Shun??
"Ang ngalan ko ay silang Binibini, Sino Ang iyong tinutukoy?" Nangingiting tugon nito habang nagkakamot sa ulo
Napaatras ako ng mapagtantong ka'y lapit pala nito sa akin.
Muli ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa at pinanliitan ng mga mata.
Impossible!
Kamukhang kamukha niya ang Pinsan ni zhinnea na si shun, Namamalik mata lang kaya ako?
"Narito nga pala ako upang makita si kuya liway nariyan ba sila?" Pag tatanong nito na sumisilip pa sa likuran ko.
Sino naman kayang kuya liway ang kaniyang tinutukoy?
"Silang! Nariyan kana pala!" Mula sa likod na sigaw ni Ginoong Dencio.
Ngumiti naman si Silang at kumaway rito.
Ngayon ko lamang napagtanto na hawig sila ni Ginoong Dencio, kung Ganon Kapatid siya ni Ginoong Dencio?
Pambihira ngayon ko lamang nalaman na may kaptid itong si Ginoong Dencio, at ang nakakagulat pa roon ay kamukha ito ni Shun.
Humarap ako kay Ginoong Dencio na nakalapit na sa amin ngayon.
Pinakatitigan ko silang dalawa.
Shocks!
Totoo nga magkamukha sila!kung Ganon dalawang Dencio na ang aking makikita~
"Tayo'y pumasok na sa loob" Basag ni Ginoong Dencio sa Imahinasyong nabubuo sa aking isipan.
"Pumasok na Tayo Binibining Clarita" Dagdag pa nito ng hindi ako kumibo sa aking kinatatayuan.
Tumango na lamang ako at agad na sumunod.
Nasa hapag na kami ngayon, Hindi parin mawala ang pag dududa sa aking isipan, kung bakit ganon na lamang kahawig ni silang si shun.
Hanggang ngayon ay wala parin Sina Manong, malalagot talaga sa akin ang manong na iyon.
Nakikinig lamang ako ngayon sa kanilang mga usap usapan. Mukhang masasaya ang lahat habang ako ay narito nakatulala at pinag mamasdan ang labas ng Bahay.
Malapit na mag alas otso bakit Kaya Wala parin Siya?
Isang malakas na kalabog kalabog mula pinto ang Bigla na lamang umalingawngaw.
Napatayo ang lahat, bakas sa kanilang mga mukha Ang pagkatakot at pagkabigla.
Isang pigura ng tao ang Bigla na lamang humandusay sa labas ng pinto.
Agad na napatayo ako ng Makita Ang mga pulang likido na tumatagas mula sa likuran nito.
Agad inalalayan ng mga kalalakihan Ang mga kababaihan at pinapasok sa loob ng isang silid.
Isa na ako roon na hinila ni Deseeree.
Ngunit bago pa man masarhan Ang pinto ay nakita ko kung sino Ang nag mamay-ari ng duguang katawang iyon.
Marcelo!!
Hindiiiii, Hindi maaari!
Pinipigilan ko si Ginoong Dencio na pilit isinasara ang pinto, habang nag pupumiglas sa hawak ni hasmina at Deseeree.
Ang kapatid ko!
Kailangan ako ng Kapatid ko!
"Buksan niyo ang pinto!" Patuloy sa pag tangis na sigaw ko, ngunit tila Wala manlang nakarinig sa akin.
Napahawak ako sa lamesang nasa gilid ko ng maramdaman ang panlulumo ng aking mga tuhod.
Para bang nanlalabo ang aking paningin, pilit Kong iminulat ang aking mga mata, ngunit tila ba may kung anong inerhiya ang siyang humihila sa akin, upang man dilim ang aking paningin.
BINABASA MO ANG
Te Quiero 3000 ✓
Historical Fiction~~~ Si Crisanto Jacinto Ay Isang Ginoo na nag lilingkod sa simbahan ng San Rafino, Isang maginoo at mapagmahal sa kaniyang mga kapatid. Sa pag dating ng kaniyang unang pag ibig na si Clarita Gabriella Santiago, Ano ang kaya niyang isakripisyo para s...