A LITTLE FREEDOM
ALEJANDRA'S POV
Nagising ako sa sikat ng araw na sumisilip sa malaking bintana ng kwarto.
Napabangon ako nang mapagtanto na nasa kama na ako at nakasuot na ng malaking t-shirt. Sa pagkakaalala ko, hindi ako nagbihis kagabi dahil sa kahihiyan na nararamdaman. Basta yakap ko lang 'yong sarili ko habang nakasandal ang likod sa kama, at 'yon na din ang posisyon ko hanggang sa hilahin na ako ng antok. Siguro dahil sa pagod ko sa pag-iyak, kaya ako nakatulog agad.
Si Dwiryl ba nagbihis sa akin? Maybe? Kasi kami lang naman ang andito, or may pinapunta siya dito para magbihis sa akin? Siguro yung pangalawa kasi halos mandiri nga ang kanyang mukha kagabi 'nong tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na walang saplot bago siya lumabas ng kwarto namin.
Napasabunot ako sa aking buhok ng maalala na naman ang nangyari kagabi. Let's forget that, baka ayaw niya talaga sa akin dahil bukod sa virgin ako, wala din akong alam paano sumabay sa mga halik niya na pati ang pag galaw ng dila ay tinatanong ko pa kung paano. Nakakahiya. Maybe he wants someone who already has experience and is already an expert in sex. Should I find someone na makapagturo sa akin about sex at kung paano ito gagawin? I don't know, nababaliw na ako.
Binaba ko ang aking paa sa kama at napatingin sa side table kung saan nakita ko ang aking cellphone at may katabi na sulat doon.
"Umuwi ka sa condo mamaya. I will be busy today, late ako makakauwi."
"Magiging busy siguro doon sa babae niya." Bigla nalang lumabas sa bibig ko pagkatapos ko mabasa ang sulat niya. "Hey, that's bad. Siguro busy talaga siya." Nababaliw na talaga ako kasi kinakausap at sinasaway ko na ang sarili ko.
Siguro maghahanap na din ako nang trabaho para maka-relate ako sa mga late na pag-uwi ni Dwiryl, maybe busy talaga pag may work at nakakapagod din. Hindi ko pa naranasan dahil hindi naman ako pinapayagan ni Daddy magtrabaho, ang gusto niya nasa bahay lang ako at halos hindi na nga palabasin. I'm already 25 years old pero wala parin akong sariling desisyon sa buhay. Maybe this time kailangan ko na din tumayo sa sarili kong mga paa at bumuo nang mga plano para sa sarili.
Ayaw ko nang ganito nalang palagi, palagi akong kawawa dahil walang laban. Sunod sunuran lang sa aking ama na wala namang pakialam sa akin, ang sa kanya lang ay mas lalong mapalaki ang kompanya niya. Yes kompanya niya, kasi hindi ko naman naramdaman na parte ako nang pamilya. Kahit isang beses hindi niya pinaramdam sa akin na anak niya ako.
Pagkatapos kong replyan lahat ng nangumusta sa akin ay tumayo na ako sa kama para makaligo, babalik na ako sa condo ngayon para makahanap ng susuotin para mamaya nag-aya kasi sina Shine na pupunta sa bar malapit lang sa condo namin.
Malaki itong bahay na regalo sa amin ni Tito Alejandro, Daddy of Dwiryl. May malaking kwarto na kompleto sa gamit at dalawang guestroom na wala pang kalaman-laman, may malaking tv sa sala, at kompleto din ang gamit sa kusina. Sayang nga't hindi tinitirahan, pero wala rin akong magagawa kasi medyo malayo ito sa syudad.
Pagkatapos ko maligo ay nag-book muna ako nang taxi para masakyan pauwi sa condo bago ako nagbihis. Yes, may mga damit din ako dito kaya nagtataka ako bakit damit ni Dwiryl 'yong pinasuot sa akin eh may mga damit naman ako dito.
Pagkauwi ko sa condo ay naghanap ako kaagad ng damit para masuot sa lakad naming magkaibigan.
To Ryl,
Ale: I'll go to the bar with my friends.From Ryl,
Ryl: No! You can't go out Ale.Hindi ko na pinansin ang huling message ni Ryl, I want to be independent, gusto ko ako ang mag desisyon para sa buhay ko. Matanda na ako, It's time to grow and move according to my age. Pagod na ako maging sunod sunuran, palaging kawawa at walang silbi. Siguro naman pag andito si Mommy tuturuan niya ako tumayo sa sarili kong mga paa para matuto akong lumaban mag-isa, siguro naman pag gagawin ko ang mga gusto ko ngayon masaya si Mommy na tumitingin sa akin.
It's already 6pm at ang usapan namin nina Danica ay 7pm kaya may time pa ako para humanap ng mas babagay sa akin na damit. I send them my picture for my final outfit for tonight and they all agreed naman.
I'm excited! Excited ako na maranasan ang kalayaan. I wanted to be free so bad na akala ko ibang tao ang magbibigay sa akin 'non, sarili ko lang pala.
Paglabas ko nang building kong saan ang condo unit namin ni Dwiryl ay nakita ko ang mga kaibigan ko sa labas, nagtatawanan.
"Hey!" Kuha ko sa atensyon nila.
"Holy satanas! Ang ganda mo, sayang wala si Ken." Sigaw ni Shine na nagkuha nang atensyon ng mga tao na dumadaan.
"Ikaw rin, you look good." I said at nakipag beso-beso sa kanila.
"Pag nakita to ni Ken panigurado mababaliw 'yon." Danica said habang tumatawa.
"Bakit naman? Kayo talaga, palagi niyo binibiro si Ken baka ma awkward na 'yon sa atin." Sabi ko na lang.
"Gusto niya nga ganito eh, palaging kayong shiniship." Shine said habang nakahawak sa braso ni Justine.
"Ang tagal niyo na noh?" I asked Shine and Justine.
"Oh diba? Nakakaputangina pag kasama 'tong magjowa na'to palaging nakadikit sa isa't isa natalo pa 'yong magnet." Sabi ni Danica na tinawanan lang namin.
"Maghanap ka na nang boyfriend beh, para maka relate ka." Sabi ni Shine.
"Alis na nga tayo at baka maubusan tayo nang gwapo sa bar." Si Danica na unang pumasok sa sasakyan na nakaparada sa harap namin, sasakyan ata ito ni Justine kasi siya ang nakita kong umikot papuntang driver seat.
"Huwag ka talagang mahihiya ngayon Andra, isayaw mo lahat ng hinanakit mo sa buhay." Shine said.
Ito ang gusto ko sa kanila, hindi nila ako kinukulit na magsalita about my problem, hinihintay lang nila kung kailan ako comfortable na mag open up sa kanila.
"Papunta daw si Ken." Sabi ni Shine na nagpasaya sa amin. Yes complete kami tonight.
Pagkapasok namin sa loob ng bar ay iba't ibang ilaw kaagad ang sumalubong sa akin, madaming tao na sumasabay sa kanta na pinapatugtog ng banda sa intablado.
"Ako na mag order." Danica shouted dahil narin sa hindi masyado magkarinigan sa loob sa sobrang ingay ng music at mga sigawan at tawanan ng mga tao.
Pumwesto kami sa mahabang sofa na may medyo hindi kalakihang lamesa sa gitna. Nahihiya ako, parang pakiramdam ko ako lang ang tinitignan ng mga tao.
Dumating si Danica sa aming lamesa na may kasunod na waiter na bitbit ang kanyang order na mga nakakalasing na inumin.
"Uminom ka andra ah, walang nakakilala sayo dito." Sabi ni Shine na nginitian ko lang.
Una kong inom ng alak ay mapait at halos hindi ko malunok pero habang tumatagal ay nasasanay n ang lalamunan ko.
Shots after shots after shots hanggang sa hindi ko na namamalayan na nakatayo na pala ako at sumasabay na ang katawan sa tugtog na pumuno sa buong bar. Ito ba 'yong sabi nilang epekto nang alak? Parang hindi mo na kilala ang sarili mo?
Napahawak ako sa aming table nang sinubukan kong umalis sa aming pwesto upang makapunta sa gitna para sumayaw kasama sina Danica at Shine. Hindi na tuwid ang aking paningin pero hindi ko 'yon ininda at pinikit na lamang ang mga mata habang iniikot ang bewang. This is what I want, to be free.
Napahinto ako sa paggalaw ng may maramdaman akong kamay na humawak sa aking bewang. Nasa likod ko siya, haharapin ko sana kaso mas hinigpitan niya ang hawak sa akin at sumabay ang galaw sa tugtog kaya napagalaw na din ako.
"Lasing kana." Bulong niya sa akin na nagpatibok ng aking puso.
—
To be continued...
YOU ARE READING
Marriage in Paper (Completed)
Mystery / ThrillerAlejandra and Dwiryl reluctantly agree to an arranged marriage. While Alejandra hopes to find love and fill the emotional gap left by her distant father, Dwiryl sees this marriage as a chance for revenge due to the loss of his mother. As they naviga...