Magpopromote ako! Hihi. Try niyo basahin ang story ng aking friend na si KhimberlyYumang. It is entitled, Is He An Ideal Boyfriend? Click the external link on the side! ;) --->
X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X
CHARLES' POV
Naghahanap ako ng mauupuan nang makita ko si Heidi na nakaupo sa dulo ng restaurant habang nakaharap sa isang laptop. Agad ko naman siyang pinuntahan.
"Hi Heidi." Bati ko sa kanya.
Inangat niya ang kanyang tingin at saka ngumiti nang makita ako. "Oh! Charles, hello. Maupo ka."
Umupo ako sa tapat niya. "Am I disturbing you?"
Agad naman siyang umiling. "Naku, hindi no."
"Ang aga-aga pa pero busy ka na ah." Puna ko sa kanya. It's still 6:30 in the morning pero mukhang na busy na busy siya.
"Well, ganyan talaga ang buhay. Hahaha. Actually, I'm just finishing my thesis." Sabi niya habang patuloy sa pagtatype ng kung ano sa laptop niya.
"You're taking architecture. Tama?"
"Nah, I'm taking MBA, Master in Business Administration. Yung daddy ko ang architect. Hahaha. He just dragged me in and made me one of the facilitators. Ewan ko dun. Wala naman tong kinalaman sa pinag-aaralan ko. Hahaha."
"Baka gusto niya lang na mabantayan ka."
Natawa naman siya sa naging sagot ko. "Perhaps."
"Teka, have you eaten?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, tapos na. Ikaw, order ka na. Alam kong gutom na gutom ka na."
Tumawag ako ng waiter atsaka nag-order. Pinag-order ko na rin si Heidi ng kape.
Bumalik siya sa ginagawa niya habang pinapanood ko lang siya. Then suddenly, may biglang pumasok sa isip ko. I can ask her about Julius. Baka kilala niya or may records siya nito.
"Uhm.. Heidi.." Tawag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)
Teen Fiction(COMPLETED) Super hate ni Mandy ang boyfriend ng ate niya na si Charles. Naririndi siya kapag nakikita ito o kahit nakakasama lang ng ilang minuto. Ngunit, mababago ang pagtingin niya rito ng umalis ang ate niya patungong Canada at namalagi doon ng...