WAITING
ALEJANDRA'S POV.
"Ken, sorry, I need to go home," I said, panicking ng biglang nawala ang kausap ko sa kabilang linya.
"Why? May nangyari ba?" Naguguluhan niyang tanong.
"I don't know yet. Pinapauwi lang ako ni Ryl eh, and he sounds so angry. Baka nag-visit sa condo si Daddy," sabi ko habang nagliligpit ng aking mga gamit.
"Okay, let's go," he said at kinuha ang sling bag ko para siya na ang magdala. Tinignan ko muna ang inupuan namin kung may naiwan ba na mga gamit bago sumunod kay Ken palabas.
"Ken, you can stay here naman," pagsunod ko sa kanya.
"Ihahatid na kita. Just wait for me in the exit. Okay?" he said.
"You don't need naman na Ke—" I didn't finish my words since naglakad na siya papunta sa parking lot.
Naglakad na lang ako palabas ng mall at nang nasa labas na ako ay biglang tumunog ang phone ko na nasa sling bag ko dahil binigay ito ni Ken sa akin kanina bago siya umalis para kunin ang kanyang sasakyan.
"Hello?" I answered the call.
"Where are you?" Ryl's voice echoed.
"Nasa exit ng SM Mindpro, Ryl. Pauwi na po, bakit?" Mahinahon kong sabi.
"Hintayin mo ako, susunduin kita."
"Okay, take care," I said at naghihintay pa ng sasabihin ng nasa kabilang linya, pero binaba na pala ni Dwiryl ang tawag.
Naghahanap ako ng mauupuan para hintayin si Ryl ngunit may humintong sasakyan sa aking harapan at doon ko lang naisip na kasama ko pala si Ken dito sa mall. 'Makalimutin na ako.'
"Sumakay ka na, ihahatid na kita," Ken said habang binubuksan ang pintuan ng passenger seat ng kanyang sasakyan.
"Thank you, Ken. Kukunin kasi ako ni Dwiryl, baka ano pa isipin niya pag nakita tayong magkasama. You can go home na, Ken, or you can stay inside. Sayang naman yung ticket natin dalawa. Thank you so much sa time ha? Naabala pa kita, pasensiya na."
"No, I'm okay here. Hintayin ko na lang dumating si Dwiryl," saad niya at sinarado ang pintuan ng kanyang sasakyan at tumabi sa akin sa pagtayo.
"Huwag na, Ken, haha." I awkwardly laugh. I don't want Dwiryl to think bad about my relationship with Ken kasi kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya at alam kong ganon din siya, matalik na kaibigan lang din ang tingin sa akin.
"Pero—"
"Please? Huwag ka mag-alala. Tatawagan kita pag nakauwi na ako, okay?" I assured him.
"Sige, basta tawagan mo ako pag wala pa siya ha." He said at nginitian ako na sinuklian ko naman ng masayang ngiti.
Umikot na siya papuntang driver seat at nang siya'y makapasok ay bumisina muna siya bago ito pinaandar paalis.
This is the first time na susunduin ako ni Dwiryl, baka may problema talaga kasi ang alam ko magkasama sila nang kaibigan niya sa condo at sa ilang ulit na nangyari 'to, hindi naman niya ako pinapauwi. Ngayon lang talaga kaya nakapagtataka.
To Ryl,
Ale: Saan ka na? Kanina pa ako dito.
I chatted him since almost thirty minutes na akong naghihintay dito at wala pa talaga akong mahanap na upuan.
From Ryl,
Ryl: Going, Maghintay ka nga, ikaw na nga itong sinusundo dami mo pang dada.
He replied naman kaagad, galit nga lang. Ang lapit lang ng condominium namin sa SM pero ang tagal niya.
YOU ARE READING
Marriage in Paper (Completed)
Mystery / ThrillerAlejandra and Dwiryl reluctantly agree to an arranged marriage. While Alejandra hopes to find love and fill the emotional gap left by her distant father, Dwiryl sees this marriage as a chance for revenge due to the loss of his mother. As they naviga...