Chapter 7

7.5K 69 0
                                    

Naiwan akong nakanganga dahil sa huli niyang sinabi. wala akong mahanap na angkop na salita para isagot sa kanya at mas lalo akong nailang dahil sa mga titig niya na nagsasabing inaantay niya ang sagot ko. bakit niya sinasabi sakin to ngayon? ngayon lang kami nakakilala at nagkita pero parang komportable na siyang kasama ako. walang bahid ng kaba at pagkailang sa kanya samantalang ako mula sa kinauupuan ko sa harapan niya ay nanginginig ako gusto kong tumakbo pero parang dinikitan ng rugby ang pwetan ko dito sa kinauupuan ko at isa pa kapag umalis ako ay baka magmukha akong bastos sa paningin niya ayoko naman ng ganun. pero anung isasagot ko? ako? papasok sa seryosong relasyon?! Ha! nagpapatawa ba siya?! kilala niya ako panigurado. hindi ako pumapasok sa isang seryosong relasyon dahil para sakin masakit masaktan, oo lahat naman ng tao dumadaan dun pero kasi ayoko ng maulit ulit yung nakaraan ko. mahirap mag move-on madaling sabihin pero sa totoo lang mahirap gawin, sobrang hirap na parang mas gustong mo na lang mamatay para makalimutan mo lahat ng sakit. pero sa huli kaylangan mong tanggapin na kasama sa buhay ang masaktan at kaylangan mo yun para matuto ka at hindi na maulit pa sa susunod. kaya pagkatapos nang nangyari sakin sinabi ko sa sarili kong hindi na mauulit yun, na hindi na ako muling magmamahal dahil sakit lang ang dulot nito. binago ko lahat nasaktan ko sila, hindi ko intensyon na saktan sila pero yun ang nakatdhana at para maisip din nila na hindi lamang babae ang dapat nasasaktan kapag nasa loob kayo ng isang relasyon kundi dapat kayong dalawa. 

"Hey" Isang mainit na hininga ang bumulong sa tenga ko at natinag ako dun. "Are you  okey?" tiningnan ko sa mata si xander at bakas sa kanya ang pag-aalala.

"I want you" yun ang lumabas sa bibig ko. pero hindi ko iyon pinag-sisisihan dahil gusto ko! gusto ko siyang angkinin. ganun naman ako di ba? walang relasyon na mamamagitan sa inyo kundi SEX. Oo! yun ang kahinaan ng mga lalaki.

"W-what?" nauutal siya at namumula ang mukha niya. hindi ko maiwasan ang matawa sa itsura niya. pero ngumiti ako sa kanya gamit ang bitchiest smile ko.

"I want you anthony xander lim" ramdam ko ang paglunok niya dahil kita ko ang paggalaw ng adams apple niya at napakagwapo niya duon. 

"No" nawala ang kaninang malanding ngiti ko dahil sa sinabi niya. agad siyang umalis sa harapan ko at tumalikod sakin.

Nanlaki ang mata ko dahil ngayon lang my tumanggi sakin. eh hindi ba yun naman ang gusto nila? bakit dito sa lalaking ito, ayaw niya? oh choosy siya at kaylangan pang landiin para bumigay. agad akong tumayo at yumakap mula sa likuran niya alam kong nagulat siya dahil bahagyang gumalaw ang braso niya pero wala akong pakialam. ang sarap niyang yakapin mula sa likod amoy na amoy ang matapang na amoy ng pabango niya. Napaka-masculine nito at lalaking-lalaki ang amoy, nakangiti pa din ako. ang malapad niyang likod na nagbibigay init sa katawan ko paano pa kaya kapag sa harap ako nakayakap.

"Please" Deperado kunwaring sabi ko sa kanya habang nakayakap pa din sa likod niya.

"I said no nics" Matigas na sabi niya at nagulat pa ako sa palayaw na tinawag niya sakin. bigla akong my naalala duon pero hindi ko na lang pinansin.

"Why?" Kusa na niya akong iniharap sa kanya at nagtama na ang mga mata namin. mayado siyang seryoso malalim siya kung tumingin at medyo kinabahan ako duon. 'What the hell?! ako kinakabahan?! no way! pero iyon talaga ang nararamdaman ko ngayon'

"Because i respect you" Sabi niya sa mababang tono. agad na nangilid ang luha sa gilid ng mata ko pero agad ko iyong pinigilan. masarap sa pandinig ang sinabi niya dahil siya lang ang kauna-unahang nagsabi sakin ng mga salitang iyon. sa lahat ng naging ka-fling ko wala pang nagbanggit sakin nun. at natutuwa ako dahil my ganun pa palang lalaki sa mundo. "Hey?" hinawakan niya ang baba ko para magpantay ang tingin namin. hindi ko namalayan na napayuko na pala ako.

Sex  Attack (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon