KABANATA 20

51 28 5
                                    

Desyembre 29, 1890

Kanina pa ako rito palinga linga, ngunit hanggang ngayon hindi ko parin mahanap si Manong. Hinawi ko Ang tabing sa bintana at sumilip roon, tanging malakas na ulan lamang ang bumungad sa akin.

Imposible namang lalabas si manong? Malamig at umuulan ngayon saan naman siya mag tutungo?

Sandali lamang akong natulog, pag gising ko wala na siya. Lagot talaga siya sakin!

"Ay palaka!"

Nabigla ako ng may dumampi sa pisnge ko, dahilan para masapak ko ito ng hindi sinasadya.

G-Ginoong Crisanto?!

Shocks! Bakit ba naman kase siya biglang sumulpot.... Nasapak ko tuloy siya.......

@AkdaNiClara

"Hindi ko akalain na mas malakas kapa pala sa aking inaakala mahal" Natatawang tugon nito, habang ginagamot ko ang sugat sa gilid ng labi niya.

"Huwag mo nga akong pag tawanan Manong!" Napangiwi pa ito sa hapdi ng diinan ko ang dahon ng bayabas na inilalagay ko sa sugat niya.

Iniiwas ko na lamang ang mga tingin sa ibang direksyon, Ngunit kahit anong gawin ko nakikita ko parin talaga ang mapang asar niyang mga ngisi.

Teka saan nga pala galing ang kumag na ito?

Namilog ang mga mata ko ng mapag tantong naka topless lamang ito habang nakatitig sa akin.

Shocks.... Bakit nga ba ngayon ko lamang napansin na galing pala siya sa palikuran!

Agad na napatayo ako, at tumalikod sa kaniya. Pakiramdam ko ay nag init ang mga pisnge ko.

@AkdaNiClara

Nasa hapag kainan na kaming lahat ngayon, Napakaraming putahe na nakahain sa lamesa. Si Deseeree at Hasmina ang nag handa ng makakain kanina, katuwang ang lola ni Andres.

Katabi ko ngayon si Manong na kanina pa panay ang lingon sa akin, Patingin tingin lamang kasi ako sa
Pagkaing nakahain sa harap ko ngayon, Pakiramdam ko kasi ay busog pa ako.

Napalingon pa ako kay Manong, ng hawakan nito ang mga kamay ko.

"Bakit tila hindi ka kumakain Manang? " Nakataas kilay na tanong nito sa akin.

Napangiwi naman ako habang naktingin ng diretso sa mga labi niyang mapupula.

"Ano ba ang iyong ginagawa manang?" Nabalik ako sa realidad ng marinig ang kaniyang malumanay na boses.

Agad ko namang tinanggal ang mga kamay ko na nakalapat na pala sa mga labi niya.

Shocks!

Kunot noo itong nakatingin sa akin.

"Ehem!" Parehas kaming napalingon kay Ginoong Andres na tumikhim, kanina pa pala ito nakatingin sa amin.

Ayan nanaman ang mapang asar niyang mga tingin. Shocks!

Napaiwas na lamang ako ng tingin, at sa hindi inaasahan namalayan ko na lamang ang sarili ko na nilalantakan na, ang Bangus na nakahain sa harap ko.

"Akala ko ba'y hind----"
Hindi na nito natapos pa ang kaniyang sasabihin.

"Kumain kana lamang mahal!" Sabay subo ko rito ng kamote na nasa harap niya.

Nahagip ng gilid ng mga mata ko, ang pigil tawa ni Ginoong Andres at Señor Lucas.

Narito na kami ngayon sa loob ng kubo, Halos hindi parin tumitila ang malakas na ulan. Madilim na sa labas at sa palagay ko tulog narin ang lahat.

Sinulyapan ko si Manong na natutulog ngayon sa papag. Kinuha ko ang kumot na nasa gilid ko at inilagay iyon sa kaniya.

Te Quiero 3000 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon