Anim na Sapak!

238 9 7
                                    

Part 6: Anim na Sapak!

(Gabriel)

Halos isang taon na rin akong naghahanap sa lalakeng ito na tagapagmana ng isang malaking kompanya. Ang hirap niyang hanapin. Nand'yan na rin 'yong naglibot ako sa buong Nuva Ecija at sa Ilocos. Pasikreto rin akong dine-deploy ni chief sa iba't-ibang parte ng Maynila.

Ang last destination ko ngayon sa paghahanap sa nanawalang tao na 'to, LRT-Pureza Station ulit. First and last, ito rin pala ang ang magiging destination ko.

I aboard the train and the people were just looking at me. Hindi ko alam kung ano na naman ba ang meron sa 'kin at titig na titig pa ang iba sa 'kin. May mga bading akong nakita. Nakatitig lang din sila sa 'kin. Tapos parng mga nag-uusap pa. I just smiled at them. Tapos biglang nagtilian! Tinginan din tuloy ang mga tao sa kanila. May kasama sila na lalakeng-lalake ang dating. Pero natawa na lang ako nang makita ko rin siyang tumili.

I flashed a look outside the train. Nasa V. Mapa Station na rin pala ako. Hindi ko expected na ang bilis ng LRT ngayon. I must say that they're improving.

Until I alighted the train at Pureza Station. Bumaba na lang muna ako at lumabas sa station para kumain.

Nang makababa na ako, napalingon na lang ako sa isang banda. At may namataan ang mga mata ko. Napapaisip na lang ako kung namamalik-mata lang ba ako sa nakikita ko o hindi. Kinusot ko pa ang talukap ng mga mata ko para kombinsihin ang sarili ko na siya na nga ang matagal ko nang hinahanap.

At napalingat lang ako sandali. Tapos ibinalik ko ang tanaw sa nakita ko kanina. Kaso bigla na lang nawala.

Kumilos na agad ako. Nilakad ko na agad ang kahabaan ng Pureza Street. Nagmamadali na ako kasi baka hindi ko na ulit siya makita pa.

Ang dami pa man ding estudyante ngayon. Ito ang pinakanakakainis na parte sa kahit anong imbestigasyon. Kung kailan nakita mo na, malingat ka lang, bigla pang mawawala.

Ginagala ko pa rin ang paningin ko. Tinitingnan kong maigi ang bawat sulok nitong kalsada at ang mga establishments. Baka sakaling makita ko ulit siya. Ang hirap naman ng ganito. Kaya naman nilabas ko na lang ang picture niya at naisipan ko na lang na magtanong sa bawat estudyante ng PUP kung kilala nila itong taong hinahanap ko.

Nagsimula ako sa dalawang babae.

"Excuse me, Miss." untag ko.

"Ano po 'yon?" tanong ng babaeng naka-pink na uniform.

"Itatanong ko lang sana kung kilala n'yo ba itong nasa picture."

"Siya? Parang nakita ko na po siya sa loob ng campus. Pero hindi ko po siya kilala." sagot ng babaeng nasa beige na uniform.

"Sige po, salamat." I just said.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad at paglingon-lingon sa bawat sulok. May nakasalubong na naman akong estudyante. Dalawang lalake.

Nagulat pa sila nang malapitan ko na silang dalawa.

"Sir, ano pong ginawa naming masama?" takot na takot na tanong ng isa.

"Wala, mga bata. Magtatanong lang ako kung kilala n'yo ba itong nasa letrato?"

"Sandali, si Kuya Berkeley 'to, p're." biglaang sambit ng isa na nasa maroon na uniform.

"Siya nga 'to! Pero ang bata naman yata ni Kuya dito." takang-taka pang sabi no'ng takot na takot na lalake kanina.

"Bakit, ilang taon na ba siya?" tanong ko.

"Mga nasa twenty-five na yata si Kuya Berk." sagot no'ng naka-maroon.

"Matanda na si Kuya." dagdag pa no'ng kasama niya.

Bato-Bato sa Langit!: Gabriel (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon