Part 9: White Toga
Her words echoed in my head ng paulit-ulit. I argued with her, I even begged her to give us a try kasi ramdam ko na may nararamdaman din siya para sa akin kasi kung wala, hindi mangyayari ang lahat ng nangyari sa amin but she stayed firm with what she said kaya I ended up making a promise sa kanya na maghihintay ako, na aasa ako at babalikan ko siya kung kailan pwede na maging kaming dalawa.
Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko at hindi ko mapigilan na umiyak. First time kong makaranas ng rejection. I did not expect na ganito pala ito kasakit.
What happened earlier keeps playing on my mind. How I kneeled in front of her, crying, begging her not to put an end sa kung ano man ang nasimulan namin. But she just turned her back on me kaya I held her hand, professed my feelings again and made a promise na maghihintay ako sa kanya, aasa na magiging kami in the future at babalikan ko siya kapag pwede na maging kami, kapag hindi na bawal ang aming pag-iibigan.
I respected her decision kaya I kept my distance sa kanya. Alam ko naman ang mga lesson na tinuturo niya kaya wala talaga kaming naging interaction since hindi niya ako tinatawag. Pinagkakasya ko na lang ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa kanya at binabalik-balikan ko na lang pagsapit ng gabi ang isang araw na pinagsamahan naming dalawa.
After graduation ay dumiretso na kami nila mommy at daddy sa isang restaurant to have dinner as my celebration at hinatid lang nila ako sa bahay at umalis na agad sila kasi may client pa daw silang imimeet kinabukasan kaya pagkaalis nila ay dumiretso na ako sa bahay ni ma'am Rose still on my white toga para magtapat ulit ng aking pag-ibig dahil pwede na ngayong hindi na niya ako estudyante pero sawi pa rin ako. She rejected me for the second time sa gate lang niya, hindi na niya ako pinapasok kaya wala akong nagawa. Ang saklap... ang sakit. Para akong tangang naglalakad sa kalsada pauwi na nakatoga pa at umiiyak.
That same night I added her sa facebook pero blinock ako kasi hindi ko na siya masearch. I'm frustrated kasi hindi ko na siya makikita since wala ng pasok. If she just accepted me lang sana makukontento na akong tingnan-tingnan ang mga photos niya at maging updated sa buhay niya pero wala eh. She blocked me.
I am learning how to drive, dahil bagong kotse ang regalo ng parents ko sa akin sa graduation kaya maliban sa driving class eh nagpapaturo din ako sa driver ko na mag drive around the village at lagi kaming dumadaan sa bahay niya hoping to have a glimpse of her, pero wala talaga.
Nagpunta ulit ako sa bahay niya on a Saturday morning, hoping na nandoon siya para magpaalam na kasi babalik na ako sa Maynila. Hinarap niya ako, sa may gate lang ulit, hindi na naman ako pinagbuksan. And for the third time ay basted pa rin ako. Kaya nagpaalam na lang ako sa kanya at nagbitaw ulit ng pangako na babalikan ko siya and that I love her... with a teary eye and a broken heart ay tumalikod ako at umalis.
I took Business Administration, sobrang layo sa mga kurso ng parents ko at suportado naman nila ako. Since my negosyo naman na kami kaya ito na lang ang inaral ko to help my parents run our business in the future... and for my future.
I want to keep myself busy kaya nagtatrabaho na rin ako sa firm namin as an office clerk. Minimal lang naman ang task na ginagawa ko at wala pang gaanong obligasyon. Petiks lang kumbaga ang mahalaga may ginagawa sa free time ko para ma lessen ang oras sa pag-iisip sa kanya.
I would send Rose a dozen of roses sa school nila on special occasions para wala ng magtatangkang manligaw sa kanya, para iisipin nila na may jowa na siya. Then 'pag may long weekend ay dumadalaw ako sa kanya na hanggang gate pa rin. Pero okay lang at least nakita ko siya. Sulit na ang mga anim na oras ba byahe just to see her. Persistent ako eh!
Ganon ang ginawa ko for three years but noong nag fourth year na ako ay sobrang busy na with more demanding work sa firm and sa studies kaya laging nawawala sa isip ko na magpadala ng roses sa kanya on her birthday, Valentine's, Teacher's Day at iba pang okasyon. At syempre hindi na rin ako nakadalaw sa kanya. Nakakainis man pero wala talaga. Sabi nga nila 'pag gusto may paraan, 'pag ayaw may dahilan. Pero hindi ako gumagawa ng excuse, pagod na, bangag pa lagi ako kaya hinahayaan ko na lang. Babawi na lang ako... that's what I kept telling myself... hanggang sa hindi ko namalayan na graduate na pala ako.
May hinandang dinner party sa bahay sila mommy at daddy pero pagkatapos ng graduation ay bumiyahe na agad ako pa Isabela, tinawagan ko lang si mommy na may importante akong lakad baka kasi magtaka sila na hindi na nila ako mahanap sa venue ng graduation at humingi na rin ako ng paumanhin dahil hindi ako makakadalo sa hinanda nilang party para sa akin.
Dumaan lang ako sa drive-thru ng McDo at nag order ng big mac meal at kumain habang nagmamaneho dahil sa gutom.
Ala-una pasado na ng madaling-araw ako nakarating sa bahay ni ma'am Rose at doorbell ako ng doorbell hanggang nagbukas ang ilaw sa loob ng bahay niya.
"What are you doing here at this hour?" pagtataka niya pagkakita sa akin.
"Can't I come in this time?" she sighed and opened the gate for me. Naawa siguro dahil sa itsura ko dahil pagod na pagod talaga ako. But whatever the reason is... it's a progress!She looked at me from head to toe, I applied a light makeup and for sure haggard na akong tingnan and I am still in my black toga kaya nagtataka siguro siya dahil nakakunot ang noo niya at nakataas ang isa niyang kilay pero hindi siya nagsalita.
Pagpasok ko ay sinara niya ang gate at nagtungo siya sa bahay kaya nagmamadali akong sumunod sa kanya. Yes! Progress!
She closed the door pagkapasok ko kaya niyakap ko agad siya dahil sobrang lapit niya sa akin.
"I missed you" at hinigpitan ko pa lalo ang pagyakap sa kanya. God I so missed her! More than four years na when I gotten this close to her and the feelings I have back then and now haven't changed at all. I still love the warmth of her body and her scent, the beating of my heart and the butterflies in my stomach... walang nagbago. "I miss you Rose and I still love you"
She remained quiet at kinabahan ako na baka sa ika-apat na pagkakataon ay basted pa rin ako kaya inenjoy ko na lang ang pagkakataon na mayakap siya.
Matagal kaming nanatiling tahimik sa ganoon na posisyon, nakayakap ako sa kanya at siya naman ay nakahawak lang sa gilid ng toga ko hanggang sa napansin ko na umiiyak pala siya. Bakit?
BINABASA MO ANG
Ma'am
RomanceMataray, istrikta, kinatatakutan at matandang-dalaga... ganyan kung ihambing si ma'am. Pero cold man sa kanilang paningin ay hot na hot naman siya para sa akin. She is my type, my kind of woman... and she will be my woman.