KABANATA 18

47 41 5
                                    

Isang batang lalaki ang nakatayo sa may tapat ng isang malaking bintana malungkot itong nakatingin sa labas ng mansyon habang pinag mamasdan ang mga batang nag lalaro sa di kalayuan lumapit naman sa kaniya ang isang batang babae at sinamahan siya sa pag mamasid nakalikod sila parehas kung kaya hindi ko makita ang kanilang mga wangis nakasuot ang batang babae ng mahabang kasuotan habang nakalugay ang kanuyang mga buhok at ang batang lalaki naman ay naka suot ng puting may mangas at puting pang ibaba ngunit kapansin pansin na parang may kakaiba sa dalawang batang nakatayo sa may tapat ng bintana.

"Mga anak kakain na tayo!" tawag ng isang ina sa ibaba aakyat sana ang ina.

Isang imahe ang nakatayo naman sa tapat ng bintana. Itinutok nito ang hawak hawak na baril sa mag kapatid na nakadungaw sa bintana. Nagulat ang dalawang bata ng makita na nakatutok ito sakanila. Umalingaw ngaw ang isang putok kasabay nito ang pag pagbagsak ng batang lalaki.

@AkdaNiClara

"Gabriel! Kapatid narito na ako, Dala ko ang pagkaing iyong gusto!" Lumapit ang batang babae sa lalaking nakatayo sa bintana.

"Ang prutas na gusto ko! Maraming salamat ate Gabriella! "  Niyakap nito si Gabriella at hinalikan sa pisnge.

"Walang ano man aking kapatid, Lahat ay ibibigay ko sa iyo, Mapasaya ka lamang!" Tugon nito at ngumiti.

Isang batang lalaki ang nakatayo sa may tapat ng isang malaking bintana malungkot itong nakatingin sa labas ng mansyon habang pinag mamasdan ang mga batang nag lalaro sa di kalayuan lumapit naman sa kaniya ang isang batang babae at sinamahan siya sa pag mamasid nakalikod sila parehas kung kaya hindi ko makita ang kanilang mga wangis nakasuot ang batang babae ng mahabang kasuotan habang nakalugay ang kanuyang mga buhok at ang batang lalaki naman ay naka suot ng puting may mangas at puting pang ibaba ngunit kapansin pansin na parang may kakaiba sa dalawang batang nakatayo sa may tapat ng bintana.

"Mga anak kakain na tayo!" tawag ng isang ina sa ibaba aakyat sana ang ina.

Isang imahe ang nakatayo naman sa tapat ng bintana. Itinutok nito ang hawak hawak na baril sa mag kapatid na nakadungaw sa bintana. Nagulat ang dalawang bata ng makita na nakatutok ito sakanila. Umalingaw ngaw ang isang putok kasabay nito ang pag pagbagsak ng batang lalaki.

" Gabriel!"

"binibini gumising ka!" Pag yugyog sa akin ni Deseeree, Napamulat ako, habang patuloy parin sa pag agos ang mga butil ng tubig mula, sa aking mga mata.

Hindi ko maintindihan kung, bakit tinawag kong Gabriel ang batang iyon.........

Posible kayang si Gabriel at Ako ang batang iyon?

Napahawak na lamang ako sa aking ulo na biglang kumirot.


Gusto kong malaman ang katotohanan.....Gabriel Arkanghel magpakita ka sa akin!

Parang awa mo na Gabriel Arkanghel! Magpakita ka sa akin!

Ilang ulit ko siyang tinawag sa  aking isipan, Ngunit tila hindi manlang ako nito narinig.

Nasaan na ba siya? Siya lang ang taong naka aalam ng lahat, Bakit ba siya nawala!

"Ate Clarita nais mo bang sumama sa ami sa bayan?" Napalingon ako kay Deseeree na nasa pinto.

Tumango na lamang ako, Ayoko rin namang mag stay rito. Bukod sa wala akong magawa, Wala rin dito si Ginoong Crisanto.

Nakasakay na kami ngayon sa Kalesa, Isinama narin namin si Hasmina upang mamili ng kasuotan.

Te Quiero 3000 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon