Final Page

429 5 0
                                        

Agad na sinugod sa hospital sina Aidan at Heidie. Hindi pa alam ni Twinkle ang nangyari sa Daddy niya. Ayoko munang sabihin kay Twinkle ang nangyari dahil ayokong mag-alala si Twinkle.

Naroon na si Mommy sa hospital. Maging siya ay nabigla sa mga nangyari.

"A-Anak..."

"Mommy, nagkagulo po kanina Heidie tried to shoot me pero sinalo ni Aidan ang bala tapos nag agawan po kami ng baril ni Heidie unfortunately Heidie fell on the staircase. I'm so sorry Mom....."

Mom hug me tightly. Hindi ko na napigilan ang maiyak.

"Mommy, it's my fault...."

"Shh....Don't say that. Hindi mo kasalanan ang mga nangyari."

"Mommy, what if Aidan die?"

"He will be alive makakaligtas siya."

"Alam ko masakit ang mga ginawa niya sa akin pero hindi ko naman hinangad na mamatay si Aidan dahil kahit baligtarin pa ang mundo he's still the father of my daughter."

"Makakaligtas si Aidan may awa ang Diyos."

"Sana nga Mommy makaligtas pa si Aidan."

"Ah kayo po ba ang pamilya ng patient?"

"Ah opo I'm his wife I mean ex wife. How's Aidan?"

"Kinalulungkot ko po sabihin the patient didn't make it. Marami pong naubos na dugo."

"P-po?"

"He died kani-kanila lang. His body is now on morgue."

Halos mabigla ako sa mga narinig ko galing sa doktor. Hindi pwede ito hindi pwede mamatay si Aidan. Paano na si Twinkle ngayon. Sigurado ako malulungkot siya pag nalaman niya na wala na ang daddy niya.

"A-Ate Amara....." biglang saad ni Heidie.

Gising na si Heidie at nakasakay ito sa weelchair.

Lumapit ako kay Heidie at pinagsasampal ko siya.

"You kill him! You kill him!" saad ko habang pinagsasampal siya.

"Kill him?"

"Di mo pa ba alam huh? Aidan died dahil sa'yo!"

"A-Anong nangyari sa asawa ko?"

"Wala na si Aidan. Patay na siya! You killed him Heidie! You kill him!"

"N-No....Hindi pa patay si Aidan. Not my husband."

"Patay na si Aidan dahil yun sa'yo!"

"Damn it! Dapat ikaw ang namatay at hindi si Aidan! Kasalanan mo ito Ate Amara!"

"Kasalanan ko pa? Kung meron man dapat sisihin ikaw yun! You killed Aidan! Pinatay mo ang Daddy ni Twinkle!"

I will never forgive Heidie sa ginawa niya! Pinatay niya si Aidan. Tinanggalan niya ng chance si Twinkle na makasama ang Daddy niya.

Ang kapal ng mukha niya na sisihin ako eh siya ang pumatay kay Aidan.

Pinilit na tumayo ni Heidie pero hindi niya kaya.

"Ano sasaktan mo ako huh?!"

Hinila ko ang buhok ni Heidie at kinaladkad siya patungo sa kinaroonan ni Aidan na nasa morgue na.

"Tignan mo si Aidan! Tignan mo ang katawan niya! Pinatay mo siya Heidie!"

Sinubsob ko si Heidie sa walang buhay na si Aidan.

The Legal Wife ReturnsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon