03

1.7K 83 21
                                    

[MESSENGER]

Mila

05:40

Jachin
Tapos na class mo?

Jachin
Nasa parking pa ako kung gusto mo sumabay pauwi.

Jachin
Maulan. Tawagan mo ako pag palabas ka, may payong ako dito sa sasakyan.

* * *

[INSTAGRAM]

[INSTAGRAM]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

* * *

[MESSENGER]

Mila

06:55

Mila
OMG

Mila
Did you wait?

Jachin
Oo, dito pa ako.

Jachin
Palabas ka na?

Mila
Sorry, I did not see!!

Mila
Yes, palabas na.

Mila
You shouldn't have waited pag di ako nagreply. It means I'm busy.

Jachin
Okay lang

Jachin
Maulan kanina kaya di rin ako nagdrive muna pauwi.

Mila
STILL

Jachin
Iikutan na lang kita sa may entrance ng building mo

Jachin
Wag ka na lumakad papunta sa parking

Mila
Okay, sige.

Mila
Thank you, Jach.

* * *

[DIALOGUE]

< JACH'S CAR. NIGHT. >

Nagsimula ulit umulan sa kalagitnaan ng byahe nilang dalawa. As usual, mabigat na ang trapik dahil uwian na naman. Puno na ng mga tao ang bawat bus shed na madadaan nila at kahit tahimik sa loob ng sasakyan, rinig pa rin ang mga busina sa kalsada.

Jachin
Ganito ulit oras ng uwi mo?

Mila
Yeah. Laging overtime kasi siya ulit prof namin for that subject.

Kahit hindi nakikita ni Jachin ang mukha ni Mila, rinig niya ang inis sa boses nito.

Jachin
How's Tita?

Mila
Si Mommy? Hmm. She's okay. Matagal na since last confinement niya, so I'm taking that as a good sign.

Jachin
Nasa bahay mga kapatid mo?

Mila
Kuya is there. Si Mica na kay Dad. You know—the usual set up.

Jachin
Hindi umuuwi si Mica?

Mila
No. Ever since—

Tumigil sa pagsasalita si Mila at nabalot sila ng katahimikan. Tanging ugong lang ng sasakyan at mahinang musika ang naririnig.

Jachin
Pwede mo namang hindi sagutin.

Mila
No, no. Well, ever since nag-away sila ni Mommy. I think she's guilty because Mom's sick.

When Mila sighed again, it took Jachin every ounce of his self-control not to move his hand to hold hers. Mahigpit na lang niyang ikinuyom ang kamay sa kambyo at hinayaan si Mila na magpatuloy.

Mila
That's all I have to say to that.

Jachin
Okay.

Mila
'Di ka na dapat naghintay. Ginabi ka na tuloy.

Jachin
And magbu-bus ka? Delikado, Mila.

Mila
But you don't wait for Fatima. Or for any of our friends.

Jachin
And? Anong point mo?

Mila
You treat me differently. Even si Rigo na best friend mo, you never wait for.

Jachin chuckled a bit just imagining Rigo taking the bus. Gusto niya ngang makitang nayayamot ito, e. Buti nga.

Mila
Seryoso ako, Jach.

Jachin
Alam mo naman kung bakit. 'Di ko alam bakit ka pa nagugulat.

Mila
Kaya nga ayaw ko.

Ipinarada ni Jachin ang sasakyan sa harap ng bahay ni Mila. Medyo may kalakihan ito dahil may kaya naman ang pamilya nito. Alam niya ang lugar dahil sa mga beses na ihinahatid niya si Mila—galing sa school, sa gimik, o sa mga lakad nilang magkakaibigan.

Jachin
Then say no to me, Mila.

Matagal silang nagkatitigan.

* * *

#ATSWHIwp

as the stars would have itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon