Update 27

5K 59 4
                                    

Dedicated ito kay RchMrgrt dahil pinasaya niya ako sa comment niya. Nakakainspire, super! Thank you sayo! Love love ♥

X X X X X X X X X X X X X X 

CHARLES' POV

Habang nagsasalita ako sa harapan, di ko maiwasan na hanapin din sa audience si Julius. Pero patapos na ako sa lecture ko, hindi ko pa rin siya nakikita. Nasaan kaya siya?

"Architects explored Postmodern architecture which offered a blend of some pre-modern elements, and deliberately sought to move away from rectilinear designs, towards more eclectic styles. Even Philip Johnson would come to admit that he was "bored with the box." By the 1980s, postmodern architecture appeared to trend over modernism."

Medyo minamadali ko na nga itong ginagawa ko dahil gustong-gusto ko na siyang hanapin at makausap.

"Any questions?" Tanong ko sa audience.

Walang nagtaas ng kamay para magtanong. Buti naman.

"Well then, thank you." Agad na akong umalis at tanging palakpakan na lang nila ang naririnig ko. Hahanapin ko si Julius.

* * *

JULES' POV

Hindi na muna ako bumalik sa loob ng hotel dahil alam kong makikita ko lang si Kuya Charles doon. Ayoko siyang makita, makausap, at makaharap.

Umalis ako at saka pumunta sa pinakamalapit na bar dito. Buti at bukas na ito kahit maaga pa.

Dito na muna ako, nagbabakasakaling makatulong ang alak para mawala lahat ng sakit.

Kuya!!! Tama na!!

Kuya!!

Ah shit! Bakit ko ba naririnig ang boses na yun?!

Tumungga pa ako ng alak pero kahit anong gawin ko, ayaw pa ring mawala ang boses ni Hannah.

Kuya!!!

"Aaaaaaaah!!!"

Tinakpan ko ang mga tainga ko. "Bakit ko pa ba naririnig ang boses mo!? Hindi ko ginusto lahat! Hindi ko ginusto!! Tama naaaa! Aaaaaah!!" Nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko.

* * *

CHARLES' POV

Ilang oras na akong palibot-libot dito kabuuan ng hotel pero hindi ko pa rin siya makita. Pagod na pagod na napaupo na lang ako dito sa lobby ng hotel. Nasaan na ba siya?

"Charles.. a-anak... ipangako mo sa amin... ng mommy mo.... na hahanapin mo ang kapatid mo.... Ibalik... mo siya dito... I-ipangako mo... sa akin yan anak." Naghihingalong sabi ni Daddy sa akin.

"Yes dad. Ibabalik ko siya dito. Pangako."

Hindi ko na palalagpasin ang pagkakataong ito. May pangako ako kay Dad. Ngayong nakita ko na si Julius, hinding-hindi ko na ulit hahayaang mawala siya.

Hindi kami tumigil ng mga magulang ko na hanapin si Julius. Lahat ginawa namin. Hinanap namin siya sa mga kaibigan niya, mga kaklase, sa mga kamag-anak namin. Sobrang nalungkot kami nang malaman namin kinaumagahan na naglayas siya.

Alam kong kasalanan namin kaya nagawa niya yun. We were deeply hurt nang mamatay si Hannah hanggang sa napabayaan na pala namin si Julius. I realized na baka iniisip niya na sinisisi namin siya. We were just... hurt.

Dahil sa mga pangyayari, namatay ang daddy ko. Stroke. Months after, mom died because of heart attack.

Naglakad-lakad pa ako sandali, nagbabakasakaling makita ko siya. After almost an hour, I gave up. There's still tomorrow.

* * *

MANDY'S POV

"♫ Di mo alam nang dahil sayo~ Ako'y di makakain.. Di rin makatulog buhat ng iyong lokohin-"

"Huy! Pwede bang ibang kanta naman?! Sampung beses niyo na yang kinakanta yan ah!" Saway ko kina Calvin at Klein.

Nakatambay lang kaming tatlo nina Calvin at Klein dito sa sala. Obviously, sound tripping sila. Ako naman, naglalaro ng chess sa iPhone ko. Pampatalino. Si Trina naman, nandun sa kusina. Nagluluto ng hapunan namin. Nagvolunteer eh.

"Langya, sobra ka naman Mandy! Gandang kanta kaya nito.." Tinaasan ko ng kilay si Calvin. "O sige na nga.. Baka palayasin mo pa kami dito sa bahay ng pinsan namin. Hehehehe." Sabi na naman niya habang kinulikot niya ang iPod niya.

"Teka, mukhang BV ka yata ngayon Mandy ah. May problema ka ba? Nakakagulo na ba kami sa buhay mo? Gusto mo na ba kaming umalis?!" Sabat naman ni Klein.

"Ang OA mo Klein ha!" Sabi ko. "Wala... Okay lang ako."

"Aha! Eto na lang! Sa Isang Sulyap Mo! Gandang kanta rin 'to ah!" Biglang sabi ni Calvin na parang nakadiskubre ng kung ano.

Hinayaan ko na lang din si Clavin na magpatugtog diyan. Tama rin naman siya, maganda rin naman yang kantang yan kahit na ang tanging naaalala ko sa kantang yan eh PBB Teens.

Medyo BV nga ako ngayon. Kanina pa hindi nagtetext o tumatawag si Jules. Di rin siya nagrereply sa mga text ko. Tinatawagan ko, out of reach. Kahit Good morning! o Hello! , wala!

SINO BA NAMAN ANG DI MAIINIS DUN?!

Tapos si Yabang din hindi nagpaparamdam. Hindi rin nagtetext at tumatawag. Nakakainis din yung lalaking yun eh! Psh!

Pero naisip ko rin na baka busy lang at madami silang ginagawa. Ah basta. Kainis!

Pero teka, pakialam ko ba kung di magparamdam yung mayabang na yun? Haay ewan! Naiinis ako! Makapaglaro na nga lang! >__<

"♫ Sa isang sulyap mo... ayos na ako. Sa isang sulyap mo~ Napaibig ako. ♪"

X X X X X X X X X X X X X X X X

Vote and comment naman diyan!

Slowding ♥

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon