KABANATA 16

42 38 5
                                    

" Ayos lang po ba,  ang aking nobya Doktor Enrico? " Dahan dahan kung iminulat ang  mga mata ko ng marinig ang boses ni Ginoong Crisanto.May bahid ng pag aalala ang tono ng pag tatanong niya sa Doktor.



Ayos lamang ang kaniyang pakiramdam, nawalan lamang siya ng malay  sa labis na pag tangis, Ipapayo ko lamang sa iyo na huwag mo siyang hahayaang gawin ang mga bagay na hindi dapat niya ginagawa, lalo na at nag dadalang tao ang iyong nobya" Tugon ng Doktor.



Nakatingin lamang ako ngayon sa kawalan habang pinakikinggan ang kanilang pag uusap.



" Oh siya, at mauuna na ako, tandaan mo ang aking bilin, kailangan niya ng lubos na pag aalaga mo Señor Crisanto" Paalam ng Doktor.



"Maraming salamat po Doktor Enrico, Mag iingat ho kayo" Paalam rito ni Ginoong Crisanto na inihatid pa sa labas ang Doktor.



T-TEKA? N-Nangyari ang lahat ng ito kahapon, ah?



Mag tutungo sana ito sa lamesa na nasa gilid, ngunit nag salita na ako at bumangon.



Baka kase mauntog at muli siyang madulas, Ako na ang naawa sa kaniya!




"Gising kana pala mahal, Kamusta na ang iyong pakiramdam?" Nag aalalang tanong nito at hinawakan ang mga kamay ko ng ka'y higpit.




Shocks!  Nangyari na nga ito kahapon!


"N-Nananaginip ba ako?" Nagugulohang tanong ko habang nakatingin sa kaniya ng diretso.




" Panaginip, Sa iyong palagay ba ay panaginip lamang ito Mahal?"  Nagulat ako ng haplosin niya ang mga mukha ko.





SHOCKS!




Hindi naman ganito si Ginoong Crisanto, ah?



" A-Ano ba ang ginagawa mo Ginoong Cris---" Inilapit niya ang kaniyang mga mukha, dahilan para matigilan ako.




Owemge!




Shocks! Binabaliw ba ako nitong si Ginoong Crisanto?




Sa wari ko ay namumula na ang aking mga pisnge!




Ano ba ang kaniyang ginagawa.....Inaakit niya ba ako?? Shocks!




Unti na lamang kase ay mag didikit na ang aming mga labi, Ano ang kaniyang binabalak?




Siguro ay gusto niya akong i kiss?




Ah, So iyon pala ang gusto niya?! Sige na nga pag bibiyan ko na siya!




Ipinikit ko ang aking mga mata at inginuso ang aking mga labi.




Ito na malapit na..... Ayan na.....




Napamulat ako ng may humawak sa labi kong nakanguso.




"A-Ano ba ang iyong ginagawa P-Pilyang Binibini? " Kinakabahang tugon ni Ginoong Crisanto na nakaupo sa harap ko ngayon.




TEKA? Akala ko ba ay nais niya ng mwuah mwuah?




Pinagmasdan ko siya ng mabuti habang nakatingin ito sa ibang direksyon, na tila ba nahihiya, iba na ang kaniyang kasuotan at wala rin doon ang mga kalat sa lamesa.




A-Ano bang nangyayari?




Hindi kaya panaginip lang din iyon?




"Akala ko ba ako ay iyong" Pag putol ko sa aking sinasabi at ngumuso.




Te Quiero 3000 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon