Part 5: Limang Sapak!
(Gabriel)
Matapos ang dalawang linggong pagkaka-deploy namin sa Cavite at Batangas, nakauwi na rin ako dito sa bahay ko. Bukas na ulit ang pasok ko. Nakatalaga ako bukas sa LRT-Pureza. Mga dalawang linggo na naman akong magpapasikot-sikot doon. Tapos kailangan ko pang gumawa ng report.
Nahiga agad ako sa kama ko. Nakatitig lang ako sa kisama. Tapos bigla na lang akong napaluha.
Hindi ko alam kung bakit pero talagang ganyan ang nangyayari sa 'kin kapag nararamdaman kong mag-isa pa rin ako.
Ganito kasi ako since Donna broke my heart. Parang araw-araw kong pinagbabayaran ang lahat. Siguro nga I don't deserve any love from somebody. I also think that I'm not quite enough para mahalin.
Inisip ko na lang na malalagpasan ko na ito, malapit na. Alam kong malapit na dahil halos siyam na taon na rin ang sinayang ko para lang makalimutan ko siya.
Hanggang sa nakatulog na lang ako.
...
Nang magising ako, alas-sais na rin pala ng gabi. Bumaba na ako para tingnan kung may pagkain pa ba. Tiningnan ko ang ref ko at wala nang laman. So I decided na pumunta sa grocery para makapamili na rin ako. Total naman ngayon lang ulit ako makakalabas mag-isa.
I washed my face first and then nagpalit na ako ng damit. Tamang pants na denim at shirt na puti at sneakers, tapos na!
Bumaba na ako at pinatay ko muna lahat ng ilaw na nakabukas. Right after na mai-lock ko ang pinto, I rushed to the car at umalis na ako.
Madalas kong kasama daati si Beatriz mamili pero may trabaho na rin kasi siya. So ako lang talaga ang mamimili mag-isa.
Nagpatugtog na lang ako dito sa kotse.
Mahilig pa naman ako sa mga kantang luma.
Pinaka-favorite ko ay 'How Deep is Your Love?' ng Bee Gees. Napangiti na lang ako nang tumugtog na ang kanta.
Kumakanta-kanta pa ako sa saliw ng tugtog. Bigla ko na lang naisip ang mga araw na masaya kaming dalawa ni Donna.
'Yung pupunta kaming dalawa sa park para mamasyal at mag-date.
Tapos kung minsan, dadaanan niya pa ako sa PNP para lang dalhan ng lunch o dinner.
Siya ang nagbibigay ng inspirasyon at dedikasyon para mas lalo ko pang mahalin ang trabaho ko bilang pulis.
Sa kanya ko rin mas naibigay ang lahat ko, lalo na ang pagmamahal ko.
Siya lang ang tangi kong kaligayahan noong mga araw na kami pang dalawa ang magkasama.
Sa loob-loob ko noon, siya na ang babaeng nararapat na makasama ko habangbuhay.
Masaya naman ako sa resulta ng pagmamahal ko sa kanya. Mas naging masigasig ako at lagi rin akong nakangiti.
Malayo sa Gabriel Ponce de Leon ngayon. Lugmok na lugmok na ako. Pero sa ngayon, mas pinili kong bitiwan na lang ang alaalang nanakit sa damdamin ko.
Alam kong madrama ako. Pero hindi ko maiwasan dahil sa kanya ko na ibinigay lahat-lahat.
Siguro naging padalos-dalos din kasi ako sa damdamin ko. Hindi ko tinimbang ang lahat.
Kaya naman masasabi ko na ang pinakamabigat na bigat ay mararanasan mo kapag nagmahal ka ng lubos.
While strolling, tumitingin na rin ako kung ano ang mga idadagdag ko pa dito sa mga pinamili ko. Hanggang sa nakita ko na ang lettuce. Kumuha na ako ng mga apat na kilo. Kahit mahal 'to, bibilhin ko pa rin 'to. Sarap kaya ng lettuce! (Try n'yo!)
BINABASA MO ANG
Bato-Bato sa Langit!: Gabriel (HIATUS)
Action[GAY;BOYXBOY;YAOI;] This is the second story on the series 'Bato-bato sa Langit!' [NO SOFTCOPIES]