Page 5

74 5 0
                                    

Aidan's POV

Today is the day. Ngayon ang araw ng mga puso at ngayon din kami magbabakasyon ni Amara sa Subic.

Halata sa mga mata ni Amara ang excited niya. After so many years magbabakasyon ulit kami ni Amara ng kaming dalawa lang. Inilagay ko na ang mga gamit namin sa likod. Sumakay na kami sa loob ng kotse ko.

Sa likod ko naupo si Amara dahil gusto daw muna niya maidlip ng sandali. Pumayag naman ako dahil medyo mahaba ang biyahe mga nasa tatlo't kalahating oras din yun kung hindi traffic.

"Gusto mo ba ng kumot?" alok ko sa kay Amara

"Hindi na siguro, Aidan." sagot nito.

"Kung inaantok ka Amara magpahinga ka. Gigisingin na lang kita kapag nasa Subic na tayong dalawa.."

"Okay, Aidan."

Nakita kong sumandal si Amara sa upuan niya. Binuksan ko ang radyo para makinig ng kanta. Mahilig kasi ang asawa ko sa music habang bumibiyahe.

Napatingin ako sa side mirror ng kotse ko mukhang nakatulog siya. Inihinto ko muna ang kotse para kumutan siya mukhang nilalamig eh tapos nagpatuloy na ako sa pagmamaneho.

Sa isang resort sa Subic kami pupunta. May kakilala akong resort owner dun kaya kinausap ko siya kung pwede magpa-booked buti at pumayag ito at may discount pa.

Sigurado ako matutuwa si Amara kapag nakita niya yung resort. It's been a while kasi noong huli kaming nag trip together.

After tree hours and fifty  minutes of driving nakarating na kami sa resort.

Tinapik ko ang kanang braso niya. "Hey, wake up, Amara." wika ko.

Naalimpungatan siya. "Nasa Subic na ba tayo?" tanong niya.

"Yes," masaya kong sagot sa kanya.

Pagkaparada ng kotse nauna ng bumaba si Amara. Hindi maipinta sa mukha ni Amara ang saya ng makita ang resort.

Maganda kasi yung resort may mga cottage sa mismong beach parang kagaya sa Bali Indonesia. Bukod sa cottage sa mismong beach may hotel rin na nakatayo at matatanaw ang buong beach may pool din sa rooftop.

"Ang ganda talaga," masayang sambit ni Amara.

"Nagustuhan mo ba?"

"Oo, gustong gusto ko. Thank you for taking me here Aidan. I feel like in a paradise."

"Don't worry I will make sure na magiging masaya ang vacation nating dalawa Amara."

Dumirecho na kami sa lobby ng hotel agad kaming sinalubong ng isa sa mga staff.

"Welcome po Mam at Sir," masayang bati nito sa amin.

Ngumiti ako sa Staff. "Thank you."

Iniabot nito ang susi magiging hotel room namin pagkakuha ng susi dumirecho na kami sa room namin. May malaking kama ito at banyo na natatakpan ng clear glass may shower at bathtub din. May veranda din ito na tanaw ang buong beach. Pagkalapag ng mga gamit tumungo na si Amara sa Veranda.

"Ang ganda talaga ng view at ang sarap ng simoy ng hangin," aniya.

"Gusto mo bang kumain na tayo? May pinahanda akong lunch for us Amara."

"Hindi pa ako gutom. Can we go to beach front?"

"Oo, naman."

Pumunta kaming dalawa ni Amara sa may dalampasigan. Nakakakiliti ang hampas ng mga maliit na alon sa paa. Napakalakas pa ng hangin ngayon.

Tuwang-tuwa si Amara habang kumukuha ng mga sea shells sa buhangin.

"Look oh sea shells. Gusto ko ito iuwi sa bahay natin matutuwa nito si Twinkle pag nakita niya at next time kasama na dapat si Twinkle I think she will love this place." sambit niya na parang bata.

The Legal Wife ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon