DISASTER
KEN'S POV.
Kakauwi ko lang galing sa business trip, at 6:30 PM na nang umalis ako sa NAIA. Umuwi muna ako sa condo.
Masyadong busy kahapon at kaninang umaga, kaya nakalimutan kong i-charge ang aking power bank, at hindi ko pa napansin na paubos na pala ang battery ng aking phone.
Nag-charge ako ng phone nang makarating sa condo, binuksan ko ito, at halos mapatalon ang puso ko sa sobrang saya dahil sa nakita kong messages na galing kay Ale. She's back!
—
ALEJANDRA'S POV."R-ryl?" Bulong ko sa sarili nang paharapin ako nang lalaki na humawak ng bewang ko.
"It's Ken, Ale." He whispered na nagbigay kiliti sa akin.
"Omg? Ken!" Sabi ko at yinakap siya nang mahigpit. I missed him so much!
"I miss you." Sabi niya at sinuklian ang yakap ko. Medyo masakit ang ulo ko dahil na rin sa ininom ko kanina at ang iba't ibang ilaw na tumatama sa paningin ko. Nakakahilo.
Bibitaw na sana ako galing sa pagkakayakap kay
Ken para maharap siya nang maayos ng may biglang humila sa akin.Warning: Violence! Read at your own risk.
Isang galit na lalaki ang pumasok sa bar at pinalibot nito ang tingin sa loob ng bar na parang may hinahanap. Nang makita niya na ang hinahanap na may kayakap na lalaki ay mas lalong nag init ang kanyang ulo. Mabilis niyang nilapitan ang mag kayakap na babae at lalaki at ng makomperma na ang asawa niya nga ang kayakap ng isang lalaki ay mabilis niya itong hinila.
"Anong ginagawa mo!" Sigaw ni Dwiryl sa kayakap ng kanyang asawa.
"Dwiryl?" Nauutal na sabi nang babae nang maharap ang humila sa kanya.
"Uuwi na tayo!" Sabi nito at hinila ang babae. Nakatingin na ang mga tao na malapit sa kanila.
"Saan mo siya dadalhin?" Tanong ni Ken at hinawakan ang kabilang palapulsuhan ng babae.
"Iuuwi ko, bakit aangal ka?" Sabi ni Dwiryl at lalapitan sana si Ken para masuntok ito pero pumagitna si Ale sa dalawa kaya ito napatigil.
—
ALEJANDRA'S POV."Tama na Dwiryl." Sabi ko habang nasa gitna ni Ryl at Ken.
"Ipagtatanggol mo pa itong lalaki mo?" Ryl said at mas humigpit ang hawak sa akin.
"Ken, uwi muna ako. Ikaw na magsabi kina Shine ah." Sabi ko at tuluyan ng hinila si Ryl paalis doon.
Nang makalabas kami ay doon ko palang siya binitawan. "Ano ba Ryl!" Sigaw ko. "Nakakahiya!"
"Nakakahiya? Sinong nakakahiya? Ako?" Sabi niya at lalapit sana sa akin pero tinalikuran ko siya.
Akala ko sumunod siya sa akin pero nakita ko siyang naglakad papunta sa kanyang sasakyan. 'Ano 'to? pinuntahan niya ako dito para iwan, tangina talaga!' Inis kong bulong. Epekto siguro nang alak kaya ako ganito.
Maglalakad na sana ako pabalik sa loob ng huminto ang sasakyan ni Ryl sa aking gilid.
"Sumakay ka." Galit niyang sigaw.
—
"Ayaw ko, umuwi kang mag isa mo!" Sigaw ni Ale sa lalaki na nasa loob ng sasakyan bago ito nagpatuloy sa paglalakad papasok ng bar.
Bumaba ang lalaki galing sa driver seat at patakbong sinundan si Ale at ng maabutan niya ito ay kanya itong kinarga papasok sa loob ng kotse.
"Ano ba Ryl! Bitawan mo ako!" Sigaw ng babae habang pinaghahampas ang lalaki.
"Huwag kang malikot baka masampal kita, naiinis na ako sayo ah. Kanina ka pa." Sabi nang lalaki bago sinarado ang pintuan at umikot papuntang driver seat at pinaandar ang kotse paalis sa labas ng bar.
Tahimik na umiiyak si Ale habang nakahawak sa kanyang ulo habang nakaupo ito sa likuran banda nang sasakyan.
"Sobrang gago mo! Bakit pa ako pumayag na maikasal sayo!" Sigaw ni Ale nang hilahin na naman siya ni Dwiryl papasok sa elevator.
"Bakit? Sino ang gusto mo pakasalan? 'Yung lalaki kanina?" Galit na sabi nito at hinawakan ang panga nang babae at siniil ng halik.
"R-ryl!" Nahihirapang sabi nang babae at tinulak ng malakas si Dwiryl dahilan ng pag atras nito at pagbitaw sa paghawak sa panga nang babae.
"Ano? Ayaw mo na? Parang hindi ka nagmakaawa kagabi na magpatuloy ako ah!" Natatawang sabi nang lalaki.
"Ayaw ko na sayo! Walang hiya ka!" Naiiyak na sabi nang babae.
"Anong ayaw?" Dahan dahan na lumapit si Dwiryl kay Ale at hinila ang buhok ng babae.
Walang tao sa elevator kundi si Ale lang at Dwiryl.
"Ayaw mo na?" Pasigaw na tanong nito. Hindi makasagot ang babae dahil sa sakit na nararamdaman. Hinila ni Dwiryl palabas ng elevator si Ale habang hawak ang buhok nito.
"R-ryl ma-masakit!" Mahinang sabi ni Ale habang hinahawakan ang kamay ni Dwiryl na mahigpit na nakahawak sa buhok ng babae.
"Masasaktan ka talaga sa akin dahil malandi ka!" Sigaw ni Dwiryl at hinarap ang babae bago binitawan at sinampal.
"Sana m-mamatay kan—" Ale shouted habang matalim na tinignan ang lalaki na ngayon niya lang mas lalong na klaro ang mukha. Mapula na mata at magulo ang buhok.
"Mamatay sino? ako?" Nakakatakot na tawa ni Dwiryl ang pumuno sa pasilyo.
Nasa hallway sila papunta sa kanilang condo unit, walang ibang tao doon dahil condo lang nila ang naroon dahil ito ang regalo nang Tito ni Dwiryl sa mag asawa nang ito'y makasal.
Tumakbo si Ale papuntang elevator pero hindi pa tuluyang nakarating sa gustong puntahan ang babae ay nahawakan na ni Dwiryl ang buhok nito, He hold her hair tighly before he slammed her head in the wall na siyang dahilan ng pag higa nang babae sa hallway na may dugo na sa kanyang ulo.
"Sa tingin mo mapapatay mo pa ako? kung uunahin kita?" Natatawang sabi nang lalaki.
"R-ryl maawa ka. Hindi na mauulit." Sabi nang babae sa nanginginig na boses. Gumagapang ang babae habang natatawa naman ang lalaki na tinitignan ang katawan ng babae na nahihirapan.
"Maawa? Bakit? Noong namatay ba ang Mommy ko may naawa ba sa inyo?" Sigaw ng lalaki.
"W-wala akong alam diyan Ry—" Halos hindi marinig na boses ng babae na sabi.
"Wala akong pakialam, kasalanan mo! kasalanan niyo!" Sabi nang lalaki at sunod sunod na sinipa sa tiyan ang babae na sumusuka na nang dugo.
Hinawakan ni Dwiryl ang buhok ng babae at patuloy na hinahampas sa puting pader ng hallway hanggang sa kumakalat na ang dugo nang babae sa kamay ng lalaki, sa damit nito at sa mga pader.
—
To be continued...
YOU ARE READING
Marriage in Paper (Completed)
Mystery / ThrillerAlejandra and Dwiryl reluctantly agree to an arranged marriage. While Alejandra hopes to find love and fill the emotional gap left by her distant father, Dwiryl sees this marriage as a chance for revenge due to the loss of his mother. As they naviga...