Page 4

111 6 0
                                        

Abala ako sa pag-aayos ng bulaklak for my client ng bumukas ang pinto iniluwa nito si Troy ang bunsong kapatid ni Aidan.

"Troy, naparito ka?"

"I had an errand near by naisipan ko na dumaan na dito. I brought you Cake at Dolls para kay Twinkle."

"Salamat dito Troy. Sigurado ako matutuwa si Twinkle sa dolls na regalo mo."

"By the way kamusta kayo ni Kuya Aidan?"

"Well, okay na okay kami ng Kuya Aidan mo."

"Mabuti kung ganoon."

He's Troy the younger brother of my husband Aidan. Limang taon ang tanda ni Aidan kay Troy.

Troy is now reviewing for his Exam para maging licensed Doctor. Sobrang bait ni Troy sa akin lalo na kay Twinkle everytime he goes to our house lagi itong may presents kay Twinkle minsan nga nagagalit na kami ni Aidan dahil naiispoiled na niya si Twinkle. Mahal na mahal niya talaga si Twinkle kaya ramdam ko na magiging mabuting ama siya someday.

"Alam mo lagi na lang si Twinkle inaatupag mo what if magasawa ka na kaya tapos buntisin mo ng magkaanak ka na," pabiro kong saad kay Troy.

"Ate Amara, wala pa sa utak ko ang pag-aasawa for now focus muna ako sa goal ko na maging magaling na doktor kaya nga eto busy ako sa pagrereview for exam."

"Alam mo baka mamaya niyan eh maging matandang binata ka na diyan."

"Ate Amara, talaga oh. I'm just twenty four. For now pagiging doktor na muna ang aasikasuhin ko."

"What if I set up you on a blind date malay mo magustuhan mo."

"Kung meron man ako gusto ikaw yun Ate Amara."

"Huh?"

"W-Wala Ate Amara....."

"Salamat pala sa cake mabuti pa let's eat this. Kukuha lang ako ng platito at tinidor."

"Wag na Ate Amara kailangan ko na rin umalis eh. Mag rereview pa ako."

"Okay, ingat sa pagmamaneho Troy."

"Noted, Ate Amara."

Umalis din agad si Troy sa flower shop ko. Dumating naman si Chai galing sa supplier namin ng mga bulaklak.

"Is that Troy?" bungad nito.

"Ah oo si Troy dumalaw lang dito saglit."

"He's so cute Amara."

"You like him?"

"Matagal na Amara."

"Then I set a date for both of you."

"Nakakahiya naman Amara. Isa pa mukhang wala pa sa utak niya ang relationships. Kaya for now tamang crush muna ako kay Troy."

"Nagdala pala siya ng cake. Let's eat this. Kukuha lang ako ng plates sa pantry."

"Okay, Amara."

Dumirecho ako sa pantry para kumuha ng kutsilyo, platito at tinidor nagtimpla din ako ng malamig na juice.

"Let's eat."

"Tamang-tama Amara gutom na ako di pa ako nakapag merienda eh."

"Maiba ako kamusta pala ang lakad mo?"

"Good Amara. Nakausap ko na yung  suppliers natin parating na ang mga roses na order mo. Tamang-tama few days from now valentines na."

"Okay."

The Legal Wife ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon