KABANATA 13

46 38 5
                                    

[Te quiera Senorita 1890]

Isang batang lalaki ang nakatayo sa may tapat ng isang malaking bintana malungkot itong nakatingin sa labas ng mansyon habang pinag mamasdan ang mga batang nag lalaro sa di kalayuan lumapit naman sa kaniya ang isang batang babae at sinamahan siya sa pag mamasid nakalikod sila parehas kung kaya hindi ko makita ang kanilang mga wangis nakasuot ang batang babae ng mahabang kasuotan habang nakalugay ang kanuyang mga buhok at ang batang lalaki naman ay naka suot ng puting may mangas at puting pang ibaba ngunit kapansin pansin na parang may kakaiba sa dalawang batang nakatayo sa may tapat ng bintana.

"Mga anak kakain na tayo!" tawag ng isang ina sa ibaba aakyat sana ang ina.

Isang imahe ang nakatayo naman sa tapat ng bintana. Itinutok nito ang hawak hawak na baril sa mag kapatid na nakadungaw sa bintana. Nagulat ang dalawang bata ng makita na nakatutok ito sakanila. Umalingaw ngaw ang isang putok kasabay nito ang pag pagbagsak ng batang lalaki.

"Ina! Gabriel! Gumising kayo !" Pag tangis ng batang babae sa batang lalaki at ginang na nakahandusay sa sahig. Naliligo ang mga ito sa pulang likido habang nag hihingalo.

"Gumising kayo pakiusap!" Pag tangis ng batang babae.

Lumapit ang Imahe ng lalaki at hinila ang batang babaeng pilit na ginigising ang Batang lalaki at Ginang na nakahandusay sa sahig.

"Ina! Gabriel! Pakiusap huwag niyo akong ilayo kay Ina at Gabriel!" Pag tangis nito habang nag pupumiglas.
Ngunit dahil sa maliit ang batang babaeng ito ay nahila at nabuhat parin siya ng Lalaki.

Ikinulong siya nito sa isang bodega na tambakan ng mga bigas, Umiyak ng umiyak ang batang babae habang nakayuko.

Makalipas ang ilang araw isang ginang ang pumasok roon at itinutok sa kaniya ang revolver.

Bang!

"Huwag!" Agad na napabalikwas ako ng upo, Habol hininga akong napatingin sa kawalan.

"Binibini ano ang nangyayari sa iyo?" Nag aalalang tugon ni Ginoong Crisanto na kapapasok lamang rito sa  silid. Hindi ako makapag salita ang tanging nasa isip ko lamang ngayon ay takot, sakit, at pag kabahala.

Namalayan ko na lamang na umaagos na pala ang mga butil ng tubig sa gilid ng aking mga mata. Tila may kung anong kirot ang bigla na lamang nag pa sikip sa aking dibdib, Dagil sa panaginip na iyon, Gusto kong umiyak ng umiyak hanggang sa mawala ang kirot na nararamdaman ko ngayon.

Ano ba ang ibig sabihin ng panaginip na iyon? Gulong gulo na ako sa mga nangyayari sa akin ngayon...

Sino si Gabriel? Sino ang Ginang na iyon?

Kailangan ko ng sagot!

Naramdaman ko ang mahigpit na pag hawak ni Ginoong Crisanto sa mga kamay ko. Ang kaniyang mga mata na tila nag sasabing maaayos rin ang lahat.

Napatitig ako sa kaniya ng punasan niya ang mga luha na patuloy na umaagos sa mga pisnge ko, ngayon ko lamang napag tanto na May isang taong nandiyan para punasan ang mga luha ko........

Namalayan ko na lamang ang sarili ko na nakayakap kay Ginoong Crisanto habang patuloy na umiiyak. Ang maiinit niyang yakap ang siyang nag papagaan sa nararamdaman kong sakit ngayon.

Desyembre 21, 1890

Ilang araw na lamang at pasko na, Narito kami ngayon ni Deseeree sa bahay nila Ginoong Andres, Pinilit namin ni Deseeree si Ginoong Crisanto na isama niya kami ng mag paalam ito kanina.

Te Quiero 3000 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon