DWIRYL BAUTISTA LOPEZ POINT OF VIEW
"Saan ka pupunta?" Rinig kong sigaw ni Mommy. "Hindi ka aalis, Alejandro!"
"Kailangan ako 'nong tao, ano ba!" Pabalik sigaw ni daddy.
"Kailangan din kita!" Pinuno nang hikbi nang aking ina ang buong sala nang aming bahay.
Andito ako sa hagdanan nakaupo habang tinitignan si Mommy na umiiyak. Wala akong maintindihan pero alam kong nasasaktan ang aking ina.
"Ako ang asawa mo Alejandro! Puwede bang piliin mo naman ako. May anak na tayo.." Napahawak si Mommy sa kanyang dibdib.
"Hindi pa ba sapat ang pagpakasal ko sayo ha? Anak? Hindi ko nga sigurado kung ako ba talaga ang ama niyan." Sigaw ni Daddy at lumabas ng bahay.
Bakit pag may tumatawag kay Daddy palagi silang ganito, nag aaway?
—
THIRD PERSON POV.Dali daling kinuha nang babae ang susi nang kanyang sasakyan at sinundan si Alejandro.
"May asawa't anak kana pero 'yong babae parin na 'yon ang pipiliin mo!" Sigaw ng babae nang paglabas niya nang kanilang bahay ay siya din ang pag alis ng sasakyan ni Alejandro.
"Mommy?" Mahinang sabi nang batang lalaki at hinawakan ang kamay ng kanyang ina. "Saan po pupunta si Daddy?"
"Sa babae niya, may kabit ang Daddy mo!" Wala sa isip na sabi nang babae at hinarap ang anak. "Aalis ako ngayon, dito ka lang ah. Pag may mangyari na masama sa akin, sisihin mo ang pamilya nang kabit ng Daddy mo." Sabi nang babae at hinahaplos ang buhok ng batang lalaki.
"Hindi ko po kilala Mommy." Her son innocently said.
Naglabas ng larawan ang babae at pinakita ito sa kanyang anak. "Itong babae na ito." Sabay turo sa babaeng buntis. "Siya ang kabit ng Daddy mo." The girl said at binigay sa bata ang larawan. "Kahit anong mangyari sa araw na ito, isisi mo sa pamilyang 'yan Dwiryl. Kasalanan nila kung bakit nagkaganito ang pamilya natin." Tinanguan naman ito nang batang lalaki habang tinititigan ang larawan na nasa kanyang kamay.
"Aalis na ang Mommy, dito ka lang ah. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka nang Mommy."
—
Nagising ako sa isang panaginip, panaginip na palaging bumabalik sa akin.
My mom's died that night and Daddy said na nabangga daw ng eight wheeler ang sasakyan ni mommy at dead on the spot ang nangyari. At first hindi ko matanggap, kay daddy ko lahat sinisi pero noong lumalaki ako at nakilala ko ang pamilya nang kabit ni Daddy doon ko napagtanto na totoo ang sinabi ni Mommy, mang aagaw ang pamilya nila.
Everytime may business meeting si Daddy palagi niya ako sinasama at nakilala ko itong isang babae. A girl name Alejandra, close sila ni Daddy. Pag siya ang kausap ni Daddy ang saya saya ni Dad, palagi siyang nakangiti pag andiyan ang babae na mas lalong nagpausbong ng aking galit.
At the age of 19 nakilala ko si Angel, pinaka unang babae na umunawa sa akin. Minahal ako at tinulungan akong makaalis sa madilim na mundo. Mabait siya, maalaga din parang nasa kanya na lahat.
"Pakasalan mo si Alejandra." Puntong sabi ni Daddy isang araw pag uwi ko galing sa trabaho.
"What? Ayaw ko! may girlfriend ako Dad." Sabi ko.
"I need their company Chan, they are powerful than us. We need them, naiintindihan mo ba?" Sigaw niya.
"Paano si Angel Dad?"
"I don't care about that girl na sisira lang sa buhay mo Dwiryl! Susundin mo ang gusto ko."
Umalis ako nang bahay at pumunta sa condo ni Angel— my girlfriend.
YOU ARE READING
Marriage in Paper (Completed)
Mistero / ThrillerAlejandra and Dwiryl reluctantly agree to an arranged marriage. While Alejandra hopes to find love and fill the emotional gap left by her distant father, Dwiryl sees this marriage as a chance for revenge due to the loss of his mother. As they naviga...