Xander’s POV
“Nakainggit naman” Pumasok ako sa kwarto at naabutan kong pinapa-dede ni Nicole ang mga anak namin.“Anong nakakainggit?” Tanong ni Nicole habang pinupunasan ang bibig ng panganay naming anak na babae.
Agad akong lumapit sa kanila at naupo sa tabi ng asawa ko, Nicole is breastfeeding our children. Napaka gandang tanawin kahit na nagsesleos na ako kasi tatlo agad ang kahati ko sa malulusog nyang dibdib. Natawa naman ako sa naisip ko.
“What’s funny?” Napalingon ako kay nics na taas kilay akong tiningnan, umiling lang ako.
“Masaya lang ako” Binigay nya sakin si Maxwell dahil tapos na itong dumede sa kanya. “Kaya ikaw anak, sakin ka gumaya, wag sa mommy mong napakasungit” Ngumiti ang anak ko habang nilalaro ang maliit nyang kamay.
“Bwisit ka!” Hinampas naman ako ni Nicole habang masamang nakatingin sakin. “Wag mo lang mamana ang pagiging playboy ng tatay mo!”
“Kaylan naman ako nambabae? Takot ko lang sayo” Hinalikan ko sya ng mabilis sa pisngi.
“Good! Dahil kapag nahuli talaga kita divorced agad” Inarapan nya ako at nilapag na si Maxine sa crib dahil nakatulog ito. “Next week na pala ang binyag ng mga anak natin”
“Maayos na lahat, mas excited pa nga sila mama kaysa satin” Nilapag ko na din sa crib si Maxwell at sinunod si maxlhyn. “Napaka antukin ng triplets, tapos mamayang gabi gising na gising. Hindi tuloy tayo makapag make love” Kinindatan ko ang asawa ko na nasa harap nang salamin, lumapit ako at niyakap sya.
“Lumayo layo ka sakin ha!” Pilit nya akong tinutulak pero sinandal ko ang baba ko sa balikat nya at mataman syang tiningnan sa salamin.
“Kahit isa lang?” Pagpapa cute ko pa, ngumuso ako at lalong nagpaawa.
“Tanghali tapat xander, umalis ka nga dyan!” Buong pwersa nya akong tinulak at nagtagumpay sya. “Mamaya kapag nabitin ka nanaman, sakin ka pa magagalit” Lumabas na sya ng kwarto at naiwan akong umiiling at pumunta sa crib ng triplets.“Napaka sungit ng mommy nyo, kaya mahal na mahal ko eh” Tiningnan ko sila isa-isa.
Tiningnan ko ang panganay namin na si Maxine, masasabi kong magkahalo ang mukha namin ni Nicole sa kanya, nakuha nya ang hugis ng mga mata ko, pati ang pagkunot ko ng noo ay namana nya. At nakuha naman nya sa mommy nya ang labi at ilong, maamo na my halong pagkamaldita ang mukha nya. At si Maxwell na masasabi kong little xander ay kamukhang-kamukha ko pwera lang sa mata na nakuha nya sa asawa ko. At ang bunso namin na si maxlhyn naman ay kamukha ng mommy nya, mata lang ang nakuha nito sa akin, at maldita ang mukha.
RING! RING! RING!
“Hello?” Sagot ko sa kabilang linya.
“Can I talk Mrs. Lim?” Nakilala ko kaagad ang boses nito, ang secretary ng asawa ko.
“Sige, tatawagin ko sa Computer room"
Tiningnan ko muna ang mga anak ko at saka lumabas ng kwarto. Naabutan ko sa computer room si nics at seryosong nagta-type sa monitor.
“Hon, secretary mo” Bumaling sya sakin at kinuha ang telepono.
“Napatawag ka?” Umupo ako sa tabi nya at tiningnan ko ang ginagawa nya. “Oh tapos?” Natawa naman ako dahil sa walang kagana-gana na boses nya sa kausap.
“Pumunta ka dito sa mansion bago ka umuwi para pag-aralan ko kung pipirmahan ko ba o hindi” Agad nyang binaba ang tawag at galit na tumitig sakin.
![](https://static.wattpad.com/img/image-moderation/blocked-cover.jpg)
BINABASA MO ANG
Sex Attack (R-18)
Roman d'amourI am the BITCHIEST woman in town. i'm more aggresive than man. i can tickle them in an easiest way. No one can ignore my flirty presence. But when i met the gaze of the most eligible bachelor Anthony xander lim my life was change in unexpected way...