117

832 48 43
                                    

[MESSENGER]

WALKIE TALKIE 📞 (keep out!)

08:33

Rigo
HARD LAUNCH 💥

Rigo
wala talaga sa bokabularyo mo lowkey no? @Jachin

Jachin
Ganon talaga. Di naman ako katulad mo.
Fatima reacted 😆

Rigo
unprovoked ah di kita inaano dyan

Fatima 👿
Congratulations, kin. Hindi ka na iiyak pag namimiss mo siya. I can finally be free from babysitting 1/2 boys.

Abe
Congrats on the promotion

Rigo
bat parang masama loob mo abe??

Jachin
Oo nga

Abe
Stop putting words in my mouth.

Jachin
JOKE LANG

Jachin
Alam ko naman yun kahit di mo sabihin. Pero sorry, ako gusto eh. Wala tayong magagawa.

Abe
Kayabangan

Rigo
kayabangan (2)

Fatima 👿
Kayabangan (3)

Jachin
Pasensya na. Hayaan niyo naman ako magyabang kasi kagabi pa ako hindi makatulog kakaisip sa kanya.

Fatima 👿
Kailangan na ng debrief. Should we go out later tonight?

Rigo
game ako dyan

Rigo
6 pm tapos ng last class namin ni kin, kayo ba?

Fatima 👿
6 din

Abe
8 pm. I'll just follow. Una na kayo.

Rigo
e di ka ba pagod niyan?

Abe
No, ayos lang.

Jachin
Gusto niyo lang ako intrigahin e sana pinadali niyo na at sinabi na totoo

Rigo
syempre, tsaka mukhang kailangan mo rin

Rigo
baka mangisay ka na sa kilig dyan
Jachin reacted 😆

Jachin
Ihh

Rigo
puta 😭😭😭😭😭

Jachin
Baka wala na akong maintindihan sa klase mamaya

Jachin
Kailangan ko na lambing ng bebe ko. On second thought, wag na lang pala tayo lumabas. Mag bebe time na lang ako.

Rigo
kadire

Fatima 👿
You're one to talk

Rigo
oh bakit

Rigo
walang balikan ng nakaraan dito ah

Fatima 👿
Okay, fair. I'll shut up.

Rigo
tama yan

Jachin
Sana sa pm na lang kayo no?

Jachin
Ay di na pala ako maiinggit. Meron na rin ako hahahaha

* * *

[MESSENGER]

miss angel eyes

08:49

Jachin
Bub, you up? Papasok na ako in a few mins.

Jachin
Gising na, bub. Baka ma-late ka na.

09:06

Evie
IM UP

Evie
I slept through my first alarm clock 😞

Jachin
Okay lang yan, napuyat din tayo. Late na tayo nakauwi kagabi.

09:22

Jachin
Bub? Hahaha nakatulog ulit

Evie
SORRYYYYYY

Evie
I'm so sleepy zzzz

Jachin
Miss kita

Evie
Huh? We just saw each other last night 👀

Jachin
Ano naman? Miss pa rin kita.

Evie
Okayyy

Jachin
Okay? Walang i miss you too? :(

Evie
NO I DO

Evie
😘

Jachin
Pang mamaya pa yan, bub. Words muna ngayon kaso magkalayo tayo.

Jachin
By the way, may lakad pala kami nina Rigo mamaya. Gusto nilang mag debrief sa mga bagay bagay.

Evie
About us?

Jachin
Hahaha oo

Jachin
Alam mo na. May mga gustong malaman. Okay lang ba yun?

Evie
Oh yes of course! Actually. . . Mimi wants me to stay the night sa kanila. Girl stuff. 😆

Jachin
Okay. Text me pag tapos ng class mo? Para lang alam ko kung on the way ka na doon.

Evie
Yes, she will pick me up sa uni. 😘

Evie
But sabay tayo mag lunch?

Jachin
Yeah, maniningil pa ako ng utang na maraming kiss.
Evie reacted 😭

Evie
Did I just create a kiss monster? 😰

Jachin
Tama, bub

Evie
AGSDHHSJDHS 🫠

Evie
I will bring packed lunch though :( I don't like the canteen food. Gusto mo double ko na? For you?

Jachin
Bakit? Nasakit tiyan mo?

Evie
Sometimes 😓

Evie
Especially when I drink their water. Tummy ache issues. :(

Jachin
Dala mo water jug mo?

Evie
Yes! So I need to avoid the food and drink there.

Jachin
Wawa bub ko. Sige, sabay na tayong kumain ng luto mo.

Evie
Ok! See you! Get your kisses here 🙋🏻‍♀️

Jachin
Otw bub 🏃🏻‍♂️‍➡️🏃🏻‍♂️‍➡️🏃🏻‍♂️‍➡️🏃🏻‍♂️‍➡️🏂🏻🏂🏻🏂🏻🏂🏻🚣🏻‍♂️🚣🏻‍♂️🚣🏻‍♂️🚣🏻‍♂️🏊🏼‍♂️🏊🏼‍♂️🏊🏼‍♂️🏊🏼‍♂️🚴🏻‍♂️🚴🏻‍♂️🚴🏻‍♂️🚴🏻‍♂️

* * *

#ATSWHIwp

as the stars would have itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon