34

1.7K 66 7
                                        

[MESSAGES]

Jachin 🤍

08:09

Jachin
Nakauwi na ako by. Lakas amats ni Rigo kung saan saan pa kami dinala ni Evie at kaibigan niya para mag hapunan. Kaya parang nag food crawl muna kami bago umuwi.

Jachin
Nagtampo nga slight si Mama J kasi nagluto pala siya ng paborito ko

Jachin
Kumusta ka? Si Tita?

08:22

Jachin
Mila?

Jachin
Tulog ka ba?

08:36

Jachin
Kung hindi maganda naging resulta ng check up ni Tita o may nangyari, maiintindihan ko, Mila, kung gusto mo muna maging mag-isa.

Jachin
Pero di na ako aalis tulad ng dati. Di na ako papayag na paaalisin mo ulit ako, kami.

Jachin
Dahil magagalit na talaga ko sayo, Mila. Naiintindihan mo ba?
seen

* * *

[NOTIFICATIONS]

[NOTIFICATIONS]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

* * *

[MESSAGES]

Jachin 🤍

08:59

Mila
I'm here outside.

Jachin
Sa labas? Saan?

Jachin
Sa bahay namin?

Mila
Yes

Mila
I'm sorry

Jachin
Diyan ka lang ah saglit magbibihis lang ako

Jachin
Wag kang gagalaw

Jachin
Nagpapanic ako sayo

* * *

[DIALOGUE]

< JACHIN'S HOUSE. EVENING. >

Agad na sinuot ni Jachin ang shirt niyang hinubad na kanina pagdating. Natataranta siya at nag-aalala, pero mas nangingibabaw ang kagustuhang makita si Mila.

Hindi niya pinansin nang tawagin siya ni Mama J at dire-diretsong lumabas sa bahay nila na wala pang tsinelas.

Hindi pa man naisasarado ni Jachin ang gate nila ay sinalubong na siya ng yakap ni Mila. Mahigpit at walang puwang para sa espasyo.

Sandaling hindi nakagalaw si Jachin dala ng gulat at pag-alala. Pero nang mahimasmasan siya ay ibinalik niya ang yakap nito.

Jachin
Mila? Are you okay?

Sa pagsambit niya ay naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito at paghikbi.

Jachin
Pumasok muna tayo. Mahamog na, Mila. You'll get sick.

Hindi ito bumitaw at patuloy ang pag iyak sa dibdib niya.

At alam na ni Jachin na hindi maganda kung ano man ang naging resulta ng check up ng Mama nito.

Mila
I'm—I can't do this again. I can't.

Mila
Si Mommy. . .

Naramdaman niya sa bawat paghikbi nito at pagtulo ng luha ang bigat ng dinadala ng taong mahal niya.

Mila
I don't know if I can take it aga—in.

Gaya ng dati, walang magawa si Jachin kung hindi yakapin ito nang mahigpit at umasa na sapat na 'yon para maiparamdam kay Mila na may kasangga at kasama siya.

* * *

#ATSWHIwp

as the stars would have itMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon