KABANATA 10

55 44 5
                                    

[Ika Sampung Yugto]
[Te quiera Senorita 1890]

Ilang araw na ang lumipas, mag pa sa hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang mga sinabi sa akin ni Ginoong Crisanto. Hindi rin kami masyadong nag kikita dahil palagi siyang nasa simbahan. Samantalang naiiwan naman ako rito sa Hacienda Rafino, Upang makapag pahinga daw ng husto.

Nasa kusina si Deseeree kasama niya ngayon si Hasmina, Habang Binabantayan naman ni Tiya Lorena si Charlito, mamaya na nga pala ang simula ng simbang gabi, Ngunit heto parin ako nag iisa. Tila nabuhayan ako ng loob ng makita si Deseeree na kumakatok sa pinto.

Agad na napatayo ako upang salubongin siya ng yakap. Nabigla pa siya sa aking ngunit kalaunan ay ngumiti narin ito.

"Kamusta ang iyong pakiramdam Binibini?" Nagulat ako ng sumulpot sa likuran ni Deseeree si Georgina. Iniiwas ko na lamang ang aking mga tingin upang hindi ko na maalala pa na siya, ang dahilan kung bakit ako nasasaktan.

Ang pag limot ang siyang solusyon sa pusong nasasaktan.....

Alam ko naman na siya ang nauna....
Kung kaya wala akong karapatan para magalit pa sa kaniya.

"A-ayos lang a-ako" pinilit kong ibuka ang bibig ko, kahit na pautal utal ang siyang boses na lumalabas roon.

"Mabuti naman kung ganon Binibini, Ako'y natutuwa dahil mabuti na ang iyong pakiramdam" Nakangiting tugon nito at hinawakan  ang mga kamay ko. Tumango tango naman ako habang hindi makatingin rito. Hindi ko talaga siya kayang titigan pa sa ngayon.

"Binibining Clarita, Nais mo bang sumama mamaya sa pag simba?" Tanong ni Deseeree na naka akbay na sa akin ngayon. Hindi ko alam kung sasama ako.

Iniisip ko kase na kapag sumama ako baka makita ko si Ginoong Crisanto....

Muli akong tumingin kay Deseeree na ngayon ay naka nguso na sa akin ngayon. Tila nag papacute pa ito, para pag bigyan ko. Paano ko ba naman matatanggihan ang babaeng ito!

Tumango na lamang ako, Dahilan para yakapin ako nito ng husto. Tuwang tuwa pa ito habang pinipisil pisil ang mga pisnge ko, ngayon ko lamang nakitang ganto ka saya si Deseeree. Samantalang nakatingin naman sa amin si Georgina na hindi ko napansin. Nakatayo nga  pala ito sa harapan namin. Nakangiti rin ito na animo'y  natutuwa siya sa kaniyang mga nakikita.

Nasa kalesa na kami ngayon, Katabi ko si Deseeree samantalang nasa kabila naman si Tiya Lorna at Charlito. Hindi na sumabay sa amin si Georgina susunod na lamang daw sila. Kanina pa ako kinakabahan habang nakaupo rito.

Hindi ko alam kung maiihi ba ako o matatae dahil sa kabang nararamdaman ko, Mag mula pa kanina ng tumuntong ako rito sa kalesang ito. Malapit lapit narin kase kami sa Simbahan at Tiyak na mag kikita kami ni Ginoong Crisanto.

Sa totoo lamang ay hindi pa ako handang makita siya sa ngayon. Ewan ko ba, wala naman akong nagawang kasalanan sa kaniya pero, Bakit ganon na lamang ang nararamdaman ko sa kaniya. Nakatanaw ako ngayon sa daan habang pinag mamasdan ang papalubog ng araw. Malamig din ang simoy ng hangin at may pa unti unting ambon mula sa langit.

Samantalang mayabong naman na iwinawagayway ng hangin ang mga punong nag babagsakan ang dahon. Para tuloy akong nasa Japan!

Sa labas palang ng simbahan ay napakaraming tao na ang nag dadatingan. May mga Señorito at Señorita din ang nag kalat sa labas ng simbahan. Napakaraming paninda ang nakalatag sa daan. Naalala ko tuloy noong mga panahong mag kakasama pa kami nila Lola Melanie at lolo Rubin. Madalas kaming mag simba tuwing pasko. Palagi kaming sama sama, Pagkatapos ay dadaan kami kay aling Nida na nag titinda ng mga kakanin.

Te Quiero 3000 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon