A LIAR
"D-wiryl?" Nabanggit ni Ale n pangalan bago humarap sa lalaki na kakapasok lang sa elevator.
Magsasalita pa sana si Dwiryl, pero siya'y napatabi nang may pumasok na isang matandang lalaki kasama ang dalawang bodyguard nito na nakasuot ng tuxedo.
"Da—" Naputol ang sasabihin sana ni Ale nang isang malakas na sampal ang iginawad sa kanya nang matanda.
"May asawa ka na nga, lumalandi ka pa." Sabi ng matanda.
"D-daddy?" Nauutal na sabi ni Ale habang unti-unti tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.
"Don't call me that! Gabi na, bakit nasa labas ka at may lalaki pang kasama! Malandi ka." Sabi ng matanda habang pinipigilan na masampal ulit ang anak.
"Kaibigan ko lang po iyon, Dad." Sabi ni Ale, at tumingin kay Dwiryl para humingi ng tulong. "Ryl, ano ito?"
"Sabi ko huwag ka nang umalis ng condo kasi gabi na, pero umalis ka pa rin." Mahinang sabi ni Dwiryl na nagpagulat sa babae.
"Ano?!" Napalakas ang boses nitong sabi. "Ang sabi mo diba na uma—" Naputol ang sasabihin ng babae nang bumukas ang pintuan ng elevator, nagpapahiwatig na nasa tamang palapag na sila.
"Sa loob tayo mag-usap." Sabi ng matanda at unang lumabas.
Nilapitan ni Ale si Dwiryl nang makitang unang naglakad ang matanda papunta sa loob ng condo unit ng mag-asawa.
"Sabi ko sayo maghintay ka doon, diba? Gusto mo kasing makasama 'yang lalaki mo." Sabi ni Dwiryl at iniwan ang babae na mahinang umiiyak. "Bitawan mo nga ako, madumi! Malandi!"
—
ALEJANDRA'S POVKaya ba nataranta si Dwiryl kanina na pauwiin ako dahil bibisita si Daddy? Bakit ganitong oras? Gabi na.
Pinalis ko ang luha at tuluyan ng sumunod kina Ryl sa loob ng condo namin, papasok na sana ako nang mapahinto ako sa may pintuan ng marinig ko ang pinag-uusapan nila ni Daddy.
"Sorry Tito, hindi ko masyadong nababantayan si Andra, busy po kasi sa trabaho." Rinig kong boses ni Dwiryl.
"Kasal na kayo ni Andra, Ryl. You can call me Dad." Rinig kong sabi ni Daddy.
Kasalanan ko na naman? Ako na naman? Bakit ako nalang palagi? Hindi ako makahinga dahil sa paninikip ng dibdib ko. Gusto ko sumigaw, gusto ko isigaw lahat ng inis na nararamdaman ko ngayon pero hindi ko magawa dahil alam ko pag bubukas ang bibig ko ngayon bubuhos lahat na pinipigilan kong luha.
"Saan na si Andra? Puntahan niyo!" Rinig kong utos ni Daddy sa Bodyguard niya kaya kusa na lang akong pumasok.
"Huwag mong pagamitin ng kanyang cellphone 'yan ijo, pasensiya na talaga sa mga pinaggagawa nitong anak ko." Nasa likod lang ako ni Daddy naka-tayo habang nakikinig, gusto kong magsalita pero ayaw ko lumaki yung gulo. Kasalanan ko na ito sa paningin ni Daddy eh kahit anong gawin kong paliwanag hindi niya naman maintindihan. Hindi niya naman ako pakikinggan.
"Okay lang po, Ako na po bahala pasensiya na po at ito pa ang naabutan niyo. Aayusin ko po ito." Si Dwiryl sa mababang boses. Aayusin? paano? eh siya nga dahilan kung bakit nagkaganito!
"Salamat talaga ijo." Sabi ni Daddy at inabot ang kamay ni Dwiryl para mahawakan. Unti-unti na namang namuo ang luha sa aking mata.
Ang sakit. Tumalikod ako at maglalakad na sana paalis upang makapasok sa aking kwarto ng hawakan ni Daddy ang braso ko. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Daddy.
"Sa kwarto po sana Dad." I said at inalis ang pagkahawak niya sa braso ko.
"Bawal ka lumabas ha, dito ka lang. Alagaan mo ang asawa mo kasi yan nalang ambag mo sa mundong ito hindi mo pa magawa nang maayos." Daddy said na tinanguan ko lang, pagod na ako. Pagod na pagod ako sa lahat ng nangyari. Ayaw ko nang magsalita dahil alam ko pag bubukas ang bibig ko ngayon bubuhos lahat na pinipigilan kong luha.
YOU ARE READING
Marriage in Paper (Completed)
Mystery / ThrillerAlejandra and Dwiryl reluctantly agree to an arranged marriage. While Alejandra hopes to find love and fill the emotional gap left by her distant father, Dwiryl sees this marriage as a chance for revenge due to the loss of his mother. As they naviga...