Nagising ako ng maaga para ipagluto ng masarap na almusal sila Nay Tindeng Tay Juanito at Joshua bilang pasasalamat ko sa pagkupkop nila sa akin sa kanilang munting tahanan.
Sila na ang naging pamilya ko buhat noong mapadpad ako dito sa Isla puting bato.
"Cheska, ang aga mo yata nagising ah?" bungad ni Nay Tindeng.
"Ah opo nagluto po ako ng masarap na almusal para sa inyo."
"Nag-abala ka pa Cheska."
"Nay Tindeng, maliit na bagay lang po ito sa laki ng naitulong ninyo sa akin. Kayo po ang nagalaga sa akin at naging pamilya ko. Salamat po sa inyo."
"Ako dapat mag thank you Cheska dahil muli namin naranasan ang magkaroon ng anak na babae."
"Sige po mabuti pa kumain na tayo bago pa po tayo mag-iyakan dito."
"Good morning Ate Cheska," bati ni Joshua.
"Breakfast is ready."
"Kamusta ka Ate Cheska? Napanaginipan mo ulit yung guy?"
"Hindi nga eh."
"Sinong guy?" tanong ni Nay Tindeng.
"Wala po. Baka parte lang ng past ko."
"Amara po ang pangalan niya nay."
"Alam mo na pangalan mo?"
"May tumawag sa akin na Amara sa panaginip pero di ko po sure kung totoo yun eh."
"Mabuti naman at bumabalik na ang mga ala-ala mo hija."
"Mabuti po? Eh paano kung bumalik na po lahat eh di maiiwan ko na po kayo dito."
"Hija, okay lang naman na iwan mo kami once na bumalik ang memories mo."
"Hindi po okay yun. Mahalaga po kayo sa akin kaya no matter what happened di ko po kayo iiwan kahit pa may maalala pa ako. Pamilya ko na po kayo eh."
"Mabuti kumain na tayo mukhang masarap ang almusal natin."
Inihain na ni Joshua ang mga niluto kong almusal sakto at kararating lang ni Tay Juanito galing sa palaot niya.
"Narinig ko sa kapitbahay na may medical mission daw mamaya dito mga taga maynila."
"Tay Juanito gusto ninyo po ba na samahan ko kayo?"
"Wag na."
"Tay Juanito, sayang kung di tayo pupunta makakalibre tayo ng check up at gamot."
"Ikaw bahala Cheska."
"After ng pagkain natin didirecho na tayo sa medical mission."
Kumain na kami ng almusal na niluto ko batid kong nasarapan sila sa luto ko lalo na si Nay Tindeng.
Pagkatapos kumain sinamahan ko na si Tay Juanito sa medical mission malapit sa barangay hall. Pagdating namin roon may naka set up na mga tent may mga doktor at nurses na rin na naroon base sa suot nila. May ilang taga Isla puting bato na ang naroon.
"Good morning po taga Saint Mary Hospital po kami isang hospital sa maynila. Masaya po kami na narito kayo," saad ng nurse
"Ah opo para sana ipa check up si Tay Juanito."
"This way po Mam."
Inihatid kami ng nurse sa isa sa mga tent may doktor na naroon.
"Doc Troy Dela Vega, another patient po."
BINABASA MO ANG
The Legal Wife Returns
RomanceAfter being presumed dead in a plane crash, Amara unexpectedly returns to reclaim her family from her half-sister, Heidie leading to a complex and emotional battle for control and identity. **** The story revolves around the protagonist, Amara who w...
