Chapter 2

11.4K 62 0
                                    

Nicole's POV

Dahan-dahan akong pumasok sa mansion at inilapat ng maayos ang pintuan para hinndi lumikha ng ingay. paniguradong tulog na ang mga maids dahil patay na lahat ng ilaw. ala-una na ng hatinggabi kaya hindi na ako magtataka kung nagsusuntukan na sila sa tulog kaya umakyat na ako sa taas dahil pagod ako galing kila ethan. pero bigla akong napahinto sa pagakyat ng bumukas ang ilaw sa napakalaki namin sala at bumungad sakin si dad na matalim ng nakatingin sa gawi ko kaya bumuntong hininga akong bumaba ulit at lumapit sa kanya para humalik.

"Hi dad! good morning!" pilit kong pinapasaya ang tono ng pananalita ko pero sa loob-loob ko ay nababalisa na ako at gusto ko ng tumakbo paakyat at magkulong sa kwarto.

"Yeah. its a damn morning and your still outside flirting with someone ha?" Nakakainsulto ang dating ng pananalita nya pero sanay na ako. nainis ako ngayon dahil sa pailalim na titig nya na para bang gustong pasukin ang kaluluwa ko. tipid akong ngumiti.

"I'm with ethan. remember him?" Umupo ako sa katapat na sopa na kinauupuan nya.

"Your so called boyfriend for one week. Kylan ka magtitino at aayusin ang pag-aaral mo?" Inis na sabi nya. "two days with him? you are not getting younger nicole! grow up!" Pasigaw ng sabi nya. na halos magpaulit ulit sa buong sala dahil sa echo na nanggagaling dun. 'Here we go again'

Totoong kasama ko si ethan for two days. wala lang just for fun? pareho kasing business minded ang parents ko at madalang silang umuwi dito. my kapatid akong lalaki and he's my kuya but unfortunately kasama din sya sa mga world business trip ng parents ko. kaya ako naiwan dito sa pilipinas dahil wala pa naman daw akong maitutulong sa kanila, mag-aral daw akong mabuti para naman may magawa ako para sa pamilya.

"Don't worry dad. I'm breaking up with him" Tumayo na ako para hindi na humaba ang diskusyunang ito. "Going to sleep?" Tanong ko sa kanya pero hindi sya nagsalita kaya lumapit ulit ako sa kanya para humalik. "Matutulog na ako dad. we can talk later! goodnight!" Iyon lang at umakyat na ako.

Pagpasok ko agad akong tumakbo sa king size bed ko at pabagsak kong naibaba ang katawan ko dahil sa pagod. papikit na ako ng biglang mag vibrate ang telepono ko sa pantalon na suot ko. agad kong kinuha yun at binasa kung sino ang hinayupak na nang istorbo sa tulog ko.

Ethan

Babe? Are you at home? text me back. I love you :*

Binura ko na at pumunta ako sa contact list ko para burahin ang numero ni ethan. tapos na ako sa kanya kaya wala ng dapat na maiwan na kahit anong bahid ng alaala nya. iyon lang at pumikit na ako.


~K I N A B U K A S A N~

TOK! TOK! TOK!

Malalakas na katok ang gumising ng diwa ko. agad kong naiharang ang kamay ko sa mukha dahil sa kaunting sinag ng araw galing sa bintana. napabangon ako sa inis at sumandal sa headboard ng kama ko. wala pa din tigil ang katok, hinahayaan ko lang. pakiramdam ko hindi ako natulog dahil sa sobrang bigat ng pkiramdam ko. hanggang sa nagsawa na ang kumakatok at narinig ko ang yabag nya hudyat na umalis na sya at alam ko kung sino yun. 'Si daddy' ganyan ang routine niya kapag nandito siya sa mansion, kailangan kapag gising na siya ay gising na din ang lahat kahit kami ni kuya. at ang pagkatok ng malalakas at sunod-sunod ang ginagawa nya nuong una ay napapamura ako sa inis dahil talagang nananadya siya kahit alam niyang puyat ako galing sa kung saan-saan pero kalaunan ay Nakasanayan ko na.

"Getting into hell again nicole" Kunot-noo kong sabi. at tumayo na ako nag push-up at lumundag ng limang beses. pagkatapos ay dumiretso na ako ng banyo ginawa lahat ng dapat gawin nagpalit na din ako dahil hindi na ako nakapagpalit pa kanina dahil sa sobrang pagod.

Pagkalabas ko galing banyo ay inayos ko ang higaan ko. ayaw ni dad na sa maid pa namin inaasa ang pag-aayos ng kwarto namin tutal kami naman daw ang humilata dito ay dapat lang na kami lang din ang mag-ayos. pero dahil madalas siyang wala dito ay sa maid ko pa din ito pinapaayos. Pagkababa ko nakita ko agad si kuya gulat akong tumakbo sa kanya at yumakap.

"Kuya! i miss you! mabuti naman at naisipan mong umuwi at dalawin ako" Nakangiti kong sabi habang yakap pa din niya ako. kinurot niya ang pisngi ko at ngumiti.

"Alam mo naman ang kuya mo, always in business" Inakbayan na niya ako at pumunta na kami sa mahabang lamesa na para lamang sa pamilya namin. "How are you? new boyfriend clingy?" Ngumiti ako sa kanya bago sumagot.

"Nope. i'm already single kuya! i want to study seriously" Sumulyap pa ako kay daddy na busy sa dyaryong binabasa niya at binalik ulit kay kuya ang tingin ko na inalalayan pa akong umupo.

"Wow nicole! is it true?!" Gulat na tanong niya kaya nakangusong tiningnan ko siya. "Ah yeah! keep it up" Nasabi na lang niya kasabay nun ay nagsilabasan na ang mga maids para ihanda ang pagkain namin.

"Nicolas i want you to check the progress in our new site in bulacan" Sabay kaming napalingon kay dad na ngayon ay kumakain na.

"Yes dad"

"Nicole. just focus on your studies this school year, that is your last chance" Seryosong sabi niya. "Dahil hindi ako magdadalawang-isip na ipatapon kita sa australia para duon magtrabaho" Makapangyarihan sabi niya. kaya ngumiti ako sa kanya bilang tugon.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain at pagkatapos nuon ay pumunta ako sa likod ng bahay namin para mag swimming. para makapag-relaks man lang ang isip ko. bakasyon pa naman ngayon. Sa mga ganitong pangyayari kay mommy ako lumalapit pero dahil wala siya at busy sa kumpanya sinasarili ko na lang. hindi ko din naman kasi makausap ng maayos si kuya dahil bukod sa madalang siyang umuwi ay parati naman siya inuutusan ni dad sa mga kumpanya namin dito sa pinas. minsan nagu-guilty ako dahil wala na nga akong maitulong sakit pa ako sa ulo ng pamilya ko. hindi pa naman siguro huli ang lahat para magbago.


Thank you! Enjoy reading! ❤❤❤

Sex  Attack (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon