Page 9

105 4 0
                                        

Two years after

"Cheska!" sigaw ni Aling Salome sa akin.

Agad akong lumapit kay Aling Salome.

"Bakit po?" tanong ko.

"Kumain ka na ba?"

"Ah opo Aling Salome kakakain ko lang kasama si Nay Tindeng."

"Ipinagluto pa naman kita ng adobo eh."

"Salamat po aling Salome. Kukunin ko na lang po yung adobo mamaya."

"Sige Cheska kunin mo na lang yung adobo sa bahay. Kailangan ko na rin pumunta sa bayan eh may labada ako sa bahay ni Mayor."

"Okay po. Mag-iingat po kayo Aling Salome."

"Salamat sa paalala Cheska."

Umalis na rin si Aling Salome. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad sa dalampasigan. Kay sarap na damahin ang simoy ng dagat. Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin.

"Ate Cheska." aniya.

"Ikaw talaga Joshua ginulat mo naman ako."

"Ate samahan mo naman ako kumuha ng mga bulaklak para sa simbahan."

"Sige Joshua."

"Joshua, Cheska nariyan na ang Tatay Juanito ninyo," sigaw ni Nay Tindeng.

Nakita namin na nasa pangpang ang bangka ni Tatay Juanito. Agad kaming lumapit doon ni Joshua.

"Tay, magandang umaga po," saad ko sabay mano.

"Cheska, kumain ka na ba?"

"Ah opo kumain na kami nila Joshua at Nay Tindeng. Nagugutom po ba kayo? Ipaghahain ko kayo."

"Mamaya na. Ilalagay ko pa itong mga nahuli kong isda sa ice box para madala na sa bayan."

"Tulungan ko na po kayo Tay."

"Cheska, wag na kaya ko na ito. Mabuti pa maglaro na lang kayo ni Joshua."

"Ah sige po sasamahan ko lang si Joshua na mamitas ng mga bulaklak para po sa simbahan."

"Okay, Cheska. Mag-iingat kayo ni Joshua patungo sa burol."

"Okay, Tay Juanito."

Siya si Tatay Juanito ang taong tinuturing ko ng ama. Siya rin ang nakikita sa akin noon sa dalampasigan at gumamot sa mga sugat ko. Wala akong maalala tungkol sa nakaraan ko marahil dahil sa aksidente. Ang Cheska ay pangalan ng namayapa nilang anak na babae na ipinagamit sa akin. For past two years sila ang nakasama ko sa Isla Puting Bato at sila  na rin ang naging pamilya ko. Masaya ako na kasama sila dahil napaka buti nila sa akin pati na rin ang mga taga Isla Puting Bato naging mabuti sa akin.

Masaya ako na nakilala ko sila kahit sa maikling panahon at ramdam ko na mahal na mahal nila ako.

"Ate Cheska, tara na po excited na po ako kumuha ng mga bulaklak."

"Okay."

Dumirecho na kami sa burol ni Joshua para pumitas ng mga bulaklak habang naglalakad kami bigla na lamang sumakit ang ulo ko at may biglang eksena pumasok sa utak ko. I was wearing a white dress at naglalakad patungo sa altar yata ng simbahan pero napakalabo dahil di ko maaninag ang mga tao na naroon sa simbahan. Napakapit ako sa braso ni Joshua."

"Ate Cheska, may problema ba?" tanong ni Joshua.

"May bigla lang ako naalala eh."

"May naalala na po kayo?"

"Kaunti pa lang Joshua at hindi rin malinaw."

"Eh paano yan Ate Cheska kung bumalik lahat ng ala-ala mo iiwan mo na ba kami?"

"Siyempre hindi Joshua. Malaki ang utang na loob ko sa inyo kayo kaya ang nag-alaga sa akin buhat ng makita ninyo ako na walang malay sa dalampasigan at isa pa pamilya ko na kayo kaya hindi ko kayo iiwan."

"Eh paano kung may pamilya ka pala tapos hinahanap ka nila."

"Kung meron man sana nahanap na nila ako di ba? Ngayon kayo na ang pamilya ko. Basta hindi ko kayo iiwan nila Nay Tindeng, Tay Juanito at lalo ka na Joshua ang pinaka gwapong bata na nakilala ko."

"Ate Cheska naman eh pinapaiyak ako!"

"Mabuti pa mamitas na lang tayo ng mga bulaklak ng makauwi agad tayo at di abutan ng matinding sikat ng araw."

"Okay, Ate Cheska."

Mas lalong tumindi ang sikat ng araw kaya napagdesisyunan na namin ni Joshua na umuwi sa amin. Isa pa alam kong hinahanap na kami ni Tay Juanito at Nay Tindeng. Bitbit ni Joshua ang mga pinitas niyang bulaklak.

Pagkadating namin sa bahay inilagay ni Joshua ang dala niyang bulaklak sa lumang garapon na may tubig.

"Tinaghali na kayo ng uwi ah?"

"Ah pasensiya na po Nay Tindeng nawili sa pamimitas ng bulaklak si Joshua. May dala rin po akong bulaklak sa inyo."

Iniabot ko ang bulaklak kay Nay Tindeng alam kong natuwa ito.

"Para saan ito Cheska?"

"For taking care of me kahit na di ninyo naman ako kakilala."

"Ako dapat mag thank you dahil pinunan mo ang pangungulila ko sa anak kong si Cheska. Mahal na mahal kita kahit sino ka pa."

"Mahal ko din po kayo Nay Tindeng."

                          ****

"Amara, mahal na mahal kita," saad ng isang tinig.

Agad akong napaligwas sa kinahihigaan ko. Isa na namang eksena ang napanaginipan ko. Isang lalaki ang yumakap sa akin at sinabing mahal niya ako. Tinawag din niya ako sa pangalang Amara. Sino kaya yung lalaki na yun? Anong kinalaman niya sa nakaraan ko?

"Ate Cheska, may problema ba?" nagaalang tanong ni Joshua na biglang nagising.

"May naalala lang ako."

"Alaala?"

"Amara."

"Anong Amara?"

"May lalaki na tunawag sa akin na Amara at mahal na mahal daw niya ako."

"Mahal?"

"Hindi ko nga alam kung bakit o kung sino siya eh."

"Baka part siya ng past mo Ate Cheska."

"Well siguro nga."

Kung sino man yung guy na yun at kung parte ba siya ng past ko sana maalala ko na. Gusto ko na talagang maalala ang tungkol sa nakaraan ko.

"Ate Cheska, kung bumalik ba alaala mo iiwan mo na ba kami at ang Isla puting bato?"

Nagulat ako sa tanong ni Joshua. Ano kayang mangyayari kung bumalik ang memories ko? Isa lang ang sigurado ako babalik at babalik pa rin ako dito lalo na at mababait sila lalo na si Nay Tindeng Tay Juanito at Joshua.

"Joshua, no matter what happened di ko kayo kakalimutan."

"Talaga Ate Cheska?"

"Oo naman pamilya ko na kayo eh."

"Salamat Ate Cheska sa assurance."

"Sige na bumalik na tayo sa pagtulog."

Bumalik na kami sa kinahihigaan namin ni Joshua. Nakatulog agad si Joshua habang ako iniisip pa rin ang panaginip na yun.

Sana talaga bumalik na lahat ng alaala ko ng mabuo na ang buong pagkatao ko.

The Legal Wife ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon