Hi guys, try niyo naman basahin ang story ng aking friend na si KhimberlyYumang. Hihi. Is He An Ideal Boyfriend? ang title. Click the link on the external link!
This is Hannah. --------->
x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x
"Julius, pwede ba tayong mag-usap?" Sabi ni CHARLES habang naglalakad palapit sa nanliliksik na ang mga mata na si Jules.
"Wala tayong kailangang pag-usapan, KUYA." He said coldly, emphasizing the word kuya.
Tumalikod ito at saka nagpatuloy sa paglalakad. Gayunman, hinabol pa rin niya ito.
"Julius, sandali!" Naabutan niya ito at tinapik sa kanang balikat. Pagharap nito, sinuntok niya ito sa mukha. Napahawak siya sa labi niya... nagdurugo iyon.
Dahil sa inis, gumanti na rin siya ng suntok. Natumba ito.
"ANO BANG PROBLEMA MO HA!" Bulyaw niya.
"Problema?" Tumayo ito mula sa pagkakatumba and then smirked, "Ano ba sa tingin mo ang problema ko ha?"
"Matagal ka na naming hinahanap Julius! Ano bang nangyari sayo?!"
Binigyan siya nito ang isang matalim na tingin, kung nakakamatay lang ang tingin niyang iyon, malamang, matagal na siyang tigok. "Hindi mo alam?"
Hindi siya umimik.
" Kayo lang din naman ang may dahilan nito eh." Dagdag nito.
"Julius, kung iniisip mo na sinisisi ka na-"
"Hindi niyo ko sinisisi, na nagkakamali lang ako ng inaakala, yun ba ang gusto mong sabihin?" Nagbigay ito ng isang pekeng tawa at saka naging seryoso ulit ang kanyang ekspresyon. "Hindi yun ang pinakita ninyo sa akin. Naging malamig ang pakikitungo niyo sa akin na para akong ibang tao. TAPOS SASABIHIN MO NA HINDI NIYO KO SINISISI?!"
"Julius..."
"Kuya, hindi ko ginustong mamatay si Hannah." Nagsimula nang magpatak isa-isa ang kanyang mga luha. "Ang gusto ko lang nung mga panahon na yun ay maligtas siya mula sa mga hayop na yun!! Hindi ko ginusto kuya. HINDI KO GINUSTO YUN!!"
"Julius, alam ko, naiintindihan ko-" Aakma na sana siyang aluin ito ngunit bigla nitong pinalis ang mga kamay niya.
"NAIINTINDIHAN?! Wala kang naiintindihan kuya! Hinding-hindi mo maiintindihan ang nararamdaman ko! Hinding-hindi mo maiintindihan lahat ng pinagdaanan ko! HINDI!!!" Sinuntok na naman siya nito causing Charles to fall in the ground. "AT HINDING-HINDI KO KAYO MAPAPATAWAD!!"
Dali-dali na itong umalis at naiwan na lang si Charles na napahawak na lang sa duguan niyang labi.
X X X X X X X X X X X X X X X
CHARLES' POV
Hindi ko na ulit nakita si Julius pagkatapos ng naging sagutan namin. Hindi ko na siya nakita sa hotel at kahit sa mga activities ng seminar, di ko na rin siya nakita.
Pero wala na akong pakialam dun.
Saan man siya mapadpad, mawala man siya ng tuluyan, wala na akong pakialam.
Gusto niyang magmatigas? Gusto niyang pairalin pa ang pride niya? Ayaw niya akong pakinggan? Okay. Bahala siya.
"Sorry Mom, Dad..." Bulong ko habang hinihimas-himas ang mga puntod ng mga magulang ko. Pagkarating ko dito sa Manila, dito ako dumiretso sa sementeryo. Ikinuwento ko sa kanila ang mga nangyari nitong nagdaang araw - yung naging pagkikita namin ni Julius.
"We already did our part.. I already did my part.. Ayaw niyang makinig sa akin. Sapat na na nagpakumbaba ako. Sorry po kung hindi ko man matupad ang pangako ko sa inyo."
I let out a sigh.. "Kayo na lang po ang bahala sa amin."
Binalingan ko naman ang puntod ni Hannah na napapagitnaan ng mga puntod ni Mommy at Daddy.
"Hi Hannah.. how are you? Sorry kung medyo hindi pa kami maayos ng kuya Julius mo ha? Let's just hope the your kuya will open up his mind."
Nanatili pa ako ng ilan pang minuto doon bago ako nagpaalam para umuwi na sa bahay.
MANDY'S POV
"Langya, ang tagal naman nung pinadeliver nating pizza! Akala ko ba nandito na yun in 15 minutes?! Bakit wala pa rin hanggang ngayon?!! Tsk." Reklamo ni Calvin.
"Oy Sweetiepie! Ang OA ha! E wala pa ngang limang minuto mula ng nag-order si Mandy eh! " Sagot naman ni Trina.
Inakbayan naman niya ito. "Si Goddess naman o, di na mabiro. Hahahaha. O Mandy, ba't pangiti-ngiti ka ata diyan?" Tanong niya sa akin.
"Ha? Bawal na bang ngumiti ngayon?" Nagtatakang tanong ko.
"Oo, lalo na kung wala naman kaming makita na pwede mong ikangiti." Singit naman ni Klein.
"Not unless..." Bigla siyang napaupo ng maayos si Calvin at mataman akong tinitigan, na siya namang ikinakunot ng noo ko.. "Nababaliw ka na!!!"
Tinapunan naman namin siya nina BF at Klein ng mga unan sabay sabing, "ANG OA MO HA!!!"
Sabay-sabay kaming nagtawanan. "HAHAHAHAHHA!"
"Wow, ang saya niyo ah..."
Sabay-sabay kaming napalingon (in slow motion) doon sa biglang nagsalita.
"CHARLES!!!"
He extended his arms wide open. "I'm back!"
"Yabaaaaang!!" Agad-agad akong lumapit sa kanya at binigyan siya ng isang napakahigpit na yakap.
Naramdaman kong inangat niya ako at saka pinaikot-ikot. "Wow, ang warm ng welcome mo ha. Hahahaha." Natatawang sabi niya sa akin... na parang..... nanunukso?
Agad naman akong natauhan sa ginawa ko. O____O!! "Aray! Aray! Ibaba mo nga ako!!! Nahihilo ako!!"
Ibinaba niya ako habang tawa pa rin siya nang tawa. Hmp!! Ano na namang problema nito!
"Hahahaha.. Di naman halata na namiss mo ko ah. Hahahahaha.." Tukso na naman niya sa akin.
Naramdaman kong nag-init ang dalawang pisngi ko. "A-anong namiss??! D-di kita namiss no! E-ewan ko sayo!" Eeeh!! Naman Mandy, ano na naman bang pumasok sa kukote mo!?? >__<
"Hahahaha, langya, di mo nga siya namiss. Hahahahaha." Sarkastikong sabi ni Calvin sa akin. Lumapit naman siya kay Yabang. "Uy pare! Welcome back!..."
"BF, ang weird mo ah. Hahahahaha." Bulong ni Trina sa akin with matching tapik sa likod. Lumapit na rin siya kay Yabang.
"Tsk tsk tsk.. Okay lang yan Mandy. Bwahahaha." Bulong naman ni Klein sa akin with matching tapik din sa likod. Lumapit na rin siya kay Yabang.
Eeeeh! Problema nila?! Kainis >__<
May narinig akong nagdoorbell. Busy silang lahat sa pakikipagchikahan kay Yabang kaya ako na ang pumunta ng gate para tingnan kung sino yun.
"Maam, pizza delivery.." Sabi ni Pizza boy.
Buti naman dumating na ang pizza. Nagutom ako sa kanila! >__<
X X X X X X X X X X X X X X
Vote and comment na!
Slowding ♥
BINABASA MO ANG
I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)
Teen Fiction(COMPLETED) Super hate ni Mandy ang boyfriend ng ate niya na si Charles. Naririndi siya kapag nakikita ito o kahit nakakasama lang ng ilang minuto. Ngunit, mababago ang pagtingin niya rito ng umalis ang ate niya patungong Canada at namalagi doon ng...