Chapter 22

58 4 0
                                    

Hinila ko sila sa may bleachers habang nakapanood sa kayna Keogh. It's obvious it's their PE time, naroon ang teacher nila sa kabilang bleachers at nakamasid.

"Kaya naman pala." siko sa akin ni Eury ngunit hindi ko siya pinansin.

I lifted myself up and helped myself para makaupo ng maayos, ang mata ay hindi maialis kay Keogh. Siya na ngayon ang nagse-serve. Pumito ang isang klakase nila na nagsisilbing referee.

My eyes followed the ball when it flew in the air, halos hindi maayos na naitawid pabalik noong tumanggap sa lakas ng palo ni Keogh.

My lips formed an 'o' when they eventually scored a point because of that.

Wow!

Hindi ko alam na sporty din pala siya bukod sa hilig niya sa pagd-drawing at pag-aaral. How come he's so talented, for heaven's sake!

Ilang beses na naka-score sina Keogh bago nila na-missed ang isang malakas na spike mula kay Zach. Axel whistled at Keogh who just shook his head while smiling.

Pumito ang referee nila para sa saglit na timeout.

Nagsipulasan sila papunta sa kani-kaniyang pwesto at napatayo ako nang magtama ang mata namin ni Keogh. He saunters towards the bleachers I am at, not breaking our eye contact.

I lifted my hand and waved at him, smiling until he was near me already.

"Hi!" I greeted him, but he pretend not to hear it nang kuhanin niya ang tubigan na malapit sa akin at uminom roon.

Nabanat ang mga sulok ng aking labi. What a snob!

Nakita ko si Axel na papalapit, nakita niya rin ako. His face brightened up, saglit na nagpunas ng kaniyang pawis, sinuklay ang buhok gamit ang kaniyang kamay bago ako nilapitan.

Ngumiti ako at kumaway, he did the same. "Hello!"

"Uy, wala kayong klase?" masiglang tanong niya at nagpunta sa harapan namin.

"It's our vacant time." sagot ko. I turned to Ellias and Eury, itinuro si Axel. "this is Axel."

"Hi," ngiti ni Eury na sinuklian ni Axel. Hindi man bumati si Ellias, tinanguan niya ang huli.

"Sayang, patapos na yung laro." ani Axel. "Kanina pa kami nagsimula, hindi niyo tuloy napanood." patuloy niya at biglang lumayo sa akin, nagpunas ulit ng pawis.

My eyes followed him, confused by his subtle actions.

"Ah..." maliit siyang ngumiti. "pawisan kasi ako, baka... hindi ka lang kumportable..."

Nanlaki ang aking mata at umiling agad. "I'm not, it's okay! It's okay! You don't smell bad."

Napanguso ito at napahawak sa likudan ng kaniyang leeg.

I chuckled. "I think you still smells nice, don't worry."

"S-Salamat." he stuttered, a faint redness creeping his face.

My eyebrows lifted, naaliw rito.

Sabay kaming natigilan nang marinig ang pagkalansing ng tubigan ni Keogh sa may bleachers matapos niya iyong malakas na ibinaba.

I blinked many times when I met his pissed eyes, as he turned to Axel.

Nagpabalik-balik ang mata ko sa kanilang dalawa nang nagtinginan lang ang mga ito at kapwa hindi nagsalita.

But then, Keogh was the first to break the silence.

"Bibili lang ako ng tubig." malamig na anito at nilayasan kami.

Kumunot ang aking noo at binalingan si Axel, nakitang nakanguso itong habang nakapanood sa papaalis na si Keigh.

"Is he okay?" tanong ko.

The Temptress' Karma | CompletedWhere stories live. Discover now