Black Stiletto Heels

672 16 8
                                    

Click-clack, click-clack. Papalakas pa lalo ang tunog ng heels habang papalapit sa amin na biglang nagpatahimik sa buong classroom.

Nasa likuran ako, sa nag-iisang bakanteng upuan kanina at nagmamasid lang ako sa mga kaklase kong abala sa pakikipagkwentuhan, harutan at tawanan kanina na ngayon ay sobrang tahimik at behave na at maya-maya pa ay pumasok ang guro siguro naming ayos na ayos ang makeup sa mukha na nakasalamin at naka-bun ang mahabang buhok, naka uniform ng grey na blouse at knee length grey pencil skirt na hapit na hapit sa kanyang katawan and the black stiletto heels na gumagawa ng ingay kanina. Terror! That's how I see her... and HOT.

Dumiretso siya sa desk sa gitna "Good morning class" nakatayong bati niya sa amin in a stern voice with no-nonsense attitude. Kaya pala! Kaya pala bigla silang tumahimik.
Tumayo lahat ng mga kaklase ko kaya gumaya na rin ako at sabay kaming bumati sa guro namin ng "Good morning ma'am" at dahan-dahan silang umupo making sure not to make any sound. Seryoso? Ganito ka istrikto ang gurong nasa harap namin at takot na takot ang mga estudyante sa kanya? 'Di nga ako nagkamali terror nga... just like my type... at 'di ko mapigil ngumisi.

Nakatayo pa rin siyang tinawag ang pangalan ko at pinapunta niya ako sa harap para ipakilala ang aking sarili sa mga kaklase ko na malugod ko namang sinunod.

"Hi, good afternoon everyone. My name is Zoey with a 'y' Andres Tolentino, seventeen years old and I am from Metro Manila. I just moved here about a week ago so I hope to make friends with everyone and please take good care of me" nakangiti kong wika pero ang nasa isip ko is that I am hoping that they'll just leave me alone.

"Okay miss Tolentino please go back to your seat" maawtoridad nitong wika pero syempre kailangan kong magpapansin sa kanya.
"Ah ma'am I am sorry but may I please know your name?"
"You don't know the name of your teacher?" nakataas pa ang isa niyang kilay na nagtanong then sighed "Just ask your classmates. Now go!" awww taray makikipagkamay pa naman sana ako haha.

Nasa kalagitnaan na ng pasukan and I am forced to moved here sa Isabela kasi kaibigan ni mommy ang principal at wala na 'atang ibang school na tatanggap pa sa akin for so many reasons... in short pasaway ako.

Naibibigay ng parents ko lahat ng kailangan ko but not what I really needed, ang oras nila at pagmamahal. Kaya siguro ako nagkakaganito.

So siya si Miss Rose Domingo Salvador, thirty-nine years old, an old maid and our Statistics and Probability teacher. Easy-peasy, alam ko na ang gagawin!

"Miss Tolentino, can I have a minute with you after class?" sabi niya sa akin pagkabalik niya ng papel ko. YES! Successful!
"Okay po ma'am" maamo kong wika na kunwari ay kinakabahan.

Nagsilabasan na ang mga kaklase ko kasi last period na namin ito at lumapit na ako sa desk niya pagkalabas ng huli kong kaklase.

"Yes ma'am?" tawag-atensyon ko sa kanya pagkalapit ko kasi abala siya sa ginagawa niya sa computer.
"Ah yes, gusto ko lang itanong kung may problema ba sa pagtuturo ko? Was it the dialect na hindi ko maiwasang gamitin kasi nakasanayan ko na? Or hindi mo lang talaga naintindihan ang lesson? Ikaw lang kasi ang nakakuha ng zero sa quiz"
"Ah hindi po ma'am, nakakaintindi naman po ako kahit papaano ng Ibanag, hindi nga lang nakakapagsalita. Uhm mahina lang po talaga ako sa Math ma'am." nahihiya ko kunwaring pag-amin. "I used to have math tutor po, baka may kilala ka po or baka pwedeng ikaw na lang po, I will just ask my dad to pay you po ma'am"
"Mukha ba akong nangangailangan ng extra income miss Tolentino?" naku hindi po ma'am, sosyal n'yo nga pong tingnan eh at nakita ko po ang magara mong sasakyan kanina.
"Ah hindi po ma'am" yumuko pa ako to show that I am apologetic sa nasabi ko "sorry po, I was just hoping that maybe you can help me para maipasa ko 'tong subject na ito. Alam kong busy po ang mga guro kaya naisipan kong magbayad para sa igagahol mong oras sa akin kung sakaling pumayag ka po."
"Thanks for being honest. You don't have to pay me, I can spare thirty minutes after class para turuan ka sa mga hindi mo maintindihan... and that's because obligasyon ko na matuto ang mga estudyante ko at ayaw kong may bumagsak sa klase ko sa kauna-unahang pagkakataon." MISSION ACCOMPLISHED! Good job Zoey! You deserve a pat on the shoulder for a job well done!
"Salamat po ma'am, maraming-maraming salamat po at pangako pagbubutihan ko po ang pag-aaral"
"Okay miss Tolentino, you may go" at pagkasabi niya noon ay bumalik na siya sa ginagawa niya.
"Goodbye ma'am and thanks again"
"Bye" matipid niyang sagot.

Bawat hapon ay tinuturuan niya nga ako sa mga lessons na alam ko na dahil magaling naman talaga ako sa Math, namana ko sa parents ko. My dad's an engineer and my mom's an architect and they are running our own construction firm kaya wala silang time sa akin.

Dahil ayaw niyang magpabayad ay nagdadala na lang ako ng snacks at kinakain namin ito after n'ya akong turuan and that's the time that I get to talk to her and get to know her. Sabi nila terror daw siya and that she is cold, wala siyang pakialam sa nararamdaman ng mga tao kaya wala siyang pakundangang mamahiya at magalit ng mga estudyante kapag nagkamali kaya laging prepared ang mga kaklase ko sa klase niya. Others would even avoid her 'pag nakasalubong siya. Pero hindi naman pala siya as strict as she appears to be, it is her way lang daw to gain respect so that students will take her seriously and effective naman daw at nakikita ko naman. Pero 'pag mali, mali talaga and 'pag bagsak, bagsak talaga, walang pasang-awa sa kanya and she hates cheating daw kaya wala talagang naglalakas loob mangopya o kodigo sa klase niya. Well hindi naman namin na kailangang mangopya o gumamit ng kodigo kasi magaling siyang guro, pinapadali niyang maintindihan ang lesson kaya no wonder wala pang bumabagsak sa klase niya. At dahil nagpapanggap lang ako at gusto ko pang magtuloy 'tong one-on-one session namin ay kahit papaano ay unti-unti namang tumataas ang score ko sa mga quizzes namin.

"Do you have a problem miss Tolentino?" tanong niya sa akin after our allotted thirty minutes after school lesson.
"Ah wala naman po ma'am, medyo malungkot lang po kasi kaarawan ko today pero hindi naalala nila mommy at daddy" pagkukunwari ko kasi sanay na akong nakakalimutan nila ang kaarawan ko at bumabawi na lang sila sa regalo.
"Ah happy birthday!" awkward niyang bati sa akin.
"Thank you po ma'am" at ngumiti ako ng matipid na medyo mangiyak-ngiyak pa "ikaw pa po ang tanging bumati sa akin"
"Aw come here" wika niyang nakadipa kaya lumapit ako sa kanya at yumakap. This is heaven! Ang bango at ang lambot niya! "Let's go, celebrate tayo, my treat" pagyayaya niya na masaya ko namang sinunggaban ang kanyang alok. This went way better than I had planned! Yes!

We had dinner and I wasn't expecting na makakagaanan ko siya ng loob. Sobrang iba niya sa school at ngayong nasa labas kami. She's actually kind, sweet and caring despite sa ipinapakita niyang pagkaistrikta at mataray sa paaralan.

Inihatid niya ako sa amin and we live in the same subdivision pa talaga!
"Maraming salamat po ma'am" wika ko bago lumabas ng sasakyan.
"Walang anuman and I hope somehow it uplifts your mood"
"Oo naman po ma'am. Ikaw po ba kailan ang birthday mo po para makabawi naman po ako"
"It's not necessary miss Tolentino, sige na at gumagabi na"
"Okay po ma'am. Thanks and bye" then nagkunyari akong hindi ko ma-unbuckle ang seatbelt kaya tinulungan niya ako at nagdampi ang aming mga kamay and I felt the static. First time! Pagkatanggal niya sa seatbelt ay nagpasalamat ulit ako at bumaba na ng sasakyan at pagpasok ko sa bahay ay nandoon sila ni mommy and daddy to celebrate my birthday. Another first.

Friday noon at canceled ang aming session kasi may lakad daw siya but since magkalapit lang naman daw ang bahay namin ay pumunta na lang daw ako sa kanila at ibinigay niya sa akin ang kanilang address at oras kung kailan ako pupunta doon. 'Pag sinuswerte nga naman eh noh? This is it na!

Ma'amTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon