Epilogue

68 3 0
                                    

"Hi! Anong ginagawa mo dito?" I was in the middle of reading something when I heard her polite and friendly voice.

Hindi man ako lumingon ay alam kong iyong nakakabatang kapatid ni Riegar ang babaeng nakatayo sa aking tabi. Randam ko ang titig nito kaya hindi ko sinubukang lingon siya dala ng kaba.

Hindi ko alam kung bakit bigla niya kong kinausap. I have been here many times and this is the first time she spoke to me.

Dala ng kaba, nagkunwari akong hindi siya narinig. And it will also make sense because I'm wearing headphones right now, kahit wala iyong tugtog.

From the corner of my eyes, I saw her hit her forehead. Narinig ko siyang may ibinulong sa sarili.

Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng kaba. Nang biglang maalis sa aking tenga ang suot kong headphones, hindi ko na napigilan mapatalon sa kinauupuan ko.

She tried to take off my headphones without warning! Naiwan iyon sa aking leeg at nakita ang pag-atras ng kaniyang paa.

Nang mag-angat ako ng tingin rito, hindi ko napigilan ang pagkibot ng aking kilay. Hindi ko nagustuhan ang biglang pagbilis ng tibok ng pulso ko nang makita ko siya ng malapitan. Hindi ko nagustuhan na agad rin akong nakaramdam nang pagkalma pagkaraan.

She lowered her head a bit, before she bore her eyes to mine again. My heart leaped uncontrollably.

"I'm sorry. Hello! I'm Sky, Riegar's sister. I... was talking to you, hindi ka sumasagot."

Yeah, I heard you.

For a second, hindi gumana ang utak ko sumagot. Kung gaano ko kabilis magets ang isang math equation ay kabaliktaran naman iyon ngayon.

At hindi ko napansin na nanatili lang akong nakatitig rito. Hindi ko nga alam kung kumukurap pa ba ako.

I just... couldn't stop staring at her.

She waved her hands in front of my face. Doon ako natauhan at agad na tumikhim, wala sa sariling inayos ang salamin na suot ko.

That's just Riegar's sister, Keogh. She's nothing.

"Anong kailangan mo sa akin?" mahinang tanong ko.

Bigla nitong itinuro ang loob ng bahay nila na siyang sinundan ko ng tingin.

"You're Jahdiel right? They're inside ah, anong ginagawa mo dito? Don't you wanna join them?" she asked, and nonchalantly took the vacant seat beside me.

Hindi ko alam kung saam ako nagulat. When he called me Jahdiel, na wala pang tumatawag sa akin, o sa biglaan nitong pagtabi.

But then, nagkatinginan kaming dalawa at kong napakurap siya sa akin. Mukhang nagulat ko rin siya sa pagkakagulat ko.

Mabagal itong tumayo, napanguso. "Sorry."

My lips parted. Agad na sinubukan kong magpaliwanag na hindi niya kailangang mag-sorry ngunit walang lumabas na salita sa bibig ko.

"Sorry, I'm just curious." ulit niya.

Nagbaba ako ng tingin sa mga librong hawak ko. Ano ba ang dapat sabihin?

"I'm studying." saad ko na lang at nakita siyang napatango.

Pinanood ko ito kung paano siya saglit na natigilan. Saglit na natahimik at tila may iniisip. Napatingala rin ito sa labas at bahagyang naningkit ang mga mata.

Nahuli niya ang tingin ko at namamangha ng itinuro ang headphones ko sa aking leeg.

"Are you listening to music while studying? Is that possible?" manghang tanong niya.

The Temptress' Karma | CompletedWhere stories live. Discover now