[Katorse]
[Te quiera Senorita 1890]Desyembre 22, 1890
Wala ngayon rito si Ginoong Crisanto may mahalaga daw kase itong inaasikaso sa bayan, Samantalang ngayon naman daw ang balik ni Señor lucas galing España, Narito ako ngayon sa tabing ilog nakaupo habang nilalanghap ang sariwang hangin na kanina pa dumadampi sa mga balat ko.
Pumikit ako at pinakiramdaman ang buong paligid. Kung iisipin para akong nasa paraiso ngayon. Bukod sa malawak na lupain na aking natatanaw , Malinaw na tubig, Agos na nag sisilbing musika, Nag lalagasan na dahon mula sa mayayabong na puno, at mga Malalagong bulaklak na nakapaligid sa akin.
May mga hayop rin tulad na lamang ng Butterfly at mga ibon ang siyang aking nakikita. Tahimik at payapa kung nasaan ako ngayon, Malayo sa problema at nakaka relax.
"Binibining Clarita, Narito ka pala" Napalingon ako sa isang pamilyar na boses na nag mumula sa aking likuran.
S-señor Lucas! Owemge! Nakabalik na siya!
Masaya ako ng makita ko siyang muli, pero bakit parang wala manlang akong maramdamang sakit sa kaniya?
Posible kayang nakalimutan ko na siya? O posible kayang manhid lang talaga ako?
"Señor lucas!" Nakangiting tugon ko rito.
"Kamusta na kayo ni Santo?" Pag tatanong nito.
TEKA bakit niya naman kami kinakamusta ni Ginoong Crisanto?
"Ayos lamang kami" Tugon ko at muling tumingin sa kalayuan.
"Mabuti naman kung ganon, Kamusta na ang iyong dinadala?" Tanong nitong muli. Napahawak naman ako sa tiyan ko.
May dinadala ba ako? Wala naman EH! Bakit ba lahat sila pinag pipilitan na buntis ako? Hindi naman ako buntis isa pa nagkamali lang sila!
"A-Ayos lang" Palusot ko kahit alam kung hindi naman talaga ako buntis, pinag papawisan tuloy ako ng malalamig sa sobrang kaba. Nabigla ako ng ngumiti ito at tumingin rin sa tinatanaw ko.
"Masaya ako na malaman na kayo ay mag kakasupling na " Tugon nito ng may ngiti parin sa mga labi.
Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na, Ako ay hindi masaya......
PAASA KA SEÑOR LUCAS.....PAASA KA!
"Masaya rin ako na sa wakas ay matutuloy na ang inyong kasal ni Santo" Nakangiti parin na tugon nito.
Kung alam mo lang Señor lucas! Na ikaw talaga ang gusto kong pakasalan! Kung bakit ba naman kase ay may Georgina kana.......
"Ang inyong pag iibigan ni Santo sa wakas ay naging malaya na Melanie, Saksi ako sa inyong pag iibigan mula ng tayo ay mga paslit pa lamang " Nakangiting tugon nito.
Nabigla naman ako sa kaniyang sinabi. Mag mula ng mga paslit pa lamang?
Ano ang ibig niyang sabihin? M-Melanie? Hindi naman melanie ang pangalan ko ah?
Si lola Melanie ang may pangalang Melanie!
Ang aking Kuya Crisanto ay wala ding pag ibig mag simula noong kabataan namin ngunit may isang Binibini siyang palaging binabanggit sa akin si Melanie" Tugon nito dahilan para mapatingin ako rito. Kapangalan kasi ni Lola Melanie...
"Melanie? Sino siya?" Tanong ko sa kaniya ng deritsong nakatingin sa mga mata nito.
"Siya ang unang pag ibig ng aking kuya Crisanto, ngunit sa kasamaang palad inilayo ito ng kaniyang pamilya noong kabataan namin, Dahil sa hidwaan " Tugon nito. Kung ganon hindi naman pala Bitter si Crisanto!
BINABASA MO ANG
Te Quiero 3000 ✓
Historical Fiction~~~ Si Crisanto Jacinto Ay Isang Ginoo na nag lilingkod sa simbahan ng San Rafino, Isang maginoo at mapagmahal sa kaniyang mga kapatid. Sa pag dating ng kaniyang unang pag ibig na si Clarita Gabriella Santiago, Ano ang kaya niyang isakripisyo para s...