Chapter 31

11 3 0
                                    

Chapter 31

"Oh my gosh, Shan how are you?!" Magkausap kami ngayon ni Tita Roce sa video call. Hindi ko nasagot ang tawag niya kanina dahil umiiyak si Laira. Mabuti at napatulog ko na. Wala kasi si Leo dahil may importanteng pinuntahan kaya bilang mabuting ninang na walang trabaho, ako na ang nagbantay sa kaniya.

"Okay na po ako, Tita. Thank you po pala sa tulong niyo sa akin lalo na noong na-hospital ako." Marami na siyang naitulong sa akin at hindi pa ako formal na nakakapagpasalamat sa tulong niya noong nakaraan.

"Wala 'yon. Hindi ka naman iba sa akin. Ang mahalaga ay okay ka na ngayon. Naku, ipinapanood sa akin ni Guia ang mga videos ninyo ni Tessa. Kung malakas nga lang ako e gusto kong sumama sa inyo,"

"Bakit po hindi? May sakit na po ba kayo?" Kinabahan ako bigla.

Natatawa siyang umiling. "Medyo mahina lang dahil sa katandaan. Kaya hindi na ako masyadong makapag-travel. Jusko hindi ko na kaya ang mga hiking na 'yan kagaya ng ginawa ninyo ng mga friends mo,"

"Mabuti naman po na wala kayong sakit pero alagaan niyo pa rin po ang sarili ninyo." Mahirap na ang magkaroon ng sakit. "Next time pwede naman po tayong mamasyal kahit d'yan lang sa Pilipinas. Ang totoo po ay hindi ko pa nagagamit ang ibinigay niyo po sa aking budget last year."

"Of course naman inaalagaan ko ang sarili ko. Kapag may nararamdaman akong kakaiba ay natatawagan ko kaagad ang kapatid mo. He said he's planning to go back here. Dito na niya ipagpapatuloy ang pagdo-doctor niya." Nabanggit nga 'yon sa akin ni Dale. I guess it has something to do with his girlfriend. Medyo nagkaproblema. "Ikaw? When are you planning to visit me? Para naman matuloy ang pamamasyal natin na 'yan."

"Maybe next month, Tita. Mauuna si Dale sa akin ng isang linggo dahil pinapatinggnan ko na rin po sa kaniya ang lupang ibinigay niyo po sa akin. We are planning to build our house na po dahil sa Pilipinas na kami titira."

Napag-usapan na namin ni Dale 'yon noong sabihin niya sa akin na sa Pilipinas na siya magdo-doctor. Wala na rin naman kaming masyadong inaasikaso sa New York. Mapapahiwalay nga lang ako sa mga kaibigan ko at kay Laira. Ilang oras din kaming nagka-usap ni Tita Roce dahil miss na miss na raw niya ako at marami siyang kwento sa akin. Katulad na lang ng pagtatanggal niya kay Zhan. Hindi ko rin tuloy napigilang ikwento sa kaniya ang sinabi sa akin ni Viel na si Zhan ang isa sa dahilan kung bakit kami nag-break dati.

Hindi natuloy si Dale sa flight niya for some reason. May inayos pa raw siya kaya naman nasamahan niya pa akong bumili ng pasalubong sa mga inaanak ko sa Pilipinas at para sa mga kaibigan ko. Ang dami nga naming dapat dalhin e. Mabuti na lang Fred was kind enough na ipahiram sa amin ang private airplane ng family nila. Kasama naming umuwi ang mga kaibigan ko dahil plano nga rin nilang mamasyal sa Pilipinas and ito na lang ang available time nila dahil magiging busy na naman for sure.

First time nga ni Laira magbyahe ng ganoon kalayo kaya todo alalay kaming tatlo nila Tessa at Kai sa kaniya. Lalo na nang dumating kami sa airport kung saan pinagkaguluhan ang pagdating namin. Mabuti na lang at may mga ipinadalang mga tauhan si Tita Roce. Safe naman kaming nakarating sa mansion ni Tita. As much as I wanted na iuwi sila sa bahay ko sa Batangas, hindi naman kami kasya roon. Kaya naman si Dale lang ang umuwi sa Batangas para dalhin ang mga gamit namin at para masimulan na rin ang pagpapatayo ng bagong bahay namin. May nakausap na raw siyang architect and engineer.

Tita Roce was so happy nang makarating kami. Nagpahanda talaga siya nang marami kaya naman tuwang-tuwa si Kai at Tessa.

"Maraming shalamat pow," hindi ko mapigilang matawa nang subukan nilang magsalita ng tagalog. Inirapan ako ni Kai nang mahuli akong tumatawa. Si Tessa naman ay bahagyang hinila ang buhok ko.

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now