a/n: not proofread. you can listen to nct 127's angel eyes while reading! :)
* * *
CHAPTER 19
EVIE COULDN’T HELP but laugh at Rigo. Tila ito ang naging life of the party ng barkada nina Mila at Jachin dahil puno ng buhay nitong ikine-kwento ang mga kahihiyan ng barkada nila sa mga nagdaang taon na magkakasama sila.
In a round table inside the dim place, magkakatabi silang nakaupo. Nasa gitna ni Mila at Evie si Jachin, habang katabi naman ni Evie sa kanan nito si Rigo at Fatima. Si Abe naman ay nasa kabilang gilid ni Mila.
Taliwas sa sinabi ni Jachin, mukhang hindi naman ito interesado sa kanya dahil hindi naman siya nito nilalapitan o kinakausap nang direkta. Sadyang gusto lang sigurong malaman kung anong pangalan niya sa Facebook.
Nakalatag din sa lamesa nila ang iba’t ibang pagkain, beer, at mas matapang na alak, pati mga shot glass.
Kinuha muna ni Rigo ang nakaabang na shot nito na isinalin ni Jachin bago nagpatuloy ng kwento. “Tapos, eto, sa kaayawan naming pumunta sa event kasi siyempre ang tagal naming uupo do’n kung pwede namang nasa tambayan kami, tumakbo kami palabas ng gym. Binuhat pa ni Jach si Mila no’n kasi nakatakong at hindi makakatakbo.”
“Dinamay n’yo pa kami ni Fats sa kalokohan ninyo.” Mila said and rolled her eyes at Rigo.
“Pero aminin mo, masaya takbuhan mga guard. One of the books, ika nga.”
“And also, that one time na nasa Subic tayo. Hayop ka, sinunog mo ‘yong barbecue.” Natatawang biro ni Jachin kay Rigo.
“Aba, ‘di ko naman alam na ‘di na pala edible kapag gano’n!”
Lumapit si Jachin nang kaunti kay Evie at umiling. “Wala tuloy kaming nakain at nauwi sa meat loaf. Buti may dala si Abe.”
“But it’s so easy to grill though. . .” Natawa ang lahat kay Evie, maging si Rigo.
Napakamot ng ulo si Rigo. “Oo nga, eh. Pasensya ka na, ha. Eto lang ako.”
“Lakas mong asarin si Fats, ikaw rin pala ‘di sanay sa kusina.”
“Hoy! Marunong na ako ngayon. Nag-improve na ‘ko.”
“Sinasabi mo bang ‘di pa ako nag-i-improve?” Nalipat ang tingin ng lahat nang magsalita si Fatima sa tabi ni Rigo. Tahimik ito, pero pagdating kay Rigo, parang may automatic switch ito at laging pinapatulan ang kaibigan sa mga pang-aasar nito.
“Sa ‘yo nanggaling ‘yan, ha. Ito talaga, pikunin.”
Jachin bumped his elbow on Evie’s. “‘Di ka ba talaga nabo-bored? Ganito talaga kami, eh. Chillnuman lang. Nothing extreme.”
Napansin ni Evie na habit nitong guluhin ang buhok kapag nalilibang na sa kausap o sa pag-inom. She can imagine that he also does this while doing his homework or reviewing.
Umiling si Evie at ngumiti. “I’m good. Kulit mo, ha. Kanina mo pa ‘ko tinatanong niyan.”
Nagkibit-balikat ito at inabot ang beer sa lamesa. Hindi ito tumagay nang mas matapang na alak na nasa lamesa dahil gusto agad nito mawala ang tama bago sila umuwi.
“Sorry pala, hinuli kita kahapon. Tinignan ko lang kung mapipikon ka sa ‘kin, eh.”
Tila parang pusa na namang kumunot ang noo ni Evie na naging dahilan ng malakas na pagtawa ni Jachin. Buti na lang ay busy din ang iba sa pag-uusap kung kaya’t hindi siya gaanong pinansin. “Ayan naman si meow meow.”
“You’ll see. Gaganti ako.”
Jachin smirked and placed his hand at the back of Evie’s seat. “And how will you do that?”
Umirap ito sa kanya, her lips already protruding. “Secret! Basta. Makakaganti rin ako balang araw. I will remember that day!”
Hindi humarap sa kanya si Evie kaya naman naisip niyang tigilan na ang pang-aasar dito. As much as he likes seeing her frown, he likes it more kung kakausapin siya nito.
“May plans ka ba this first week of November?”
Evie gave him a side eye. “Hmmm. Why? Saan mo na naman ako aayain?”
“Ayaw mo ba? Sige ‘wag na. Nagtatampo na ‘ko.”
“I didn’t say that! Ang bilis bilis magtampo.”
“May yearly Halloween party kasi kaibigan namin. Baka lang gusto mong sumama. Of course, we’ll be there. But it’s gonna be pretty loud and chaotic. Those people are party animals.”
“Oh, Kaye’s Halloween party?”
“You know about that? Nakapunta ka na?” Gulat na tanong ni Jachin. Alam naman niyang hindi bago si Evie sa uni nila, pero dahil ngayon lang sila nagkakilala, Jachin assumed they run in different circles.
“Oh, no. I’ve never been invited. Naririnig ko lang.”
Kumunot ang noo ni Jachin. “Really? I thought lahat iniimbita ni Kaye. That’s weird. Usually, lahat halos nasa party niya.”
Mahinang tumawa si Evie at tumungo. “Well, ‘di siguro ako. Because she thinks I’m. . .”
“You’re?” Jachin pressed, not because he wanted to force it out of Evie, but because he felt that it had more to it than just that.
Nagpakawala ito ng buntong-hininga. “Because she thinks I’m too innocent for it. I mean, ‘yon naman first impression sa ‘kin ng karamihan. ‘She’s too innocent’, ‘she’s a virgin for sure’, ‘hindi siya makabasag pinggan.’ I’ve heard it all, you know? When they look at me, that’s all they think about.”
Nagulat si Jachin sa narinig at agad na nagsisi sa sinabi niya kanina. He too also assumed things. “Oh—I’m sorry about what I said. I didn’t mean to assume that it's not your scene.”
“Like I said, I’ve heard it all. Yours is no different. Pero ayon, it might be because of that kaya hindi ako iniimbita.”
Nang hindi sumagot si Jachin ay lumingon si Evie sa kanya, only to find him already staring at her. Mukhang nag-iisip ito ng susunod na sasabihin sa kanya, and the last thing Evie wants is another apology.
“What?”
Jachin licked his lips, and once again, leaned closer to Evie. Kahit naman ilang dipa pa rin ang layo nila sa isa’t isa ay kitang kita ni Evie ang mga mata nitong nangungusap. “That’s not my first impression of you.”
It made Jachin smile when he saw Evie’s round eyes become even rounder in surprise. He might’ve said something earlier that deep down managed to hurt her, but he was determined to never do it again.
“Uh. . . then what is your first impression of me?”
“You have pretty eyes,” marahan na sambit ni Jachin at halos mapapikit na si Evie sa sobrang pagbilis ng tibok ng puso niya, because it was the last thing that she expected him to say. “Angel eyes.”
* * *
#ATSWHIwp
BINABASA MO ANG
as the stars would have it
RomanceAFTER HEARTACHES SERIES #1 Evie Santandes was always the odd girl, and she was fine with it. Between caring for her three cats, all with different personalities, volunteering at a local veterinary clinic, and studying, she doesn't have much time on...
