Dedicated to Isabellakim07! Thanks for reading, Issa! Love love ♥
x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x
Mandy's POV
Nandito ako sa magiging kwarto ko sa loob ng dalawang buwan. Infairness, malinis at maaliwalas, and it's....PINK? Napatingin tuloy ako kay Charles yabang na nakatayo lang sa harap ko.
"Okay na ba sa iyo to?" Tanong niya sa akin.
"Ah okay na ito. Salamat. -__- " Di ko na lang muna itatanong. Nababanas lang ako sa mukha niya.
"Okay. Ayusin mo na muna ang mga gamit mo. If you need something, nandun lang ako sa baba." Sabi niya at saka lumabas ng kwarto.
Nilibot ko ang buong kwarto. Ang sahig ay kulay pink din. May malaking aparador na pink. May cabinet na may mga displays din dito na puro Hello Kitty. May figurines, stuff toys, laruan, at marami pang iba. May study table na kulay pink pati na rin ang upuan, pink. Kay Charles yabang kaya ito lahat? BAKLA BA SIYA?
Umupo ako sa kama na kulay pink. Napakalambot! Mas malambot pa ata ito kaysa sa kama ko sa bahay eh. Malalaki ang mga unan na ang pillow case ay kulay pink.
Pumunta ako sa bintana na may kurtina na kulay, you know na, PINK. Infairness, maganda ang view mula dito. Mga bahay, may buildings din, mga halaman at mga puno.
Mag-aayos na nga lang ako ng mga gamit ko. Binuksan ko ang maleta ko at kinuha ang lahat ng mga damit ko at nilagay ito sa aparador.
Busy na ako sa pag-aayos ng mga gamit ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. May nagtext!
From: Jules <3
hi baby. musta? nkalipat ka na ba sa bahay ng bf ng ate mo? kumain ka na ba?
Si Jules my love! Siyempre, nagreply ako kaagad.
To: Jules <3
hi baby. yup, nakalipat na aq dito sa bahay ni charles yabang. di pa ako kumakain eh. ikw? kain ka na.
Message sent.
Eeeeh! Pangiti-ngiti ako habang nag-aayos ng gamit ko ng biglang may kumatok sa pinto. Psh. Si Charles yabang yan, malamang.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)
Teen Fiction(COMPLETED) Super hate ni Mandy ang boyfriend ng ate niya na si Charles. Naririndi siya kapag nakikita ito o kahit nakakasama lang ng ilang minuto. Ngunit, mababago ang pagtingin niya rito ng umalis ang ate niya patungong Canada at namalagi doon ng...