Siyam na Sapak!

143 4 2
                                    



Part 9: Siyam na Sapak!

(Gabriel)


Humuhuni na ang mga ibon sa labas. Naririnig ko na rin na rin ang nagngingitngit na mantika mula sa piniprito mula sa kusina. Malapit lang kasi ang tinutulugan namin ni Berke doon. Ngunit wala na naman siya sa tabi ko ngayon. Maaga lagi siyang nagigising. Tumutulong sa mag-asawa. Ako yata ang palamunin dito. Pero hindi gano'n 'yon. Lagiko naman silang tinuturuan ng self-defense strategies. Madaling maka-pick up sina Leonardo at Berke. Madalas, si Gerardo ay nanonood na lang dahil hindi niya raw talaga gusto ang mga bakbakan.


"Sir, bumangon na po kayo. Nakahanda na po ang almusal sa mesa." Untag ni Berke mula sa pinto.


"Susunod na lang ako." Sigaw ko mula dito sa kwarto.


Nag-stretching lang ako sandali at saka lumabas sa kwarto. Kitang-kita ko na namanang ngiti ni Berke. Iniikot ko lang ang paningin ko sa buong paligid.Masarap ang dampi ng hangin sa balat ko. Wala kasing usok ng Maynila sa kada kibot ko. Laging masaya. Hindi kagaya ng mga problemang kailangan kong harapin pagbalik namin ni Berke doon. Ang mga tao, welcome na welcome ka sa kanila. Hindi sila maramot. Tinuruan pa nga nila akong magkopra. Pabiro pa nga ng isang matandang magkokopra, Naku! Ngayon pa lang nagkaroon ng gwapong magkokopra dito sa Unisan! Nakakatuwa man, pero panandalian lang naman 'to. Hindi kasi lingid sa kaalaman nila na nagtatago lang kami ni Berke. Mabuti na ring gano'n para hindi kami masyadong pag-usapan.


"Gabriel, good morning!" Bati sa 'kin ng mag-asawa.


"Sir, ang tagal n'yo naman po yatang lumabas sa kwarto?" Tanong agad ni Berke na naglalagay ng sinangag sa plato na para sa 'kin.


"Nag-stretching pa kasi ako e. Pasensya na."


"OK lang po. Akala ko naman po kung anong morning ritual ang ginawa ninyo." Parang may laman ang sinabi niyang 'yon. It sounds sarcastic.


"Berke, ano ba sa tingin mo ang ginawa ni Gabriel?" Biglaang tanong ni Gerardo.


"Wala naman po. Siguro nga po nag-stretching lang siya." Nakangisi lang si Berke matapos 'yon. Natatawa na lang ako sa mukha niya. Halatang iba ang iniisip. Ayaw ko naman na gano'n ang maging ritwal ko sa umaga.


"Ikaw Berke, a? Siguro pinapantasya mo si Sir? O baka naman titig na titig ka sa kanya habang natutulog siya?" Parang gusto siyang ibuking ni Leonardo.


"Oo nga, Berke. Gwapo pa naman itong si sir. Malabong hindi ka magkagusto sa kanya. Bukod sa magkasama kayo sa kwarto, baka naman pasikreto mo rin siyang pini-picture-an gamit ang cellphone mo?" Pagpuna ni Gerardo.


"Kuya, unang-una po ilang araw na pong deadbatt ang cellphone ko. Pangalawa po, oo, gwapo nga si sir. Pero hindi ibig sabihin no'n na type ko na rin siya agad. At saka, kapag pulis, matulis po, 'di ba?" Saad niya sa 'ming lahat.


"Hindi naman siguro. May puso rin naman kami." Untag ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bato-Bato sa Langit!: Gabriel (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon