Special Chapter 1

4 1 0
                                    

ROLLY — FATHER OF ALEJANDRA POINT OF VIEW

"Gusto ko pag laki nang anak natin, ipapakasal natin siya sa anak ni Alejandro." Sabi nang asawa ko isang araw nasa hapag kainan kami.

"Bakit?" Tanong ko at tinignan siya.

Maganda, sobrang ganda talaga nang asawa ko. Sabi ko sa aking isipan habang nakangiti.

"Para mga anak nalang namin ang tutuloy sa naudlot naming kahapon." Sabi niya na nagpawala nang ngiti ko sa labi.

"Huwag sana natin iyan pag usapan sa harap ng pagkain." Sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

Pag ganito ang lumalabas sa kanyang bibig na mga salita, hindi ko na alam kung ano ang isasagot.

"Bakit? Nasasaktan ka?" Natatawa niyang tanong na siyang dahilan ng paghinto ko sa pagkain.

"May asawa't anak na 'yong tao, umaasa ka parin ba?" Mahina kong tanong pabalik na sakto lang na marinig niya.

"Na bumalik siya sa akin? Oo, umaasa parin ako. Hindi niya naman mahal ang asawa niya eh." Buntong hininga na sabi nang asawa ko.

"Paano ako?" Sabay turo ko sa sarili. "Kulang paba ako?"

"Alam mo naman kung anong pinagkasunduan natin diba? Pagbumalik na 'yong lalaki na tunay kong iniibig ay kusa kang lalayo? Nakalimutan mo na?" Seryoso niyang sabi.

"Naalala ko pa." Sabi ko habang naninikip ang dibdib. Masakit, ang sakit magmahal. "Mag limang taon na simula noong pumayag siyang ikasal sa iba pero hindi mo parin siya kinakalimutan."
Sana darating 'yong araw na halaga ko naman ang makita mo. Gusto kong idagdag pero hindi ko magawa dahil alam kong magagalit siya. Magagalit siya pag sinasabi ko sa kanyang mahal ko siya kaya pinaparamdam ko nalang pero alam ko naman na hindi niya 'yon nararamdaman.

"Kasal lang naman sila sa papel, kung tatawag ako ngayon kay Alejandro at sasabihin sa kanya na kailangan ko siya. Alam kong iiwan niya lahat mapuntahan lang ako." Sabi niya habang natatawa. Masaya siya pag ganito ang usapan, makikita ko talaga ang bawat kinang sa kanyang mata pag pangalan ni Alejandro ang kanyang nababanggit.

Magkaibigan kami, matalik na parang magkapatid kung tignan ng iba pero iba ang tingin ko sa kanya dati pa. Mahal ko siya at akala ko nga noong una ay kaibigan lang ang nararamdaman ko pero iba na pala pero binaliwala ko ito dahil ayaw kong masira 'yong mga pinagsamahan namin at sa mga panahon na 'yon ay may nobyo siya na si Alejandro.

Hanggang isang araw, tinawagan niya ako habang umiiyak. Ako naman itong nagmahal lang ay dali dali siyang pinuntahan sa labas ng bahay ni Alejandro, basa ito sa ulan at namumula ang mata't ilong dahil sa kakaiyak.

"Anong nangyare?" Tanong ko at inalalayan siya papasok sa aking sasakyan.

"Nakipag hiwalay si Alejandro!"

Simula noong araw na nakipaghiwalay sa kanya si Alejandro, parang palagi nalang siyang wala sa sarili. Hindi makausap ng matino. Minsan lang din kumakain. Sobra 'yong pag alala ko para sa kalusugan niya, kaya sobra sobra din ang saya ko nang kausapin niya ako. Masaya ako kasi andami niyang ibinahagi na mga kwento sa akin pero kalaunan ay nag iba ang aming pinag usapan hanggag sa inalok niya ako nang kasal na nagpagulat sa akin pero tinawanan ko lang dahil akala ko ay nagbibiro lang siya, pero napahinto din ako kalaunan  sa pagtawa dahil ang seryoso nang kanyang mukha.

Pumayag ako sa alok niya na kasal dahil mahal ko siya kung ito man ang magiging dahilan para magiging masaya siya ibibigay ko sa kanya dahil mas maayos pa para sa akin ang ako 'yong naghihirap kaysa siya.

Ikinasal kami sabay sa araw ng kasal ni Alejandro. Madaming tao, lahat ng kamag anak ko at mga kamag anak niya ay nandoon. Sobrang saya niya, ang tagal narin mula noong huli kong nakita ang ganitong masayang niyang mukha.

Marriage in Paper (Completed)Where stories live. Discover now