05

1K 73 78
                                    

[TWITTER]

07:17

evie, mother of cats 🐈 (@eviesantandes)

First day on the job! (๑˘︶˘๑)

* * *

[MESSENGER]

daycare ni mama at papa

07:19

Jenyl
Kuya @Jachin, nakabihis ka na?

Mama J
umalis na kuya mo

Jenyl
HA?!

Jenyl
SABI KO SIYA BIBILI GAMOT NI SUGAR

Mama J
may pupuntahan daw

Jenyl
Let me guess? Si Ate Mila? 🙄

Replying to Jenyl: Let me guess? Si Ate Mila? 🙄
Jachin
Correct! May star ka sakin mamaya 🥇

Jenyl
Epal

Jenyl
DAANAN MO NA LANG MAMAYA

Jachin
Oo na, sige na.

Jachin
Ako na naman mag aabono niyan

Jenyl
Thank you kuya love you 😁🙏🏻

Jachin
Parang kanina sinisigawan mo na
ako sa capslock ah

Jachin
Mama, wag mo nga bigyan ng pamasko sa December
Jenyl reacted 😡, Jedidiah reacted 😆

* * *

[DIALOGUE]

< VET. LATE AFTERNOON. >

Late nang nakapunta si Jachin dahil sa sobrang busy sa school. Ang daming ipapasa na plates tuwing finals. Ewan ba niya kung anong trip ng mga professor.

Madalas na silang pumupunta sa vet dahil may pagkasakitin ang aso nilang si Sugar. He's a half-pomeranian and shih tzu.

Jachin
Pick up ko lang po 'yong gamot. Tinawag na raw nung kapatid ko kahapon. Jenyl Deogracias po ang name.

Tinignan muna nung staff ang listahan bago nagpaalam na kukuhanin lang ang gamot.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig siya ng sigaw mula sa back door. Mukhang may pinapagalitan 'yong staff.

Staff
Unang araw pa lang! Linisin mo 'yang kalat.

Bahagyang sumilip si Jachin at nakitang may babaeng nakaluhod na halos sa sahig at may pinupulot.

Nang umalis ang staff para kuhanin ang gamot ay simpleng pumasok si Jachin sa back door. Hindi niya alam kung ilegal pero bahala na.

Jachin
Tulungan na kita.

Nag-angat ng tingin ang dalaga para sana tumanggi dahil kaya naman niyang gawin 'yon pero pareho silang nagulat.

Jachin
Oh? Evie!

Evie
Oh!

Jachin
Ikaw 'yong kaibigan ni Mila.

Ngumiti ito at dahan dahang tumayo.

Evie
Yes, may bibilhin ka? I can assist you.

Jachin
Ah. . . uh, may staff nang kumuha. Gamot lang para sa aso namin.

Hindi alam ni Jachin kung bakit naiilang siya sa titig nito. Her big brown eyes were like that of a boba. There's literally nothing intimidating about her—and yet here he was.

Evie
Oh, anong breed?

Jachin
Half, half. Half pom, half patay gutom sa chicken.

Evie laughed.

Evie
In short, namumulubi kayo sa food?

Jachin
Oo, grabe. Pero mga kapatid ko mostly ang nag-aalaga.

Evie
Oh, why? Hindi ka mahilig?

Jachin
Hinabol kasi ako dati ng aso.

Evie
No! Did you. . . survive?

Jachin
Obviously, nandito ako. Pero muntik na akong makagat. After no'n, medyo umiiwas na ako sa kanila. Pinapabilisan ko sa tric kapag gabi na ako umuuwi at 'di ko gamit sasakyan. Dami kasing aso sa may amin.

Inilahad ni Evie ang mga braso nito na puro galos.

Evie
Ako naman, laging may mga ganito. They're claw marks, by the way.

Jachin
Why. . . ?

Evie
My cats! Lambing lang nila 'to sa 'kin, though.

Jachin
Ayoko nang tanungin kung anong ginagawa nila pag galit kung 'yan ang lambing nila sa 'yo.

Evie laughed again—hearty and carefree.

Evie
Mababait naman sila! Never bit any stranger. I have three of them, all different breeds since I adopt them.

Jachin
So. . . kaya ka nagta-trabaho dito?

Gustong itanong ni Jachin kung ayos lang ba ito matapos masigawan, but he figured she was already probably embarrassed as it is.

Evie
Well, part of the reason. And no, I don't work for them here. I volunteer.

Jachin
To gain experience?

Evie
Yes! It's also good for my course.

Jachin
Let me guess? Vetmed?

Evie
Dahil diyan may free dog treats akong ilalagay sa bag mo. Shh lang, though.

And Evie did actually put dog treats in his paper bag when he was done paying for the medicine, and Jachin realized one thing when he exited the vet clinic.

Evie's eyes sparkles when she laughs.

* * *

#ATSWHIwp

as the stars would have itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon