"Troy, bilisan mo," ani ko.
"Eto na nga binibilisan ko na ang pagmamaneho ng kotse." ani Troy sa akin habang nagmamaneho.
"Kailangan makarating agad tayo bago mahuli ang lahat."
"Calm down Amara. Malapit na tayo sa loob ng simbahan."
Kinakabahan talaga ako ngayon baka mahuli kami ng dating sa simbahan at hindi maari yun. Ilang sandali pa nakarating na kami sa Manila Cathedral Church. Bumaba na ako ng kotse at nagmadaling tumungo sa pinto ng simbahan.
"I announce you as Mr and Mrs. Dela Vega," ani ng pari.
"Itigil ang kasal!" sigaw ko.
Halos magulat ang mga bisita na nasa simbahan sa pagdating ko. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat at ang iba nagtataka. Tumakbo ako papalapit sa altar.
"Aidan...." saad ko.
Halos magulat si Aidan ng makita niya ako para itong nakakikita ng multo.
"A-Amara?" nauutal na sambit nito.
Niyakap ko ng mahigpit si Aidan.
"B-Buhay ka?" nagtatakang tanong ni Heidie ang half sister ko.
"Oo, buhay ako Heidie."
"P-Paano?"
"Hindi na importante kung paano. Ang gusto ko lang ngayon mabawi ang asawa't anak ko!"
"Pero patay ka na di ba? You died in a plane crash two years ago. H-how did you surv----"
"Akala ko katapusan ko na pero nakaligtas ako at ngayon narito para bawiin ang nararapat sa akin!"
"Amara, too late we're already married!" galit na saad ni Heidie.
Bigla kong sinampal si Heidie na kinagulat niya.
"How dare you to hurt me huh?!"
"Walang hiya ka! Kapatid kita pero anong ginawa mo inagaw mo kung anong meron ako kaya ngayon babawiin ko lahat ng kinuha mo!" galit kong saad.
"Ang kapal ng mukha mo ako na ang asawa niya ngayon kaya ako na ang may karapatan sa kanya!"
Akmang sasampalin ako ni Heidie ng hawakan ko ang kamay niya.
"Tanga ka ba? Buhay pa ako ang tunay at legal na asawa niya kaya yang kasal ninyo ay walang bisa!"
"How dare you Amara!"
"How dare you too bitch! Narito na ako kaya binabawi ko na ang lahat ng nararapat sa akin!"
I am Amara Dela Vega the only legal wife of Aidan Dela Vega at muling nagbabalik para bawiin ang lahat ng sa akin mula sa half sister kong si Heidie.
BINABASA MO ANG
The Legal Wife Returns
RomanceAfter being presumed dead in a plane crash, Amara unexpectedly returns to reclaim her family from her half-sister, Heidie leading to a complex and emotional battle for control and identity. **** The story revolves around the protagonist, Amara who w...
