I LIKE HIM
ALEJANDRA'S POV.
Napahinto ako sa paglalakad nang makita ang kapareha ng sasakyan ni Ryl na paparating. "Haynako! after how many years, nakarating rin." Huminto ito mismo sa harapan ko kaya napaatras ako.
Nagulat ako nang si Ken ang nakita ko pagbaba ng window ng sasakyan na nasa harap ko. "Bakit ka andito?" Gulat kong tanong. "Same pala kayo ng sasakyan ni Ryl? Kakabili mo lang niyan?"
"Kanina ka pa dito, hatid na kita." Malumanay niyang sabi, hindi pinansin ang aking sinabi tungkol sa kanyang sasakyan.
"Ha? eh?" I can't even form words to say sa sobrang gulat kasi hindi naman siya 'yong inaasahan kong dumating.
Lumabas siya sa kanyang sasakyan at binuksan ang pintuan ng passenger seat. "Pasok na." He smiled, na kinunutan ko lang ng noo.
"Bakit?" Naguguluhan kong tanong pero pumasok pa rin sa sasakyan niya dahil kanina pa ako nilalamok dito at baka matagalan pa masyado si Dwiryl. Nakakapagod na rin ang maghintay at maglakad-lakad para lang maiwasan ang mga lamok na dumapo sa akin. Pagkasarado niya ng pinto sa may side ko, nakita ko na siyang umikot papasok sa driver seat. He didn't say a word nang pinaandar niya ang kanyang sasakyan.
"Bakit ka pala bumalik?" Basag ko sa katahimikan.
"Mahal mo ba ang asawa mo?" Pag-iiba niya sa usapan. "Or Tito Rolly pressured you to marry him?" Dagdag niya.
"Bakit?" Naguguluhan kong tanong. Ang layo naman ng taning niya sa tanong ko.
"Ilang ulit mo na 'yan natanong sa akin." Natatawa niyang sabi.
"Kasi naman ikaw eh nakakagulat ka." Nakisabay na rin ako sa tawa.
"Sa ibang bansa kayo kinasal diba?" Seryoso niyang tanong, parang kanina lang tumatawa pa siya tapos ngayon seryoso na parang galit 'yong mukha na nakatingin sa daanan. Ang gulo talaga nitong isang 'to minsan.
"Oo, at tsaka to answer your question earlier. Maybe I don't know, Haha. I like him pero parang mas nangibabaw yung pressure ni Daddy about sa kasal namin." I said. Yes, I like him kasi lagi ko naman siyang nakikita sa mga family gathering namin dati dahil matalik na kaibigan ni Mommy ang Daddy ni Dwiryl, 'yon ang sabi sa akin, kaya naging magkaibigan na din ang Daddy ko at Daddy ni Ryl.
"Pumayag nalang din ako kasi ito lang ang paraan na alam kong magiging masaya si Daddy at ma-appreciate niya ang existence ko, at sa condo lang din ako nakakafeel ng freedom. Sa bahay kasi ni Daddy para akong kinukulong palagi.""Don't tell me, until now sinisisi ka pa rin ni Tito sa pagkamatay ng mommy mo?" Baling niya sa akin
"Kasalanan ko naman talaga siguro Ken kasi kung hindi dahil sa'kin siguro andito pa si momm—"
"Hindi mo naman ginusto na mabuhay sa mundong ito Ale! Your parents planned you na maging anak nila, so don't you ever think na kasalanan mong namatay ang mommy mo dahil sa iyo!" Pagalit niyang pagputol sa sasabihin ko sana.
Sasagot pa sana ako nang mapansin kong ibang daanan na ang tinatahak namin.
"Papunta 'to sa bahay niyo? diba?" Nagtataka kong tanong.
"Yes, sa bahay ka muna matutulog."
"No! Gabi na Ken baka makaabala pa sa parents mo, uuwi ako sa condo namin." Sabi ko habang natataranta.
"Bukas ka na umuwi sa condo niyo Andra, please?" Nagmamakaawa niyang baling sa akin.
"No way! baka ano pa ang isipin ni Dwiryl, ibaba mo na lang ako dito. Tatawag na lang ako nang taxi para maghatid sa akin pauwi." Sabi ko at tinanggal ang seatbelt ko.
"Okay, ihahatid na kita. Put your seatbelt back." He said at mabilis na niliko ang kanyang sasakyan ng tahimik.
—
KEN'S POV."Thank you Ken, pasensya na talaga sa abala." Sabi ni Ale at bumaba na sa sasakyan ko.
"Bakit hindi kita matawagan kanina? and bigla ka nalang din nawala sa video call natin sa group chat." I asked pagkatapos ko isara ang pintuan ng passenger seat.
"Napatay bigla phone ko eh, hindi ko namalayan lowbat pala." She said.
"Okay, pasok ka na. Aalis ako pag nakapasok ka na." I said habang nakangiti sa kanya. "And sorry for not asking your permission kanina na dalhin ka sa bahay namin." Pahabol ko.
"It's okay Ken, I understand na nag-alala ka lang." Sabi niya at tuluyang pumasok sa building kung saan ang condo unit nila ni Dwiryl.
Nang hindi ko na siya matanaw ay pumasok na ako sa aking sasakyan.
—
ALEJANDRA'S POV.Nang makapasok ako sa elevator ay pinindot ko na ang numero nang floor kung saan ang condo unit namin ni Ryl. May bahay kami pero ayaw niya doon tumira at gusto niya dito sa condo niya dahil malapit daw sa kanyang kompanya kaya wala akong magagawa at maganda na rin dito malapit lang sa mga kaibigan ko.
'Bat kasi ngayon pa ako na lowbat?' I asked to my reflection sa wall ng elevator.
Napasulyap ako sa papasarado na pintuan ng elevator ng may kamay na humarang dito. Muntikan na akong masamid sa sariling laway ng makita ang reflection ng isang tao na nag aapoy sa galit ang mga mata. Nanginginig ang kamay na ako'y humarap sa kanya.
—
To be continued...
YOU ARE READING
Marriage in Paper (Completed)
Misterio / SuspensoAlejandra and Dwiryl reluctantly agree to an arranged marriage. While Alejandra hopes to find love and fill the emotional gap left by her distant father, Dwiryl sees this marriage as a chance for revenge due to the loss of his mother. As they naviga...