AN ENDING
KEN'S POV.
Nasa may parking lot kami nang bar, papauwi na dahil tulog na din si Danica sa sobrang kalasingan. Si Shine medyo okay pa dahil nakatulong pa ito sa pagdala nang mga sling bag ni Danica palabas ng bar.
Ako na sana ang maghahatid kay Danica kaso napahinto ako nang may makitang ambulance at nakasunod dito ang mga sasakyan at motor ng mga pulis. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman bigla nalang akong kinabahan na nanghina.
"Justine? pwede idaan niyo na din ito si Danica sa mga condo niya?" Pakiusap ko kay Justine.
"Bakit? may pupuntahan ka pa?" Tanong ni Shine na nakahilig na sa jowa niya dahil siguro sa hilo.
"Oo, sundan ko lang 'yong mga dumaan na pulis. Masama kutob ko eh." Sabi ko at walang sabi sabi na sinakay si Danica sa sasakyan ni Justine. "Kayo na bahala ah?" Sabi ko at pumasok na sa aking sasakyan para makaalis.
Nakita kong naka parking ang mga sasakyan ng pulis sa harap ng isang building kung saan ang condo
nina Ale.Lumapit ako at tinignan ang kaguluhan sa harap, may nakalagay na yellow tape na may markang crime scene do not cross.
Sa pagsilip ko ay nakita ko ang apat na lalaki na nakasuot ng gloves sa kamay na lumabas sa building na may tinutulak na hospital bed na sa tingin ko ay tao ang sakay na tainabunan ng kulay asol na tila.
Hindi ko ito pinansin at aalis na sana nang maagaw ang aking pansin sa sumunod na lumabas sa building, mga pulis ito at may hawak na lalaking puno nang dugo ang damit, mukha at kamay na may posas.
"Anong nangyayari?" Naguguluhan kong tanong sa pulis na malapit sa akin.
"Pinatay ng lalaki na 'yan ang kanyang asawa. Pinaghahampas daw sa pader ng maabutan ng security guard, ang security guard na rin ang nakapagtawag ng pulis at ambulance.—"
—
"—Hindi pa tukoy kung patay na ba ang babae pero hindi na nga daw ito mamukhaan sa sobrang kalunoslunos na ginawa nang lalaki na 'yan."
Napatingin si Ken sa papaalis na Ambulance at sa lalaki na natatawa pa habang hawak ng mga pulis.
Napalitan ng galit ang kaninang kuryuso na mukha ni Ken. Matalim ang tingin nitong tinitignan ang lalaking hawak ng dalawang pulis at ng siya'y mapatingin sa pulis na kausap ay naagaw ang pansin ni Ken sa baril na nasa bewang ng pulis.
Nandilim ang paningin ng lalaki na ang tanging nasa paningin niya ay ang baril, walang boses na naririnig kundi ang boses ng kawalan na nagsasabing kunin ang baril.
Sa walang pag alinlangan, kinuha ni Ken ang baril at ang sumunod na pangyayari ay siyang nagpataranta sa lahat na nandoon. Apat na putok ng baril ang pumuno sa labas ng building at isang lalaki ang humandusay sa kalsada.
—
THE END
YOU ARE READING
Marriage in Paper (Completed)
Mistero / ThrillerAlejandra and Dwiryl reluctantly agree to an arranged marriage. While Alejandra hopes to find love and fill the emotional gap left by her distant father, Dwiryl sees this marriage as a chance for revenge due to the loss of his mother. As they naviga...