Chapter 10

110 4 0
                                    

[TRIGGER WARNING]

Note: This is unedited! typographical and grammatical errors ahead!

"Rieg, please! I promise to go back before the sun comes down—"

"Ang kulit. Isusumbong kita kay Kuya Navie."

Naghaba ang aking nguso nang layasan ako ng kapatid ko pagkatapos kong magpaalam na lalabas. Gusto ko lang naman kasing bumili ng present for him and Kuya Navie! Birthday na nila sa linggo.

"Rieg!" I followed him papuntang sala, kung nasaan ang nga kaibigan niya at pinsan naming si Gallen.

Some of them were familiar, but I was never close to them, only to Liz and Jahdiel dahil madalas sila sa bahay. Though, Jahdiel was kinda aloof when it comes to me. The others were Oliver, Davis at si Kristie.

"Hi Sky!" Kumaway sa akin si Liz na kinawayan ko agad pabalik.

"Hi!" I smiled and turned to others. "hi!"

"Hi, Sky..." they greeted.

"Binubully ka na naman ba ng isang ito?" Liz joked and Rieg pouted on her.

I protruded my lips and went to her, sliding in between her and Jahdiel, na siya na mang agad na lumayo sa akin. Umabrisiete ako kay Liz at sunod-sunod na tumango.

"He wouldn't let me out! May bibilihin lang naman ako."

"Mom said you can't."

"I told you nagsabi na ako, ayaw mo lang maniwala!" I argued and saw him making face but pouted again when Liz turned to him!

Napaka talaga!

"Kung kasama naman niya ang driver niyo e?"

Napangiti ako nang sabihin iyon ni Liz. Sigurado kasi akong... pagdating kay Liz, hindi makaka-hindi itong si Riegar.

"Oo nga... or Liz, can go with me nalang!" sabi ko nang maka-isip ng magandang ideya
Pwede akong humingi ng advice sa kaniya kung anong pwede kong iregalo kay Riegar!

"Sky! Iistorbohin mo pa kami-"

"Kung saglit lang naman e, diba, Sky?" si Liz ulit at sunod-sunod akong tumango malawak ang ngiti.

"Then I'll go with—"

"No!" I exclaimed, hinila ko si Liz patayo. "babalik din kami kaagad, I promise! Ibabalik ko din sayo si Liz, Rieg! Bye!"

"Sky—"

Natatawang tunakbo kami paalis roon at agad na sinabihan ang driver namin to drive us to the nearest mall. I told my plan and she seems okay with it. Tutulungan niya raw ako kay Riegar.

Liz, as far as I know, is the only daughter of the current Governor here in El Farez. They are well known family hindi lang dahil sa yaman nila kundi sa magandang reputasyon ng kaniyang ama. Ang alam ko pa ay halos ilang taon na rin nilang pinamumunuan ang El Farez.

That is also why she was adored by everyone. Katulad ko, I like her kindness and genuineness. Hindi siya katulad ng ibang mayayamang tao na ginagamit ang kanilang yaman to degrade someone.

She was never like that, and maybe that is also the reason why Rieg is into her. Kahit hindi man aminin ng kapatid ko.

"They will like that." Liz said while watching me.

Hindi ko matagtag ang mga mata ko sa dalawang box na nasa harapan namin pagkatapos bumili ng napiling regalo kay Rieg at Kuya Navier.

Napangiti ako at napatango-tango.

The Temptress' Karma | CompletedWhere stories live. Discover now