Thanks po sa lahat ng nagbasa! Pero sana naman po eh mag-vote kayo, mag-react or mag-comment para naman po we can get in touch.
Dedicated kay Jabri_Beebop! Thank you sa support! Love love ♥
Kulitan muna with Mandy, Jules and Trina!
Meet Trina and Jules ------------------->
x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x
Mandy's POV
"BF, may assignment ka na ba sa pharmaceutical chemistry?" Tanong sa akin ni Trina, bestfriend ko. Inaaayos na namin ang mga gamit namin bago lumabas ng classroom. Lunch break na.
"Wala pa nga eh. Ikaw?" Actually, malakas na ang pakiramdam ko na wala ring assignment itong kausap ko.
Tumawa ito. "Nagpapatawa ka ba? Kaya ko nga natanong kasi mangongopya sana ako sayo!" Psh. Sinasabi na nga ba. Alam ko na yan.
"Gumawa ka ng assignment mo! Ikaw talaga. Magsikap ka nga!" Naglalakad na ako palabas ng classroom. Sumunod naman si Trina sa akin.
"Ang damot mo naman BF! Pakop-- O, nandito na pala ang iyong prince charming!" Sabi niya na nakatingin sa ibang direksyon.
Tumingin na rin ako sa direksyon na tinitingnan niya at pooof! may isang gwapong nilalang na nakasandal sa dingding ng isang classroom. Nakasuot siya ng headphones at parang nakikinig ng music. Nakapamulsa siya at nakatungo. In other words, ang coooool ni Jules! *o*
"Baka matunaw na iyan, sayang naman." Nakabalik lang ako sa realidad dahil sa sinabi ni Trina. Ano ba yan! Ang cool naman kasi niya.
"Ssh! Ano ka ba?!" Hinampas ko ng mahina ang braso ni Trina. Kaloka. Baka marinig kami ni Jules.
Sakto namang lumingon si Jules sa kinaroroonan namin. Isipin niyo na lang ang slow motion na paglingon niya sa amin with all the smile pa. OMG!
Agad naman siyang tumayo ng maayos at lumapit sa aming dalawa ni Trina.
"Hi Mandy, hi Trina!" Bati niya sa amin.
"Hello Papa Jules!" Sagot ni Trina with all pa-beautiful eyes effect pa. Batukan ko to ngayon eh!
BINABASA MO ANG
I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)
Teen Fiction(COMPLETED) Super hate ni Mandy ang boyfriend ng ate niya na si Charles. Naririndi siya kapag nakikita ito o kahit nakakasama lang ng ilang minuto. Ngunit, mababago ang pagtingin niya rito ng umalis ang ate niya patungong Canada at namalagi doon ng...