Aidan's POV
Tapos na ang wedding na pinuntahan ni Amara at Ella. Pauwi na sila ngayon sa Manila at excited na akong makita si Amara na missed ko siya ng sobra kahit na almost two days lang siya nawala. Bago ang flight pabalik ng Manila natawagan ko pa si Amara para kamustahin siya at nalaman ko na rin ang details ng flight niya like flight number, airlines at oras ng paglapag ng eroplano sa Manila.
Okay na ulit kami ni Troy I know hindi na niya ako pagdududahan na niloloko si Amara.
Nasa law firm ako busy sa pag review sa pro bono case na hawak ko ng biglang pumasok si Atty. Rei.
"Atty. Dela Vega, you need to watch this!" aniya.
Hinila ako palabas ni Atty. Rei. Nakabukas ang malaking TV sa law firm.
"Atty. Rei, anong meron?"
"Just watch the news."
"Breaking News isang commercial airplane ng Pinas Airlines ang bumagsak sa karagatan malapit sa Cebu. Ayon sa ulat ito ay may flight number 165 ang biyahe mula Cebu pabalik ng Manila. Sa ngayon inaalam pa kung may nakaligtas sa mga pasahero," ani ng newscaster sa TV.
Halos mabigla ako sa mga narinig kong balita sa TV.
"Atty. Dela Vega, may problema ba? Bakit yan ba ang eroplanong sinakyan ni Amara?"
"A-Amara...." nauutal kong saad.
It can't be! Mali ang sinabi ng newscaster sa tv. Hindi pwede na naroon si Amara. Agad kong kinuha ang phone at tinawagan si Amara pero hindi ito sumasagot. I tried to call Chai baka may alam siya.
"Aidan, napatawag ka?"
"Tumawag na ba si Amara?"
"Hindi pa Aidan."
"Yung pinsan mo kasama ba niya? Natawagan mo na?"
"Si Ella nasa Cebu pa naiwan eh."
"Huh? Naiwan kasama si Amara?"
"Hindi eh. Nauna na daw umalis ng Cebu si Amara."
"Huh? Umalis?"
"Hey, Aidan may problema ba?"
"C-Chai, I heard sa news may plane crash incident malapit dagat sa Cebu."
"And?"
"N-Naroon yata si Amara sa eroplanong yun!"
"Huh? Plane crash? Kailangan puntahan agad natin ang airport."
"We will Chai."
Pagkababa ko ng phone agad na akong tumungo sa Airport I need to know kung kasama ba si Amara sa eroplanong nag crash. Sana mali ako. Sana hindi kasama si Amara sa plane crash.
"Miss, May lumapag na ba eroplano from Cebu?" tanong ko sa receptionist ng Pinas Airline.
"Ah Sir....Ano po....."
"Answer me!"
"Unfortunately wala po eh. Nag crash po yung eroplano."
"No! It can't be!" sigaw ko.
"I'm po sorry Sir...."
Hindi ito totoo! Hindi kasama si Amara sa mga pasahero ng eroplano na bumagsak! Sana buhay pa si Amara dahil di ko kakayanin na mawala si Amara he's my life my everything. I can live without her.
****
Halos pagbagsakan ako ng langit at lupa sa mga nangyari. Mag-iisang linggo na buhat ang nangyaring plane crash hindi pa rin nila nahahanap si Amara.
Hanggang ngayon umaasa ako na buhay pa siya at kung buhay siya itatama ko na lahat ng pagkakamali ko aamin ako na naging marupok ako at nahulog sa bitag ni Heidie.
Wala pa ring alam si Twinkle tungkol sa nangyari sa mommy niya ang alam niya nasa malayo ito at nagtratrabaho hindi ko masabi ang totoo dahil ayaw kong masaktan siya. Lahat kami rito nagaalala na sa kalagayan ni Amara kung nasaan na siya o kung buhay pa siya.
Sa mga nangyari pinaubaya ko na sa ibang abogado ang kaso na hinahawak ko. Minsan iniisip ko na baka karma na ito sa pangtataksil na nagawa ko kay Amara.
Pabalik-balik ako sa airlines para humingi ng updates. Wala pa ring natatagpuan na ligtas na mga pasahero. Hirap na hirap ang mga rescuers lalo na at maalon ang dagat. Napakalakas ng plane crash sa lakas nito nawasak at nasunog ang kalahati ng eroplano. Kung ang iba sinasabi na wala ng pag-asa ako hindi. Naniniwala ako na buhay pa si Amara at babalik siya sa amin ni Twinkle.
"Hijo, kumain ka na. Binilhan kita ng pagkain," alok ni Mommy.
"Mom, wala po akong gana kumain. Hindi pa rin po nahahanap si Amara."
"Kahit kaunti?"
"Ayoko nga po kumain eh!"
Maya-maya pa may dumating na representative ng Philippine Coast Guuard na namumuno sa search and rescue operation.
Nilapitan ko agad siya para humingi ng updates tungkol sa asawa ko.
"Did you find my wife?" tanong ko.
"I'm sorry Atty. Dela Vega but until now wala pa ring nakikitang buhay na pasahero pero may nakita kami sa isang maliit na isla mukhang gamit ito ng isa sa mga pasahero ng eroplano."
"Can I see?"
"Sure, Atty. Dela Vega."
May inilabas itong ziplock bag at nakalagay roon ang sunog na kwintas na pendant na puso.
"Can I see that?"
"P-Pwede....."
I know that necklace dahil yun yung regalo ko sa kanya bago kami magbakasyon sa Subic. Binuksan ko ang ziplock at tinignan ang sunog na bracelet na may pendant na puso ng buksan ko ang pendant na puso may larawan doon ni Twinkle.
Tama nga ang hinala ko kay Amara nga ang kwintas na ito.
"T-This necklace belongs to my wife. Where did you find it?"
"Sa isang maliit na isla Atty. Dela Vega katabi ng sunog na bangkay?"
"B-Bangkay?" nauutal kong saad.
"Yes, we found a burn corpse in that island infact bukod sa necklace nakita din namin itong isang wedding ring yata."
Pinakita ng taga Philippine Coast Guard ang isang singsing na nasa maliit na plastic. Hindi ako pwede magkamali singsing yun ni Amara.
"This ring belongs to my wife."
"Well yung bangkay ay babae."
"N-No.....Hindi pwede ito....."
Hindi totoo ito! Hindi totoo na si Amara ang babaeng nakitang sunog. Hindi pwede na mamatay si Amara. Hindi niya kami pwede iwan ni Twinkle.
"A-Amara...."
Lumapit si Mommy at niyakap ako.
"H-Hijo....."
"Mommy, si Amara....."
"Anong nangyari kay Amara?"
"P-Patay na daw po siya."
"Patay?"
"May sunog na bangkay na natagpuan at nakita doon ang wedding ring at necklace ni Amara."
"Wala na si Amara? Baka naman hindi siya yun? If you want ipa DNA Test natin para malaman ang totoo."
"Po? Patay na si Ate Amara?" biglang saad ni Heidie.
"Yun ang sabi nila Heidie patay na daw ang Ate Amara mo."
"N-No.....It can be! Hindi pa patay si Ate Amara." nanginginig na wika ni Heidie
"Not true! My wife is not dead! Buhay siya at babalik siya sa amin ni Twinkle." sigaw ko.

BINABASA MO ANG
The Legal Wife Returns
RomanceAfter being presumed dead in a plane crash, Amara unexpectedly returns to reclaim her family from her half-sister, Heidie leading to a complex and emotional battle for control and identity. **** The story revolves around the protagonist, Amara who w...