Chapter 25

43 4 0
                                    

Kinabukasan, nagising ako na may note galing kay Fraida. She also leaves me my medicine and says she has to go somewhere and will be back later.

Inilagay ko sa drawer ang mga gamot na iyon saka inabot ang cellphone sa may bedside table ko.

I went to Keogh digits and smiled when I remembered what happened kagabi. I quickly typed something for the latter and headed to my shower, naghanda na.

Nang matapos at nakababa ako, hindi ko nakita roon sina Mom at Dad. I was informed na maaga rin silang umalis. Ibig sabihin noon ay kailangan kong mag bus ngayon.

Sumaglit ako sa kusina at gumawa ng drinks na ginawa ko noong isang araw para kay Axel.

Hindi ako nakaramdam ng gutom kaya nagbitbit na lang ako ng croissant at hindi na kumain. Iyon ang pinapak ko habang naghihintay sa may bus top.

Nang makarating ako sa school, hindi ko inaasahang makita roon si Axel. He was near the guard house talking with someone.

"He likes you, he's interested in you."

"Linawin mo sa kaniya kung ganoon."

I protruded my lips and lifted the cup I have, giving my chest an encouraging pat, before walking towards the latter.

"Sige Levi, salamat."

I was already behind him when he dropped his hands and pivoted. He jumped in surprise and widened his eyes. Sa gulat rin ata ay nawalan siya ng balanse at muntik ng matumba

Napasinghap ako. "Oh my, I'm sorry! I didn't mean to..."

Natatawa itong nagbuga ng hininga. "Muntik na ako roon ah."

Napangiwi ako. "Sorry."

Mabait itong umiling sa akin. "Good morning."

I smiled, inabot sa kaniya ang dala ko. Nagugulat itong napatingin roon. "Good morning."

"A-Ah..." inabot niya iyon, nabalot ng pagkapula ang mukha. "salamat..."

"Actually, uhm, can we talk for a bit, Axel?"

"Ha? Oo naman, oo. Bakit? May sasabihin ka ba?"

I nodded, his eyes went round. Napakamot siya sa kaniyang batok at tumango. May pag-aalinlangang naglakad na agad ko namang sinundan.

"Ano iyon?"

"Uh... I hope... I hope you don't mind me asking this. I... I just want to clear something."

"Pinakakaba mo naman ako." aniya at nagkunwaring sinapo ang dibdib.

Umiling ako. "No pressure."

"Ano ba iyon—"

"Uh, is it true that you like me?" I interjected him and saw the genuine shock eventually dawned his face. Umawang ang kaniyang labi, napakurap-kurap.

And for a second, I think Keogh's imagining things for that to happen.

"Ha?" he asked, confusion danced in his eyes.

I blinked my eyes, then squinted.

"I mean... Keo— I mean someone... someone—"

"Sandali, kay Keogh ba nanggaling iyan?" tanong niya, may ngiti sa labi.

Tumango ako, naguguluhan.

Nasapo niya ang kaniyang labi, natawa na nang makitang tumango ako. Nahawakan nito ang likuran ng kaniyang leeg at napadila sa labi.

"Sinabi niya bang may gusto ako sayo?" tanong niya.

Tumango ulit ako. "And that... you were interested in me? Na tinanong mo daw ng ilang mga bagay tungkol sa akin—"

The Temptress' Karma | CompletedWhere stories live. Discover now