KABANATA 7

56 53 5
                                    

[ Ikapitong Yugto]
[Te quiera Senorita 1890]

Nais kung masiguro ang iyong kaligtasan Binibining Clarita..

Nais kung masiguro ang iyong kaligtasan Binibining Clarita..

Owemge! Tigilan mo na ako Ginoong Crisanto Word of Wisdom!

Napasabunot pa ako sa buhok habang kumakalma.

Nakaupo ako ngayon sa balkonahe ng aming silid, hanggang ngayon kasi ay hindi padin mawala sa isipan ko ang mga katagang iyon na sinabi sa akin ni Ginoong Crisanto.

Pagka balik namin kanina ay agad na dumeritso ako dito, Mabuti na lamang ay wala dito si Deseeree at Tiya Lorna.

Speaking of Deseeree?

Hala si Deseeree nga pala! Baka malaman ng kaniyang kuya Crisanto ang pakikipag kita nito kay Marcelo!

Napatayo ako mula sa inuupuan ko at kumaripas ng takbo para hanapin si Deseeree.

Blagg!

Hindi ko nakita kung sino ang nabangga ko dahil sa pagmamadali "Ayos lang po ba kayo señorito lucas?" rinig kung tanong ng isang matandang babae.

So si Ginoong lucas pala ang nabangga ko? owemge hindi maari!

Nasa labas na ako ngayon ng mansiyon, ngunit hindi ko makita kung saan nag tungo Si Deseeree. TEKA saan nga ba iyong sinabi sa akin ni Deseeree kanina?

Napakamot pa ako sa ulo habang iniisip kung saan iyon Bigla namang may kumalabit sa akin kaya napalingon ako dito upang makita kung sino ito.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita si Dencio na nasa likuran ko.

"Ano ang iyong ginagawa dito Binibini?" Takang tanong nito habang naka kunot noong naka tingin sa akin.

"A-ah may m-mag papahangin lang..." Palusot ko sabay sipol, Pasensiya na Ginoong Dencio ha hindi mo pwedeng malaman na nandito ako para kay Deseeree, Alam kung sanggang dikit sila ni Ginoong Crisanto kaya hindi niya maaring malaman, Baka isumbong niya pa kami.

Mukhang na kumbinsi ko naman siya kaya napa tango tango nalang ito.

"Binibini ika'y Binilin sa akin ni Santo na huwag kitang kakaligtaang mawala sa aking paningin" Napa kunot noo naman ako sa sinabi niya.

Hanggang ngayon ba ay iniisip parin ni Ginoong Crisanto ang kaligtasan ko? Hindi naman ako lampa noh!

" Ah, g-ganon ba hehe " May body guards na pala ako ngayo...

Shocks! Papaano ko hahanapin ngayon si Deseeree! Owemge gulong gulo na ang lola niyo!

"Binibining Clarita!" Agad na napalingon kami ni Dencio sa Babaeng sumigaw mula sa likuran ko.

Owemge si Deseeree! TEKA bakit galing siya sa loob?

"Kanina pa kita hinahanap Binibini, may nais akong ikwento sa iyo" Nakangiting turan ni Deseeree, Napansin ko naman ang mga tingin ni Dencio sa amin na parang nag hihinala.

Kaya naman hinila ko na agad si Deseeree pabalik sa loob, upang mapag usapan na namin ang kaniyang nais i kwento.

Panigurado ay nakakakilig iyon!

Nasa loob na kami ng silid ngayon, habang naka upo sa kama. Nag umpisa ng mag kwento sa akin si Deseeree, Kaming dalawa lamang ang tao dito ngayon.

"Binibini ako'y natutuwa, Ngayon lamang kasi ang muli naming pagkikita ni Marcelo, Datapwat ang aming pamilya ay may hidwaan, Hindi iyon naging sagabal sa aming pagiibigan, bagkus ay mas tumibay pa ito na parang isang bato" Bakas sa mukha ni Deseeree ang kilig at saya.

Te Quiero 3000 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon