo. Hawak hawak ang kanyang baril, parang gusto na niyang gawin ang isa sa mga gamit nito. Gusto niyang sumabog.. at tuluyan ng maglaho.

Sa gitna ng kanyang pag-eemote ay may narinig siyang dalawang taong nag-uusap. Isang boses babae at boses lalaki.

"Eeeh?? Horror house??" Sabi nung babae.

"Huwag kang mag-alala. Wala namang mga multo dito. Hahaha. At huwag kang matakot. Nandito naman ako eh." Sabi naman nung lalaki.

Nainis siya. Ginugulo ng mga ito ang kanyang pag-iisa.

'Pagsisisihan nila ang pagpunta nila dito,' Bulong niya sa sarili.

Sumilip siya para makita ang dalawang nilalang na bumagabag sa kanyang pag-iisa. Tama nga ang kanyang hinala. Isa yung babae at isang lalaki. Mas lalo siyang nainis dahil mukhang magkatipan pa yata ang dalawa dahil sa kasweetan nila. May kadiliman ang lugar na kinaroroonan niya pero may naaaninag pa rin siya kahit papaano dahil may mga dim lights.

"Okay lang. Whew, parang matagal-tagal pa bago tumila ang ulan ah. Mukhang stranded tayo dito ngayon." Sabi nung lalaki.

"Mukhang may sofa dun oh. Upo muna tayo." Dagdag niya.

Nabahala siya. Alam niyang papunta ang mga ito malapit sa pinagtataguan niya. Napahawak siya ng mahigpit sa baril na hawak niya. Kasalanan nila na pumunta sila dito.

Lumabas siya sa pinagtataguan niya at hinarap ang dalawang nilalang sabay tutok niya ng baril sa kanila.

"WALANG GAGALAW!!"

Charles' POV

"WALANG GAGALAW!!"

Napataas kami ng kamay. Napamura ako. Shit. May tumambad sa amin na isang sundalo at tinutukan pa kami ng baril. Mukhang trouble itong napasukan namin.

Aaminin ko natatakot ako but I need to be strong... And calm.

"Sir, nakikiusap po ako, pakibaba lang po ng baril." Kalmadong sabi ko dun sa sundalo.

Pero imbes na sundin niya ako, mas lalo pa nyang tinutok sa amin yung baril niya.

"Upo kayo diyan sa sahig, bilis! At huwag kayong maingay kundi malalagot kayo sa'kin!!!" Utos niya sa amin. Sinunod naman namin siya.

Tiningnan ko si Mandy. Parang kalmado yata siya ah. Nakakapagtaka.

"Psst." Sitsit ko.

Lumingon naman siya. "O?" Pabulong niyang sabi.

"Di ka natatakot?"

"Natatakot ako no! Kaya lang, sa mga ganitong sitwasyon, dapat irelax lang ang katawan at sumuko na lang. Wala tayong laban diyan. May baril o."

Ganun? Ang weird niya. Sa mga ganitong sitwasyon, may parelax-relax pa siyang nalalaman. Pero sa mga multo na hindi naman nag-eexist eh di niya kayang magrelax. Tss.

"Magka-ano-ano kayo?" tanong nung sundalo sa amin.

"Magkaibigan." Sagot ko.

"Kung ganun, pwede ko siya gawing syota??" Tanong nung Sundalo sa akin.

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon