Chapter 21

54 5 0
                                    

"Mauna na kami, Sky!" paalam ni Eury at Ellias kinahapunan.

Pinanood ko ang mga ito na tahakin ang bus stop sa 'di kalayuan at nakita pa ang paglingon nila sa akin bago sila tuluyang makasakay.

Kumaway ako kay Ellias na nagbabanta ang tingin nang lagpasan ako ng bus na sinsakyan nila. Kasunod noon ay ang pagtunog ng aking cellphone sa aking kamay.

Ganoon nalang ang tawa ko nang makatanggap ng text mula kay Ellias.

Ellias:

Umuwi ka na, Sky, I know what you are thinking.

"This nagger..." ngisi ko at hindi siya pinansin, sa halip ay pinindot ang numero ni Keogh at nagtipa.

Me:

Overtime na naman ba kayo? It's almost past 4:00 pm!

Nilingon ko ang loob ng school habang nasa labas ng gate, saka bumaling sa sasakyan namin kung saan nanatiling naroon si Manong kahit ang sinabi ko na hindi ako sasabay ngayon.

Nang hindi magreply si Keogh, saglit kong tinakbo ang sasakyan namin.

"Manong, I told you go without me na." reklamo ko rito.

Napakamot naman siya sa batok. "Pasensya na Miss Sky. Mahigpit na bilin kasi sa akin ni Sir at ng kapatid mo na, iuwi ka sa tamang oras e."

Napanguso ako.

Balak ko kasi sanang sumabay ngayon kay Keogh. I mean, I can take a bus with him pero itong si Manong ay ayaw akong palagpasin.

Wait...

Or maybe I can just make him ride with us. Parang may umilaw na bumbilya sa aking ulo at napatango. I turned to our driver and smiled at him, hinubad ang bag pagtapos ay ipinasok sa sasakyan.

"Sige po Manong, pakihintay lang po, sasabay sa atin si Keogh."

"Sige, Miss Sky."

Tumakbo ako pabalik sa may gate dala ang aking cellphone, napangiti ng makitang may bagong message mula kay Keogh.

Keogh:

We're not.

Me:

Then where are you? Kanina pa ako naghihintay rito sa gate, hindi naman kita nakitang lumabas.

Keogh:

Why are still right there?!

Me:

Hinihintay ka nga! I'm thinking na sumabay ka na sa sasakyan and let us drive you home. Think of this as part of my way of thanking you.

Keogh:

We're already even kaya umuwi ka na.

Me:

Nope. Hihintay kita rito, okay lang, take your time.

Keogh:

Go home.

Me:

No

Keogh:

Umuwi ka na o asabihin ko ito kay Kuya Navier.

"Psh. Hindi niya ba naiisip na mas favor pa rin sa kaniya ito. Hindi niya kailangang gumastos para sa pamasahe." bulong ko.

Me:

Oh, si Kuya Navier ba inaalala mo? Then, magpapaalam ako sa kaniya na sasabay ka sa amin!

I swear I could almost paint his furrowed eyebrows and him, shutting his eyes painfully inside my head. I beamed while waiting for him to reply, pero masyadong natagalan hanggang sa mukhang wala na talaga siyang balak pa.

The Temptress' Karma | CompletedWhere stories live. Discover now